Kabanata 17

409 21 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto, at nakatitig sa papalubog na araw. Pagkatapos namin magkantahan ni Gabriel kanina ay sandali lang din ay pinuntahan kami ni Madam Cecilia, hinahanap na daw kasi ako nila kuya. Tapos ayon, umuwi narin sila, nakayuko nga lang si Diego at sobrang tahimik. Nag-'sorry' nga siya sakin kanina eh, psh, pasorry sorry pa di naman sincere. Ayaw nga ako palabasin ni kuya dito sa kwarto ko, sabi matulog at magpahinga daw ako. Pero okay naman na ko eh, kaya di ako sumunod hehe. #batangpasaway HAHAHA CHAROT. Nakasilip lang naman ako dito sa bintana, ang ganda kasi panoorin nung sunset habang tila naririnig ko sa tenga ko yung boses ni Gabriel, napakaganda, parang hindi ko na ata makakalimutan, it's stuck in my head so bad. Tapos naiimagine ko pa yung mga ngiti niya— no omg bad to! Baka epekto lang to nung aksidente kanina, oo yun nga! Baka yun nga kaya kung ano ano naiisip ko! Makapakinig na nga lang ng totoong music. In-on ko yung phone ko, I actually can't do a lot of things with my phone. Music lang, google translate... that's actually it. Ata? Wattpad? I prefer books from our library. Wow maka 'our library' eh noh. Napaisip rin ako, nasan na kaya yung bahay na to sa present time? Nagiba na ba?

"Señorita?" May biglang kumatok sa pinto na napatigil saakin sa pag-iisip.

"Pasok" sabi ko ng medyo malakas. Tama nga ang hinala ko dahil si Isay ang pumasok.

"Oh, Isay. Bakit?" Sabi ko, medyo nagulat lang ako kasi muntik ko ng maplay ang music. Hawak ko lang kasi ang phone ko kanina, buti nga natago ko pagkatok niya. Muntik ko pa ngang mahulog sa gulat.

"Pinapatingnan lang po kayo saakin ni Señorito Mariano, ayaw kasi muna siya papasukin dito ng inyong mga magulang dahil gusto po nilang magphinga ka muna. Kaya inutusan po ako ng Señorito na palihim na pumasok hehe." Sabi niya. May inilapag siyang mug sa may table malapit sa pinto.

"A-ay bakit ko sinabi!" Sabi niya na napatakip pa sa bibig. Napatawa ako ng bahagya.

"Hindi mo ba dapat sasabihin?" Tawa ko pa, takot na takot ang mukha niyang tumango.

"Nako, ayos lang, kunyari hindi ko alam haha." Sabi ko.

"Nako Señorita lagot na talaga ako, nawala kasi ako sa sarili dahil nanjan siya..." bulong niya sa huling mga salita.

"Siya? Sinong siya?" Tanong ko ng nagtataka.

"A-ah wala po Señorita! N-nagkamali lang po ako sa aking pananalita, ah, eto nga po pala." Dali dali niyang kinuha yung mug na inilapag niya sa may gilid ng table, umuusok usok pa ito.

"Tsaa po, gawa ko. Sana magustuhan niyo Señorita." Sabi niya ng nanginginig pa ang kamay, kinuha ko ito sakanya.

"Ano ka ba, Isay. Bakit ka ba kinakabahan? Tingnan mo nanginginig ka oh! Tara nga dito umupo ka." Sabi ko, tinap ko pa yung kama sa tabi ko. Napayuko naman siya at sumunod.

"Señorita, patawad po." Sabi niya, natatakot.

"Ano ka ba wala kang ginawang mali!" Sabi ko, tiningnan yung tsaa. Well, it doesn't smell that good.

"W-wag ka pong magagalit, Señorita. Patawad po talaga." Sabi niya pa, halos matawa na ko.

"Uy, ano ka ba! Di ako galit! Tama na, ngumiti ka na." Sabi ko pa, omg, ang good mood ko ngayon ang weird. Napatingin naman siya saakin.

"Ngunit baka po mapalo ako kapag nalaman-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Hindi ka mapapalo, walang makakaalam. Kumalma ka na nga, nanginginag ka pa oh." Hinawakan ko yung kamay niya, napangiti naman siya.

"Napakabait niyo po talaga, Señorita. Maraming salamat po." Humawak siya sa kamay ko ng mahigpit. Hinawakan ko rin ito, nagngitian kami. It's nice to make a person smile. Masaya ako at ang isang taong tulad ni Isay, napangiti ng isang taong tulad ko. I mean, it's not about our lives here. It's about personality, I mean I'm like a lonely maldita, who's so sassy and maarte. And Isay is like very cheerful, masayahin, mabait, and simple. And I am so glad that, I made her smile. What's that word? Nakakataba ng puso?

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon