Kabanata 33

355 15 18
                                        

Nandito kami sa bangin, yung may waterfall na pinuntahan namin ni kuya noon. Yung nagdadala ng iba't ibang feeling, yung nagpapa kirot ng puso ko....

"Mas maganda dito kapag umaga dahil makikita mo ang magandang tanawin. Pero nakakakalma naman ang tunog ng talon kapag gabi." Ngiting wika niya sakin. I smiled back.

"Ang daming alaala ng lugar na ito, sa tingin ko nga higit pa sa naaalala ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, and got goosebumps. He's right, why do I feel the same way? It seems so memorable but all the memories... I can't remember them....

"Napaka espesyal nito, dito tayo laging— ang ibig kong sabihin ay dito tayo nagkakilala! Tanda mo ba, Binibini?" Napataas ako ng kilay, what's up with him? Yung tawa niya parang off, something's fishy...

Parang may iba siya sasabihin eh, tapos iniba niya yung topic? Sis, nakakaloka ha. Pero gwapo parin siya, keri naman. Charness HAHAHAHA.

"Ah, oo nga. Kasama mo pa non si Rosa." Pagtukoy ko dun sa kasama niyang kabayo non. Ugh, natatandaan ko pa yon he looks like a prince. And the familiar scene....

"Ang binibining tulad mo ay hindi dapat lumuluha."

"Bakit ka nga pala umiiyak noon, Binibini?" Tanong niya, should I tell him the truth? Well, it actually is the truth, hindi ko rin naman alam ang dahilan.

"H-hindi ko din alam eh, basta pagkadala sakin ni kuya sa lugar na to, kumirot lang bigla ang puso ko. Hindi ko maalala ang dahilan." Nilingon ko siya, ngumiti siya saakin at umupo. Naglahad siya ng kamay at inalalayan akong umupo sa tabi niya.

"Pareho tayo...." pabiting banggit niya, nakatingin sa langit. Tumingala din ako. The stars, I can see a clearer view now, pati ang moon nakikita ko na. At that moment I genuinely smiled, the heart ache just suddenly disappeared. The fact that he's here with me, looking at the night sky. It's an enough antidote for the heart ache, and I don't know why...

"Mga bata palang tayo non, dito tayo nagkakilala bago pa man tayo ipakilala ng mga pamilya natin sa isa't isa." Banggit niya. wow, that's cute, ano kaya ang itsura ng batang Gabriel? Gwapo and cute for sure HAHAHA

"Magkaibigan na ba yung mga magulang natin noon? Bago pa tayo ipinanganak?" Curious na tanong ko, well, pamilya ko naman sila! Ancestors ko sila noh.

Tumango siya. "Matagal na panahon na ang nakalipas ng magsimula ang pagkakaibigan ng pamilya Abelardo at Panganiban. Magkasamang lumaki ang mga Ama natin. Tulad nila ay matalik ding magkaibigan ang iyong Ina at akin. Sabay pa nga silang ikinasal." Kwento niya, wow, ang strong nga ng friendship nila. Grabe, simula bata, hanggang sa mag-asawa, tapos...

"Tapos magkatabi pa ng bahay, may iisang lagusan sa gitna." Pagbanggit niya sa naiisip ko, we tittered. Yung secret garden...

"At bilang tanda ng pagkakaibigan na halos ilang daang taon na ay itinakda nila kayo.... kayo ng aking kapatid na si Diego." Iniwas niya ang tingin niya at tiningnan ang waterfall na nasa side niya. Meron din kasi sa side ko. Dalawa.

"Nakakamangha kasi ang nauulit na tadhana tuwing ika-isang daang taon." Napatingin ako sakanya ng nakataas ang kilay, anong nauulit na tadhana?

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko, he smiled softly, hindi abot sa mata. It's hard to see him this way, parang bumabalik ang heart ache.

"Sa tuwing ika-isang daang taon ay may isinisilang na Marinella Aurelia Abelardo, at Diego Panganiban. At sila ay.... ikinakasal." Napataas ako ng kilay, what?! Anong klaseng tadhana yon! Eh parang tradisyon naman eh!

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon