Biglang umulan, and knowing what will happen to me kapag nakaamoy ako ng alimuom, we all went home. Lahat nga sila hinatid muna ako sa bahay bago umuwi. Ang cute lang nila ng buksan ang bintana ng kalesa at mag wave sila sakin, di na ako nagpahatid kasi marami naman ng guardia civil, sinalubong din ako ng sangkatutak na mga tagasilbi. Ayaw naman nila magpatila muna sa bahay kasi nakakahiya daw at marami sila, at baka hinahanap narin sila sakanila, sigurado nag-aalala na ang mga magulang nila.
I also gave them a big smile then waved back, hinintay ko munang makalayo ang mga kalesa nila bago pumasok kahit na pinagdedebatihan pa namin kanina na dapat nga daw mauna na akong pumasok dahil sa ulan. 4 ang kalesa, tig-isa sina Katarina, Anita, at Mateo. Nasa isang kalesa naman ang F4 or should I say Panganiban brothers. Sinalubong ako ni kuya sa loob ng bahay, kakababa niya lang, halos madapa na nga siya sa kakamadali sa may hagdan.
Sinalubong niya ako ng yakap na mahigpit, natawa pa ako sa force na dala nito kasi nga galing siya sa pagtakbo. Pero I hugged him tight too, this is one of the best feelings. "Ayos ka lang ba, bunso? May masakit ba sayo? Naulanan ka ba?" Tanong niya ng alalang alala. Napangiti naman ako.
"Ayos lang po ako kuya, at saka alagang alaga ako nung mga yon noh!" Sabi ko, niyakap niya ako muli. Ang sarap talaga sa pakiramdam, yung may nag-aalala para sayo.
"Tapos kuya nakita din namin ang magkakakambal na Panganiban don, pati na rin si Mateo!" Kwento ko, mainit na gatas ang iniinom ko ngayon, nasa library kami ni kuya. Sa harap ng malaking bintana, kitang kita ang pagbuhos ng malakas na ulan, ang bawat patak. Rinig na rinig din ito, ramdam mo pa yung simoy ng hangin na malamig. Ayaw nga ni kuya kasi maaamoy ko daw, pero pagkatapos naman ng ulan yon, sinabi ko nalang na kapag patila na at saka namin isara ang bintana. Di niya daw ako matiis kaya pumayag siya.
"Mabuti naman at nahanap ka nila doon, binilin kita eh." Sabi niya ng nakatingin sakin, nakatayo si kuya sa harap ng isang shelf, may hinahanap daw kasi siyang libro.
"Kuya!" Sigaw ko, sabi ko nga kay kuya di ko na kailangan ng bantay. Tinanong ko pa nga siya kung may tiwala ba siya sakin kanina, or should I say samin. Tapos sabi niya ang laki laki daw ng tiwala niya sakin dahil mahal niya ko ng sobra, pero sabi niya kailangan ng kaonting guardia civil para sa safety talaga kasi syempre principalia, uso kidnap kidnap for pera ganon. So pumayag ako, kasi yun lang naman daw, tapos ngayon eto! Pinabantayan pala ako sa Panganiban brothers!
"Ella, bunso maniwala ka saakin! Hindi ko sila inutusan, nasaktong papasok ako noon ng bahay ng makita ko silang pasakay ng kalesa! Tinanong ko kung saan magtutungo ang sabi nila ay sa plaza din, kaya ayon pinatingnan narin kita. Pero hindi ko sila inutusan na bantayan ka!" Explain niya pa, nagulat naman ako don. Cute cute ni kuya, nag pout pa. Di nalang ako umimik, oo nalang, wala ako magets masyado eh hehehe. Wag niyo ko sumbong ah HAHAHA.
Kuya cleared his throat, nangangamoy iibahin ang usapan ah. "Si Señorito Mateo? Hindi ko inaakala na lumalabas pala siya, at sa ganong mataong lugar pa." Sabi ko na nga ba eh, change topic pa nga HAHAHAHA. Galawang kuya Mariano, for sale 1500 char! Akin lang to! Kuya ko lang to! Shoo kayo jan!
"Bakit naman, kuya? Pinagbabawalan ba siyang lumabas?" Tanong ko, at dinilaan ang gatas sa ibabaw ng labi ko. Yuck, don't want to have milk mustache. Ay wow arte, englisherist HAHAHA.
"Hindi naman, pareho lang kasi kayo na di pala-labas, di pala imik. Laging nasa silid, wala nga atang masyadong kaibgan yon eh. Nakakagulat lang na magkakakilala din sila nung magkakakambal na Panganiban. Sadyang tahimik at mahiyain talaga ang batang yon. At saka isa pa, anak siya ng gobernador, mas nasa panganib ang buhay niya kaysa sa ating mga principalia lang." mahabang explain niya, ayon, nagka background din kay Mateo HAHAHA. Deba guys syempre kailangan kilala niyo jowa ng kaibigan niyo, like ayaw natin masaktan ang mga bff natin right? Kaya magpaka detective! Tip #1 yan ilista niyo, char HAHAHA.
BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Historical FictionSa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na...