Kabanata 4

767 29 2
                                        

Medyo matagal din ang biyahe, pero di boring kasi nagkukwento si kuya ng mga memories namin dati. Grabe sobrang close talaga nilang pamilya, pati silang magkapatid. Masaya at payapa ang life nila. Isa din pala talaga sila sa pinakamayamang pamilya dito sa bayan ng San Pablo.

"Kuya, may mga kaibigan po ba ako noon?" Tanong ko.

"Oo, si Katarina lang ang kilala kong kaibigan mo dito sa San Pablo. Ewan ko lang kung may mga kaibigan ka pa sa Maynila." Sabi ni kuya. Ayy ganon? Isa lang pala ang friend niya, bakit kaya? Pero atleast siya may kaibigan Lia, ikaw wala.

"Siya lang po? Wala ng iba?" Tanong ko. Napatawa naman si kuya.

"Sa pagkakatanda ko ay, oo. Siya lang ang malapit sayo, yung mga kaibigan ko naman minsan mo lang din kausapin. Sadyang mahiyain ka kasi, bunso. Hindi ka rin naman lumalabas sa bahay ng madalas dahil hindi ka sanay makisalamuha sa maraming tao." sabi ni kuya, ay ganon? Mahiyain pala si Marinella of 19th century, pareho kami. Joke, hindi. Wala lang talaga akong friends.

Napansin ko na mga puno nalang at wala ng bahay sa paligid, parang pamilyar itong lugar na to ah? Biglang tumigil ang kalesa pagkatapos ng ilang minuto.

"Nandito na tayo, Ella." Ngumiti siya, pagkatapos ay bumaba na ng kalesa. Inabot naman niya ang kamay niya para alalayan ako sa pagbaba. Mabilis namang umalis na ang kalesa pagkababa namin.

Nang pagkababa namin ay agad kong natanaw ang isang bangin, isang bangin na may dalawang waterfalls sa magkabilang gilid. Maririnig mo rin ang rumaragasang tubig kahit malayo ito, it's just too familiar! Why can't I remember?

"Hindi ba't paborito mo rito kasi mapayapa? Marahil ay hindi mo na rin maalala, pero nagbabakasakali akong may bumalik na kahit kaonting alaala kapag dinala kita dito." Ngumiti si kuya saakin, inalalayan niya akong makalapit pa sa bangin. Mas natanaw ko ang ganda nito, pero may parang kumirot sa puso ko ng matanaw ko ang buong lugar. Anong meron dito?

Parang naiiyak ako, nararamdaman ko nang malapit ng tumulo ang luha sa pisngi ko kaya yumuko ako. Di maganda ang pakiramdam ko sa lugar na to, kung magdahilan nalang kaya ako para makauwi? Ang uncomftrable lang kasi bigla, at saka I've been here before! I swear! Why can't I remember?

"Ayos ka lang ba, bunso? Ayaw mo ba pagmasdan ang paligid?" Pagsulyap ko kay kuya ay mukhang nag-aalala na siya.

"P-pwede po bang umuwi na tayo, kuya? Sumama po kasi bigla ang pakiramdam ko eh." Sabi ko, okay ako na ang magaling magdahilan, tsk. Pero totoo naman eh. Nagulat ako ng hawakan ni kuya ang noo at leeg ko.

"Wala ka namang lagnat." Sabi niya pa habang pinagmamasdan ako.

"Marahil ay pagod ka pa mula sa biyahe niyo, dapat pala ay hindi nalang muna kita dinala kung saan saan at pinagpahinga muna. Tsk." Mukhang namumroblema na ngayon si kuya, ang sarap sa feeling na may nag-aalala sayo, ang sarap magka kuya ha. Okay, it's final, I'm taking kuya Mariano home HAHAHAHA.

"Patawarin mo ako, Ella." sabi niya pa ng nakatingin direkta sa mga mata ko, naka sad face.

"Nako kuya okay lang yon noh!" Sabi ko pa, pinililit na ngumiti kahit nararamdaman ko parin yung weird feeling na kumikirot na ewan.

"O-okey? Ingles nanaman ba yan, bunso?" Nako, lagot! Kasi naman Lia, pigilan mo ang bibig mo.

"A-ah opo kuya! Ang ibig pong sabihin noon ay ayos! Ayos lang! Hehehe." Sabi ko, napatango naman si kuya. Jusq buti naman nawalan na ko ng script.

"Kung gayon ay hahanapin ko muna si Mang Obet, sa bilis non magpatakbo ay mukhang nakalayo na siya." Sabi ni kuya, napa 'opo' nalang ako.

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon