"Bakit ba tila lumulutang ang iyong isip ngayon?" Tanong ni Katarina. Bigla tuloy ako napabalik sa reality. Napabuntong hininga, o diba, lalim ng tagalog? Tsk!
Kanina pa kasi siya nagkukwento, tinatry ko naman makinig eh! Promise talaga! Pero kasi kusang lumilipad eh! Di ko mapigilan! Kasi naman eh!
Nasa kalesa nga pala kami ngayon, nagpadala kasi ng sulat kahapon si Anita. Wait, wag kayo maguluhan. Hindi kahapon nangyari yung 'almost' thing namin ni Gabriel, the day before that. Namalengke kasi kami ni Ina kahapon at namili ng kung ano ano sa plaza kaya napagod ako at di na nagising sa kalagitnaan ng gabi. Pero eto ako ngayon gagala nanaman HAHAHA. Kahit isang araw na ang nakalipas, parang kagabi lang talaga yon. Hindi ko makalimutan, ang linaw linaw ng alaala sakin.
"Iniisip mo marahil ang iyong kasintahan ano?—" naputol ang sasabihin niya ng buksan ng kutsero ang pinto ng kalesa, pero mas lumawak ang ngiti niya. Nandito na kami. Pinauna niya akong bumaba. Kasintahan? Eh wala naman akong jowa sa panahong to! At saka si Gabriel ang iniisip ko, hindi ko pa siya jowa! May 'pa' eh noh kala mo naman HAHAHA.
"Napakaganda ng araw na ito." Sabi ni Katarina at lumanghap pa ng hangin, sakto naman at umihip ito ng malakas. Walang gumagawa nito sa panahon ko, kapag may nakakita siguro iisiping baliw, pero the air here is too fresh. Pwedeng pwedeng langhapin talaga.
"Excit- ah este nananabik ka na ring makita si Anita?" Tanong ko, nakangiti siyang tumango.
"Hindi ko nga pala siya nabanggit saiyo, noh? Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita." Sabi niya, tumango nalang ako. Sumukbit siya sa braso ko at naglakad na kami ng sabay.
"Katarina! Marinella! Kamusta na kayo?" Rinig namin sa isang boses, napatigil kami sa pagkukwentuhan at nakitang palalapit na si Anita. We hugged. She's so pretty talagaa.
"Katarina!! Kay tagal na talaga nating hindi nagkita! Alam mo bang sabik na sabik akong makita ka!" Tapos nag hug sila. Sobrang higpit non, ang saya saya nilang makita ang isa't isa. Napansin siguro ni Anita na nakatingin lang ako kaya sinama niya ako sa hug.
"At siyempre ikaw rin, Marinella!" Sabi niya, natawa nalang ako sa posisyon namin.
"Ang dami dami kong kwento at mga pasalubong sainyo, ako rin ay hindi na makapaghintay sa mga kwento ninyo!" Sabi niya at inaya na kaming mag-ikot. Hindi na kami pumunta sa mga bilihan ng tinatawag nilang 'palamuti' o kung ano ano pang mga store kasi nga may mga pasalubong samin si Anita na binigay niya samin kanina, pero nasa kalesa na ngayon.
"Kamusta naman ang inyong mga buhay pag-ibig ha?" Bigla niyang pag-oopen up, nagkatinginan kami ni Katarina tas natawa. Well, si Katarina lang ang may lovelife dito ako wala pa HAHAHA. Ay ma 'pa' eh noh kala mo naman, pero to think of it yun yung misyon ko diba? I'm here for the man that I'll love. Di tulad niyo, feeling may lovelife wala namang label. Charottt!! Love ko kayo, okayy? HAHAHA.
"Nako, ikaw nga ang mukhang may buhay pag-ibig dito dahil sa iyong sigla at saya." Sabi ni Katarina. Natawa naman si Anita, ang hinhin na ang ganda niya huhu sana all!
"May kasulatan lang naman akong Ginoo, yun lang haha." Sabi niya na parang kinikilig, ay wow sana all.
"Talaga? Sino?—" natigil ako sa pagtatanong ng bigla niyang lapitan ang isang lalaki.
"Tamang tama ayon siya!" Masiglang sabi niya at itinuro ang lalaking nakatalikod, matangkad ito at nakatalikod palang ay gwapo na tingnan. He looks familiar.
"Mateo!" With that name she called, I froze. Si Mateo? Ang anak ng Gobernador? Ang kasulatan din ni Katarina? Seryoso?
"Señorita Anita, ikaw pala." Sabi ni Mateo, ngumiti siya ng kaonti habang ngiting-ngiti naman si Anita na parang tuwang tuwang makita siya.

BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Historical FictionSa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na...