Kabanata 36

314 15 28
                                    






Okay, calm yourself. You are beautiful, you are worthy, you are loved, you are smart. Wait, parang walang connect? Dun sa smart part pwede pa. Pero dahil ako ang pinakamagandang dalaga sa bayan ng San Pablo keri na. Ay feel na feel. Laki ulo mo bhie?







"Hindi, ano kase...." nakakagat ko nalang ang labi ko, alam kong di ako cute! Nag iisip ako okay! Tiningnan niya naman ako at parang tila pinahiwatig na nasaakin na ang kaniyang buong atensiyon. Oh, taray ng tagalog.






"Patay na kase siya." Nakita ko ang panlalaki ng mata niya at paglayo niya ng phone sa sarili niya. Di niya na matignan. Parang binabalik na niya sakin kasi direksiyon nung kamay niya nasa harap ko HAHAHA.






"P-pumanaw na? Ano ang sanhi?" Napapalunok pang tanong niya. Kabado ka bhie? Di pa nga siya pinapanganak ngayon eh HAHAHA. Sorry, Martin mah friend. Wala ka pa nga sa world na to pinapatay na kita huhu. No choice eh, peace. Keep slaying jan sa present time bhie.







"Sakit sa puso." Napapikit nalang ako. Huhu ang sama sama kong tao. Parang nagulat naman siya ulit. Epekto ba to ng colgate... o?








"Nalalapit lang ba sa iyong edad?" Tumango naman ako ng nakayuko. "Aba, napakabata pa niya. Anong klaseng sakit sa puso ba, Binibini?" Parang gusto kong magpaanod nalang dito sa ilog sa likod namin. Mukha ba kong cardiologist?! Palusot!! Isip!!







"H-hindi ko alam, sabi niya basta wala ng magagawa dahil huli na ang lahat. Yan nga ang binigay niya sakin bago siya mamatay. Sabi niya ingatan ko daw dahil iyan ang pinakaespesyal niyang imbensiyon." Napalunok nalang ako at napapikit, may sense naman kaya yung sinasabi ko? Aba, di ko rin alam bhie. Bahala na.







"Ganoon ba? Ako'y nahahabag, Binibini. Ipinapaabot ko ang aking pakikiramay, kahit gaano katagal na....?" Tanong niya sakin, grabe nakakainlove naman mag condolence to. Iba dating mga bhie eh!! Charness.








"A-ah, i-isang taon na." Believe me or not, nakokonsensiya na rin ako uy. Sorry na agad, God huhu.








Ramdam ko namang tumango siya. "Paniguradong mapagpasalamat siya sa pagiging mabuti mong kaibigan kaya't ipinagkatiwala niya sa iyo ito." Tumingala naman ako at nginitian nalang siya. Di naman na siya takot at sinuri na ulit ang phone. Paano ko paninindigan to? Di pa naman ako magaling mag sinungaling. Bait bait kong bata eh. I'm an angel! Charness.










"Siya rin ba ang sumulat at umawit ng kantang ito?" Tanong niya ulit. Kelan ka ba matatapos sa pagtatanong bhie? Pasalamat ka't napaka cute mo huhu.







"H-hindi, yung mga kaibigan namin." Napakurot nalang ako sa sarili ko. Woah, naging kaibigan ko na si Powfu at Beabadoobee agad. Sino papa autograph? Lol.









"Kahanga hanga, paano nailagay ang kanilang mga boses dito sa bagay na ito? Sa CP?" Parang di pa sure na sagot niya. I'm tellin' ya, he's innocence is really cute.







"Nako, hindi ko alam. Pasensiya na. Hindi naman ako yung imbentor." Eto lang ata yung sagot ko na nagsabi ako ng totoo. Tunog pilosopo pero totoo naman eh! Malay ko ba! Tsh.









Natawa naman siya. "Oo nga, Binibini. Tama ka." Tawa din kayo mga bhie. Pero nawala ang tawa niya nang lumipat ang kanta. Kumunot ang noo niya at agad na tiningnan ang phone ko. Binasa ang title ng kanta.







A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon