Naramdaman kong may yumuyugyog ng shoulder ko, hmm?
"Gabriel?" I said, without opening my eyes. And yawned. Ramdam ko ang sinag ng araw, nasisilaw ako kaya ayaw ko pa dumilat agad. I used my left hand as a tiny shade for my eyes.
"Señorita ako ito, si Isay." Nagulat naman ako don at agad nadilat at bumangon. Pero nasilaw ako kaya nagkamot ako ng mata, umayos ng upo.
"I-isay? Anong—" nagulat ako ng luminaw na ang paningin ko at matingnan ko ang paligid. Nakaramdam din ako ng kaonting chill kahit maaraw naman. Napahawak ako sa hair ko and.... it's wet! I'm wet!! What in the world—
"Kailangan na po natin bumalik sa mansyon, bago pa malaman ng iyong kuya at mga magulang na wala ka sa iyong silid!" Sabi niya, tumango nalang ako dahil kinakabahan din akong mahuli. Tinanggal niya ang basang basang blanket na nakabalot saakin at itinapon iyon sa gilid, binalot niya ako ng tuwalya, hinigpitan ko ang hawak dito. Tumayo ako pero biglang nanghina, my knees are trembling. Buti nalang hawak ako ni Isay. Paika ika kong kinuha ang blanket na binato niya.
"Señorita, ayos ka lang po ba? Kaya mo po ba?" Napahawak nalang ako sa ulo at tumango. I feel dizzy. I feel weak. Ugh, what is going on.
Kinapa ni Isay ang leeg ko at noo. "Jusko po! Señorita nilalagnat ka!" Tinignan ko nalang siya at napa sneeze. "Bakit ka po ba kasi andito? Bakit ka po nagpaulan? Bakit po hindi ka umuwi kagabi? Alam niyo po bang halos atakihin na ako sa puso ng pagbukas ko ng pinto sa silid niyo ay wala kayo?" Halos naiiyak na niyang sabi. Umuubong ipinatong ko nalang ang ulo ko sa balikat niya.
"A-ako na ang bahalang magpaliwanag sakanila, patawarin mo ko, Isay. Hayaan mo, hindi ko h-hahayaang mapagalitan o maparusahan ka nila. Kasalanan ko naman t-to eh." I sneezed. Mas hinigpitan ko pa ang pagkabalot saakin ng towel dahil ginaw na ginaw ako. Ramdam na ramdam ko ang bawat tulo ng tubig sa buong katawan ko.
"Huwag na nga po muna nating intindihin ito! Ang importante ay ang magpatuyo ka na po sa iyong silid at maligo." Sabi niya na alalang alala at nakaalay sakin na may halo halong emosyon. Natawa naman ako.
"Magpapatuyo? Tas maliligo din naman?" Sabi ko at tumawa. It doesn't make any sense.
"Halika na po, Señorita. Wala ng panahon sa pagbibiro. Baka lumala pa lalo ang iyong lagnat. Hindi ko kakayanin kapag wala ka sa iyong sarili." Napatingin naman ako sakanya.
"Hindi ako baliw!" Sigaw ko pero agad niya kong shinush. Inalalayan niya akong maglakad. I feel bad, nabasa rin tuloy si Isay.
"Señorita, ayos ka lang po ba diyan?" Katok ni Isay. Nasa c.r na ko at nakababad sa bath tub. Ang sarap sa balat yung maligamgam na tubig.
Bumangon ako at sinabing "Yes. Ah— oo oo, lalabas na ko." Nakaupo ako ngayon sa kama, iniinterogate ni Isay. She has a lot of questions. Pero wala akong maintindihan, walang pumapasok sa isip ko. Nakatingin lang ako sa bintana sa labas. Makulimlim, mukhang uulan.
Ang lungkot ng langit, parang ako, wow we have something in common pala. Pagbigyan niyo na, may sakit. I sniffed then rested my head sa bintana. I don't feel good. Ang sama sama ng pakiramdam ko. Makirot pa ang puso ko.
'Kawawa naman ang Binibini, heartbroken na nga may sakit pa'
Bigla akong napabangon doon, ang bulong sa isip ko... si Maestra Cecilia!! Nagulat naman sakin si Isay at napahawak sa kamay ko.

BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Ficción históricaSa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na...