"Señorita? Ayos kalang po ba?" Tanong sakin ni Isay, tapos na pala niya ko ayusan. Natulala nanaman ako sa salamin, ganda ko kase. Charness HAHAHAHA."A-ah oo naman." Nag iwas ako ng tingin, hindi ko din alam. Mixed emotions eh, di ko nga alam kung makakafocus ulit ako sa mga kwento ni Katarina. Inaya niya kasi ulit ako mamasyal, pero this this time kaming dalawa nalang naman.
"Kanina ka pa po kase nangingiti tapos biglang mag iiba ang reaksiyon na parang may malalim na iniisip at tuliro." Banggit niya. Well, about that.... hindi ko alam kung pano ako nakauwi kagabi. Ang naaalala ko lang nasa may bangin kami ni Gabriel, tapos nung kinantahan ko siya ng rocketeer inantok ako at napahiga sa balikat niya? Paano ako nakauwi? Ano nangyari? Wala naman akong naaalalang nagising ako. At saka nahiga ako sa shoulder niyaaa, mas naaamoy ko siya, sis kung alam niyo lang ang bango. Char HAHAHA. Baka nga tumulo pa laway ko o humilik ako tas naturn off siya huhu, ay turn off, may kayo sis? HAHAHAHA. Dinadaan ko lang sa biro pero sa totoo lang kabang kaba ako, pano kung nalaman pala nila Ama? I mean pano niya naman ako dadalin dito sa kwarto ko diba?! Di siya mala spiderman like me, wala siyang susi ng bahay. So ang nakikita ko lang solusyon is kakatok siya para madala ako sa kwarto. Nakooo yari akooo huhu. Wag naman sana.
"God, alam ko pong maharot ako hehe. Charness, mabait po akong lingkod niyo. Well, nagpapakabait po, not yet fully. Thank you po sa lahat ng binibigay niyo sakin, lalo na sa pagpaparanas sakin ng isang loving family, true friends, at pagiging super loved. Pero sana po hindi kami nahuli ni Gabriel, sana po hindi talaga nalaman ni Ama at Ina. Alam ko naman pong masama magsinungaling huhu pero kasi po kapag nalaman nila baka mag away ang mga pamilya namin, masama pa naman ang makitang magkasama ang isang babae't lalaki ng silang dalawa lang sa gitna ng gabi. Kahit wala po silang relasyon ganon ang lalabas, gusto ko naman po yon pero— char po. At saka ayaw ko naman pong maipalabas na nag bebetray ako sa darating na kasal namin ni Diego kahit ayaw ko naman po ikasal talaga sakanya at hindi naman talaga matutuloy kasi may plano kami. Sana nga po tulungan niyo ko na maipatupad ang plano huhu. Ang daldal ko po pero ayon po, sana po talaga huhu. Kahit eto lang po. Papakabait po ako dito at di na po mag eenglish masyado, gagawin ko po ng mabuti misyon ko huhu. Sorry din po sa madami kong mistakes, please please forgive me na po. Lovelots po, in the name of Jesus. Amen."
I opened my eyes and took a deep breath, Lia, habang wala pa silang sinasabi, wag mong i confirm okay. Umayos ka. Act normal. Don't be suspicios, don't be suspicious~
"Señorita, handa na po ang kalesa, hinihintay ka na ni Señorita Katarina roon." Napatingin ako sa pumasok na si Isay at napalunok. Kung si Isay nalang kaya tanungin ko?
"Teka, Isay." Tawag ko sakanya na kinakabahan, nakangiti niya akong hinarap.
"Ano po iyon, Señorita? May kailangan ba kayo?" She looked at me with innocent eyes. Omygod.
"Ano, kagabi kase....." panimula ko, di ako makatingin sakanya but she cutted me off.
"Yung kagabi pong hinatid ka dito ni Señorito Gabriel? Nakuu!! Alam niyo po ba na buhat buhat niya kayo na parang bagong kasal?! Tila nga po isa siyang prinsipe na buhat buhat ang isang tulog na prinsesa! Para po kayong lumabas sa isang libro kagabi! Napaka romantiko—" nanlaki ang mga mata niya at tila may narealize. Kung kanina ay ngiting ngiti siya habang nagkokompas pa ng kamay sa ere habang nagkukwento ngayon parang hindi siya makapaniwala sa sinabi niya at napatakip sa bibig niya. Kahit ako di makapaniwala. He did what?!

BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Fiksyen SejarahSa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na...