Kabanata 16

422 24 1
                                        


"Hindi ko palalagpasin ang ginawa mo, Diego." Sabi ni kuya, natigil ako sa pagpipigil ng tawa at natigil din sa pagpapatawa saakin si Luis ng tinabig siya ni Xavier.

"Kuya, hindi mo po naiintindihan. Nagsisinungaling ang kapatid mo." Sabi niya at tumingin saakin, nagulat naman ako. Ako? Nagsisinungaling? Wow! Sino nauna ha?

"At sa tingin mo maniniwala ako sa pagdadahilan mo?" Sabi ni kuya at napa smirk, omg I smell away.

"Kuya..." naputol ang sasabihin niya.

"Nasa binggit ng kamatayan kanina ang buhay ng kapatid ko dahil sayo! Tapos ano ang ginagawa mo? Naglilibang kasama ng iyong kaibigan?! Pano kapag may nangyari sakanya?! Hindi mo mapapalitan ang kanyang buhay!" Natinag kami sa sigaw ni kuya, he's so protective. Ganyan nga kuya, sigawan mo pa. Charot, nakakatakot talaga si kuya omg.

"Kuya Mariano, hayaan mo akong magpaliwanag. Hindi totoo ang sinasabi ng iyong kapatid. Maniwala ka saakin, ipapaliwanag ko." Sabi niya at nagpaawa, napatingin naman si kuya saakin. Huwag mong sabihing maniniwala siya jan? Muli naman siyang tumingin kay Diego, omg baka pagexplainin niya at maniwala sila sakanya. Isip, Lia.

Ayon! Drama! Pumikit pikit ako at ginawang watery ang mata ko, inunahan kong magsalita si kuya.

"Kuya? Narinig mo yon? Pinagbibintangan niya akong sinungaling..." sabi ko at humikbi.

"Binabaliktad niya ako, kuya..." sabi ko at tinakpan pa ng kamay ang mukha ko.

"Ako naman talaga ang biktima dito eh, tapos ako yung pagmumukhain niyang masama." Sabi ko at nilakasan na ang iyak ko, nag lean pa ako sa dibdib ni kuya. At nang maibaon ko na dito ang mukha ko ay narinig ko ang pagpoprotesta ni Diego kaya napangiti ako.

Niyakap ako ni kuya. "Shh, kapatid ko pakisuyong tumahan kana... alam mo namang sayo ako naniniwala. Hindi ko hahayaang ganunin ka ni Diego, hindi hahayaan ni kuya, kaya tahan na." Paglalambing ni kuya at hinimas pa ang sa may buhok ko. Medyo nilakasan ko naman ang iyak ko at umiling pa. Naramdaman ko naman ang pagtayo ni kuya sa tabi ko.

"Kita mo ito? Kagagawan mo to! Sisiguraduhin kong kahit luha ng kapatid ko, pagbabayaran mo!" Sabi ni kuya, napatingin naman ako sakanya nang bigla niyang hilain ang kwelyo ni Diebute. Omy!! Away na dis!

"Kuya Mariano, kumalma ka." Sabi ni Xavier na hinawakan pa ang balikat ni kuya.

"Katulad ng ating mga Ama ay pag-usapan natin ito ng maayos." Sabi naman ni Luis na hinawakan din ang kabilang balikat ni kuya. Nagpabalik balik siya ng tingin sa dalawa, napabuntong hininga, at padabog na binitawan ang kwelyo ni Diego.

"Kahit ako ay galit na ginanon niya si Ella, buhay niya ang pinag-uusapan dito." Sabi ni Xavier. Aw, concern siya sakin?

"Ako rin, kaya wag kang mag-alala kuya. Dahil mamaya sakin makakatikim tong lokong to." Sabi naman ni Luis at tumingin pa kay Diego na naka smirk na parang nakakatakot.

"Kahit ako rin, hindi tama iyon." Sabi ni Gabriel, nagulat ako ng sumulpot siya sa usapan. Tumingin siya ng masama kay Diego, inirapan naman sila ni Diego dahil lahat sila masama ang tingin sakanya. Aw, concern sila sakin? That's so... touching.

Medyo ang awkward lang pagdating kay Gabriel, oo gwapo parin siya, syempre gwapo parin siya. Pero yung tungkol sa nalaman ko, posible kayang alam niya yon? Na si Marinella of 19th century ay may gusto sakanya? Or posible bang mag jowawers sila? Ganern? Huhu nakakalito isipin! Ang dami dami kong gustong malamannnn!

Nagtitinginan lang sila at walang umiimik, I kennat the ambiance ha! Nakakatense! Makalayas nga, pero pano... hmmm. Syempre, drama nanaman tss. Tumikhim ako. Napatingin sila sakin. "K-kuya, gusto ko po magpahangin. Pwede po ba ko lumabas?" Tanong ko, nagpapaawa, hindi ko na kaya ang mga tingin ni Gabriel. Ang awkward talaga, at saka nagdidilim ang paningin ko diyan kay Diebute. Asar kase.

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon