Kabanata 7

576 25 0
                                        

Pag-ka tango ko ay nagulat ako ng automatikong tinaggap ng kamay ko ang kamay niya, "A-ah oo, ah, salamat" ngumiti ako sakanya pagkatayo niya saakin, nangiti na rin naman siya, bakit parang kinakabahan ako? Bumilis nanaman ang tibok ni heart, hinahabol ata ng kabayo.

"Ako na ang humihingi ng paumanhin para doon sa aming kapatid na si Diego, masama lang ang araw niya. Patawad, Lia." Sabi niya, bigla ng sumeryoso ang mukha niya.

"Oo nga, hayaan mo at kami ang bahala don mamaya!" Sabi nung isa sa twins.

"Kami ang bubugbog don hahahaha!" Sabi naman nung isa, napatawa kaming lahat. Ang gugwapo nila kung tumawa, lalo ni si Gabriel... ay joke lang pala hehehehehe.

"Ayos ka na ba talaga? Nasaktan ka ba?" Tanong ni Gabriel bigla sa gilid ko, hindi parin pala natatanggal ang pagkahawak ng mga kamay namin. Shocks, I'm like nakukuryente na...

Gusto kong sabihin na 'oo Gabriel, ang sakit ng pwet ko! Huhu!' Pero huwag na nakakahiya.

Nang sasagot na ko ay... "Bakit? Ano ang nangyari sa kapatid ko?" Si kuya! Na seryoso ang mukha, bigla akong napatakbo papunta sakanya. Sinalubong naman niya ako ng hug.

"Kuya.... huhuhu" so ayan nag drama akong umiiyak kaya hinaplos naman niya ang likod ko.

"Bakit Ella? Ano ang nangyari?" Nag-aalala siya pero mataas din ang boses niya. Napatingin naman siya doon sa direksiyon ng twins at kay Gabriel, well, ako kasi nakasubsob ang mukha ko sa dibdib ni kuya kaya di ko sure kung saan siya eksaktong nakatingin.

"Eh kasi...kuya....." alam kong boses yon ng isa sa twins.

"Kasi kuya ganito, naiinis nanaman kasi si Diego dahil nga hiniwalayan siya nung nobya niya tapos sa inis niya kung saan saan na siya palakad lakad dito sa bahay niyo, tapos ayon sinusundan namin siya hanggang sa makarating siya dito sa kusina niyo tapos ayon nakapikit si Ellay at nakayuko naman si Diego kaya ayon nagkabanggaan sila." Mahabang kwento nung isa sa twins, grabe, ang bilis niya magsalita. Wala nga akong naintindihan eh. Napakunot naman ang noo ni kuya.

"Bakit ka naman kasi nakapikit habang kumakain Ella?" Nakataas ang kilay na sabi ni kuya.

Okay so, wala akong maidahilan. "E-eh hindi ko parin naman kasalanan yon kuya eh! Siya! Bakit ba kasi siya di tumitingin sa dinadaanan niya diba? Natapon na tuloy yung pagkain ko! Isa pa lang nga nakakakain ko don eh! Tapos anong pumasok sa utak niya at itutulak at sisigawan niya ako sa bahay ko diba? Ang sakit na nga ng pwet ko eh!" Medyo pabulong yng sigaw ko don sa last part, parang natatawa naman si kuya pero pinigilan niya at bigla siyang sumeryoso.

"Totoo ba yon? Tinulak ni Diego ang kapatid ko?" Tanong ni kuya, napatango naman ang isa sa twins, habang yung isa ay tinaas lang ang dalawang kilay.

"Tsk, malala na si Diego. Sige sige, ako na ang bahala sakanya bunso ah? Dito ka muna, hindi naman kaugali ng mga kapatid niya yon. At hayaan mo, mamaya papakainin kita ng marami." Kinindatan niya pa ako bago bumitiw sa yakap, nagbilin siya kay Gabriel at doon sa twins. Pero wait, tama ba ang narinig ko 'hindi naman kaugali ng mga kapatid niya yon' ibig sabihin..... MAGKAKAPATID SILANG APAT? Pero.... hmm.. posible naman diba? Sino kaya panganay? Sino kaya bunso?

"Kayo muna ang bahala dito sa kapatid ko ah? Hindi naman siguro kayo tututol kung makakatikim saakin yong kapatid niyo?" Seryosong sabi ni kuya. Makakatikim? Omy, does that mean na... bubugbogin niya yung gwapong kabuteng yon? Sayang ang pez! Pero wait... yung pandesal ko tinapon niya kaya bahala siya jan!

"Oo naman kuya ano! Tama lang sakanya yon sa ginawa niya dito kay Ellay!" Sabi nung isa sa twins. Tuluyan ng umalis si kuya.

"Ah.. eh.. Señorita umupo ka muna." Alok sakin nung isa.

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon