Kabanata 2

1.2K 41 5
                                        


"Saan mo po ba talaga ako dinala? Anong po bang ginagawa ko dito? I promise I won't tell the police, just please let me go!" Angal ko doon sa matandang kanina ko pa tinatanong ng mahinahon pero hindi ako sinasagot, ano ba talaga problema niya at ayaw niya akong sagutin? Hindi naman siya pipi kasi nakapag salita siya kanina!

"Hindi ba't hiniling mong magkaroon ng isang masayang pamilya at buhay? Magkaroon ng mga tunay na kaibigan? Ng mga nagmamahal sayo? Ito na ang kahilingan mo. At hija, kakasabi ko lang, sa pagkakaalam ko ay hindi ka bingi. Nasa ika-19 siglo tayo." nakangiti niyang sabi, bigla nang tumigil ang kalesang sinasakyan namin at pinagbuksan kami ng kutsero. What is happening? Ano bang sinasabi niya? Is she insane?

"Pero bakit mo ako dinala sa panahong ito kung yon lang naman ang kahilingan ko?" Tanong ko muli, I played along. Wish granter? Unbelievable!

Inalalayan akong makababa ng isang... guardia civil? May sinabi ang matanda babae doon sa guardia civil na siyang nagpatakbo dito papunta papasok sa loob ng isang malaking gate. Now this is really starting to be believable, mukhang makaluma nga ang lahat base sa mga setting na sa internet ko lang nakikita o kaya sa laptop ni ma'am Mariel. No no no!! Bakit ka bumibigay, Lia! This could not be true! Do not be fooled!

"Dahil ang iyong kahilingan ay may kapalit na gawain, mayroon kang misyon." sabi niya nang makalayo na kami sa kalesa, really? She made this even MORE unreal. But what if eto pala yung bahay nung iaarrange marriage sakin at pinakidnap na ako para di na ko pumalag? Pero ba't kailangan in costume? No, I'm being too delusional.

Nakita ko ang isang arko sa taas ng malaking gate na pinasukan nung guardia civil kanina, Hacienda Abelardo ang nakasulat dito. Hacienda Abelardo? Apilyedo ko yon ah! Talaga bang niresearch nila ako para lang sa eme nila? O kung totoo man nga tong mga nangayayari... Hindi kaya sa ninuno ko ang mansyon na to? Wait, no. Hindi parin ako naniniwala. Hindi parin. Hindi.

Naglakad kami lagpas ng mga malalawak na palayan at maliliit na bahay ng iba't ibang hayop. Wow ang yaman naman ng pamilyang narentahan nila! Ang lawak ng hacienda nila! May mga plants din at mga flowers na maayos na nakahilera sa mga gilid. Pagkatapos ng medyo mahabang lakad ay naaninag ko na ang isang malaking bahay. Ang ganda naman ng mansyon na to, di na ko uuwi. I was amazed, everything is so familiar. But, why?

"Misyon? Kaligayahan naman po ang hiniling ko like you said, and not burden." Sabi ko. Oh, come on. What are we in a story? A book? 'Cause I've read something like this before.

"Hirap? Bakit naman hirap ang misyon na to eh di mo pa naman nalalaman ang kailangan mong gawin, hija?" sabi niya, mahinahon parin siya at nakangiti samantalang kinakabahan na ako sa kakaharapin ko.

Totoo bang nasa ibang panahon talaga ako? Huhu. Sana pala hindi nalang ako humiling. Caution, don't listen to gwapo's! Mga pahamak!

She laughed a bit. "Kahit isipin mo na sana hindi ka nalang humiling, mangyayari at mangyayari talaga ito. Nakatadhana na ito hija, nakatadhana na magkita na kayong muli." Kami? Sinong kami? At saka pano niya nalaman ang iniisip ko?

"Sino pong—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng buksan ng dalawang guardia civil ang malaking pinto ng mansyon, naamaze ako sa lawak at ganda ng loob! Pang mayaman talaga omg!

"Hindi ka parin ba naniniwala?" Tanong niya saakin, tumango ako. Of course not. This is too good to be true.

"Edi bahala ka jan." Binuksan niya yung abaniko niya, yung parang paypay. Attitude ka sis?

Laging may dalang ganon si Ms. Mariel kaya alam ko ang tawag don. Pinaglalaruan ko pa nga yon tas hinahampas niya sakin huhu.

Naunang maglakad yung matanda kaya sumunod ako sa paglalakad niya, pumunta kami sa may gitna ng mansyon at may malaking painting doon. May apat na tao doon. Nandoon ang isang lalaking may katandaan na pero kita parin ang pagkagwapo at isang babae naman na ganoon rin, matanda na ng kaonti ngunit kita parin ang taglay na ganda. Konti lang din yung namumuti na nilang buhok. At isang gwapong lalaki na kamukha nung lalaking may katandaan! Parang nasa 20+ palang siya. At napatingin ako doon sa isa pang babae na kamukha naman ng medyo may katandaan na babae kanina. At huli na ng marealize ko na... KAMUKHA KO SIYA! Omg! As in parang nakatingin ako sa mirror. OR BAKA, AKO YON? Char, assuming. Kaya tayo nasasaktan eh.

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon