"Nandito na tayo, bunso" sabi ni kuya pagdating namin sa harap ng isang malaking pinto. Binuksan niya ito at parang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang laki ng library! Ang ganda! Ang daming libro! Omg, this is heaven. Pinauna ako ni kuya at tuwang tuwa naman akong pumasok, amoy na amoy ko ang scent ng mga libro na nakakaadik.
"Alam mo ba noon bunso ay nasabi mo saaking lagpas kalahating libro na ng ating silid aklatan ang iyong nabasa?" Sinabi niya at natawa.
"Napakasipag mong magbasa, kahanga hanga lang kasi kahit kakapadala lang nila tiyo at tiya ng mga libro ng mga dalawang linggo pa lamang ang nakakalipas ay natatapos mo na kaagad ang mga ito." Sabi niya, that reminds me of myself sa panahon ko, less than two weeks pa nga lang natatapos ko na basahin ang isang story sa wattpad.
"Oo nga pala, nagpadala sila kanina lang ng mga libro para sayo, tutal ay hindi sila nakapunta dito kahapon. Nanghihingi din sila ng tawad dahil hindi sila nakapunta, alam mo namang napaka abalang tao nila kapatid, at malayo ang kanilang tahanan. Sana'y hindi ka magtampo." Sabi ni kuya at tinuro ang mga libro sa may sulok ng library.
What to do? Ni hindi ko nga alam ang pinagsasasabi ni kuya, sinong tiya at tiyo ba? "Naiintindihan ko po, hindi naman po ako nagtatampo" sagot ko, he smiled.
Napatingin ako sa isang mesa na nasa sentro ng library, may mga papel dito, at saka yung feather at ink. Pinuntahan ko yon, may mga sulat ang papel na ito, meron pang parang notebook sa tabi nito.
"Aalis nga pala ako, bunso. Pupunta ako sa bayan dahil may pinapaasikaso si Ama. May gusto ka bang pasalubong?" Tanong niya, ano nga ba? Alangan namang, milktea po kuya hehe. Syempre wala non dito diba! Hahaha. Umiling nalang ako at saka ngumiti.
"Nako hindi ka pa rin nagbago, kapatid. Hayaan mo at ako nalang ang pipili ng bibilin para sayo, bibilin nalang kita ng pluma at tinta para makasulat ka ulit ng mga tula mo at magagandang kwento. Bibilin ko rin ang librong gustong gusto mo, ano nga ulit ang pamagat noon?" Napatingin ako sa isang papel sa gilid ko, mahaba ang nakasulat dito. Hindi siya mukhang tula, may nahanap akong words don na agad na sinabi kay kuya.
"A-ah Florante at Laura, kuya?" Nasabi ko.
"Ah oo ayon nga, sige kapatid. Babalik din ako, paalam na." He hugged me, nginitian pa bago lumabas. Agad kong binalikan ang nakita ko kanina.
Aking sinta,
Wala naman akong hinihiling na kahit ano sa pagbalik mo, nais ko lang na makarating ka ng ligtas muli dito. Ngunit kung may makikita kang librong Florante at Laura ay sana maalala mong ito ang paborito ko. Mag-iingat ka, maghihintay ako sa iyong pagbabalik.
Nagmamahal,
Marinella
Omg, so paboritong libro pala ni Marinella ang Florante at Laura? At ito, isa itong letter... para sa kanyang 'sinta'. What did I just saw? Ibig sabihin may boyfie si Marinella of 19th century? Pero bakit di siya nagpapakita? Nagpaparamdam? Omg lang. at itong letter, mukhang hindi na naipadala. Sino yung lalaking yon? At kailan siya babalik? Bumalik na ba siya? Sheeks kinakabahan naman ako dito eh. May kumatok sa pinto ng library.
"Come in— ang ibig kong sabihin ay pasok!" Sabi ko, at pumasok dito si Isay. Agad siyang ngumiti.
"Nakita niyo na po pala ang mga gamit niyo, Señorita. Ipinalabas na po kasi saakin ang mga gamit niyo at ipinalagay dito ang ilan sa mga libro't papel niyo, huwag po kayo mag alala at hindi ko naman binasa ang mga ito." Sabi niya.
"Eh, etong liham na ito saan galing to?" Tanong ko, ngumiti naman siya ulit.
"Lahat po ng gamit sa mesang yan ay galing sa inyong mga bagahe." Sabi niya, so wait, ang mga papel na ito.. ang letter na ito... lahat isinulat doon sa lugar na pinag aaralan ni Marinella?
BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Fiksi SejarahSa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na...
