Inaayusan na ako ni Isay para saaking so called piging. Kinakabahan ako, first time ko kasing magka party. Yung as in para sakin talaga, napabuntong hininga ako habang nakatingin sa salamin. Ang ganda ko ngayon, ay lagi pala akong maganda.
"Wag po kayong masyadong kabahan Señorita, at ngumiti lang po kayo. Napakaganda ninyo ngayong gabi." Nakangiting sabi ni Isay habang nakatingin saakin sa salamin. Kanina ko pa kasi sinasabi na kinakabahan ako.
"Salamat, Isay. Pero kasama naman kasi kita kaya hindi na ako kakabahan." Sabi ko pa, siguradong hindi ako mabobored kasi magkukwentuhan lang kami don ni Isay at masaya siya kausap. Kahit malalim tagalog niya and I can't keep up sometimes.
"Señorita hindi po pupwede makisali sainyo ang mga tagapagsilbing tulad ko. Siguradong magagalit ang iyong Ama." Sabi niya na mukhang kinakabahan, ganon? Ganon talaga ka unfair? Pero kaibigan ko naman siya eh!
"Sumama ka na sakin, ako na ang bahala." Sabi ko pa, siguradong hindi naman magagalit si Don Victor sa gusto ni Marinella kasi mahal na mahal niya ito.
"Nako Señorita, wag na po. Ayoko rin naman pong makisalamuha sa mga mararangyang tao dahil hindi ako nababagay doon." Ang sad niya.
"Ano ka ba! Halika na!" Hinila ko na siya papalabas ng kwarto pero biglang sumalubong saamin ang isa pang tagapagsilbi, sa pagkakatanda ko siya ang mayordoma? Nasa may hagdanan siya kung kaya't doon kami pumunta, ngumiti ako sakanya at ganon din siya. Mabait naman siya eh, maganda pa.
"Magandang gabi, Señorita. Bumaba na ho kayo dahil lahat sila ay naghihintay na sayo." Sabi niya.
"Sino po?" Sino naman ang maghihintay saakin? si Gabriel ba? Ayy hindi joke lang hehehe.
"Ang mga panauhin, Señorita. Ako na po ang bahala dito kay Isay, magandang gabi." Bati niya pa tapos ay hinila na si Isay paalis, di na ko nakaangal ang bilis niya eh! Tsk kinakabahan ako, rinig na rinig ko ang music mula dito at ang mga boses ng mga taong nag-uusap. Ipinikit ko muna ang mga mata ko pagkatapos ay huminga ng malalim, is it just me or nakita ko nanaman ang ngiti nung Gabriel na yon sa isip ko. Argh! Ayoko na nga siya isipin at baka madapa ako sa hagdan, nasa may gitna pa naman ang hagdan kaya kapag natalisod ako doon or anything ay for sure kita ng lahat. Ayoko pa namang sirain ang image ni Marinella. Ano kayang klaseng babae siya sa mata ng tao no? Opposite kaya talaga kami?
Nagsimula na akong mag step pababa ng hagdan, at unti unti kong natatanaw ang iba't ibang tao. Halata talaga sakanila na mayayaman sila, mula sa mga damit pati sa mga alahas. Grabe! Ang daming tao! Idagdag mo pa ang tingin nila nasa akin lahat. Nakita ko si kuya sa dulo ng hagdanan na nakangiti saakin, lahat din naman ng tao nakangiti saakin. Argh ang awkward, malapit na ako sa dulo ng bigla akong napalingon sa may right. Nahagilap ko ang ngiti ni Gabriel, hindi ako nagkakamali! Siya yon! Nakangiti siya saakin! Nakatingin pa ako sakanya ng matagal hanggang sa may isang lalaki sumulpot sa harapan niya. Hanggang sa tuluyan na akong makababa at maiabot ang kamay ni kuya ay nandoon parin ang lalaki at hindi ko na matanaw si Gabriel. Kainis! Kabute ba yong lalaking yon para sumulpot basta basta? Argh!
Dinala ako ni kuya sa parang isang stage, nandoon sila Ama at Ina. Nakangiti sila saakin, ang gaganda rin ng mga suot nila.
"Magandang gabi mga kaibigan! Salamat sa pagpapaunlak sa aking imbitasyon, idinaos namin itong piging na ito para sa pagbabalik ng aking anak na si Marinella Aurelia Abelardo. Marahil ang ilan sa inyo ang hindi nakakakilala sa aking anak, siya kasi ay tunay na mahiyain at hindi sanay na makisalamuha sa ibang tao. Gayong nandito na ang anak ko, ituloy ang pagdiriwang." Sigaw ni Don Victor slash Ama.
"Disfrutar!" Masayang sabi ni Don Victor slash Ama. (Disfrutar- Enjoy)
"Tara, bunso at ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." Sabi ni kuya, ay ganon? Di ba pwedeng sa kaibigan ko niya ako ipakilala. Si Katarina ba yon? Sana nandito siya para may makakwentuhan akong babae. Habang naglalakad ay sinabi ni kuya na napaka espesyal daw talaga ng piging ko dahil nandito ang Gobernador ng buong San Pablo! Grabe, naman binigyan pa ng governor ng time yung party ko.

BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Fiction HistoriqueSa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na...