Kabanata 22

356 18 9
                                        

Tumawa si Katarina, "Nakakatawa ka naman Ginoo." Sabi niya at tinakpan pa ang bibig habang tumatawa. Wow, pang mahinhin ang tawa kapag nandito si Mateo. Pero nung nakaraan pang mangkukulam. Tss.

So ayon nga naglalakad sila sa harap ko habang nakasunod lang ako sa likod. Parang wala ako dito ah? Happy happy nila habang ako tinatamad na naglalakad.

'Hi!!! Andito po akoo!! Ugh!'

Lakad pa ng lakad ng lakad. May mga dinadaanan din silang bilihan at bumibili ng kung ano ano. Binibilan din naman ako ni Mateo, pero minsan tinatanggihan ko dagdag dalahin kasi. Alam niyo ako rin ang may hawak ng ilan sa pinapamili nila. Ano ba ako dito? Yaya?! Tsk. Hindi pang yaya ang beauty ko excuse me! Tamad na tamad akong naglalakad habang nagtatawanan at naglalandian sila sa harap ko. Hmp! Pagod na ako! And plus! I don't feel so good! May kung ano akong nararamdaman sa tiyan ko. I wanna go home huhu.

"Isang rosas upang bumalik na ang iyong ngiti." Banggit ng isang pamilyar na tinig. Liningon ko ito, si... si Gabriel!! Napatigil ako sa paglalakad, nabitawan ko ang lahat ng dala dala ko. Hindi ko alam pero nakanganga na ata ako. Bakit parang hindi ako makapaniwala na nandito siya? Naramdaman kong napangiti ako. Naramdaman ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao sa paligid. Tila ang mga ngiti niya lang ang nakikita ko. I came back to reality when he spoke.

"Ayos ka lang ba, Binibini?" He said, I felt my heart beating faster because of the 'Binibini' I insisted him to call me that. I don't like the Señorita. I saw his worried eyes, pinulot niya pa yung mga dala dala kong nabitawan ko kanina. At nang makuha niya ito ay napabalik ako sa realidad ulit.

"A-ayos lang ako, a-ah ano kasi... umm.... h-hindi lang kita inaasahan, nagulat lang ako. Hindi kita inaasahan kaya nagulat ako, oo yun nga!" Hindi ko na alam ang pinagsasasabi ko, ewan ko ba pero yung sama ng pakiramdam at pagod ko napalitan ng pagkataranta at pagkabalisa. What's going on with me?

Natawa siya ng bahagya. "Ayos ka lang ba talaga, Binibini? Pinapawisan ka na, bakit ba kasi ang dami ng iyong dala dala? Mag isa ka lang ba?" Tanong niya. Dahil don ay napapunas ako ng pawis. At nag ayos ng buhok habang inaayos niya ang pagbuhat sa mga buhat ko kanina.

Nang magsasalita na ako ay naramdaman ko ang hilo, parang bumalik sakin yung nararamdaman ko kanina. Naramdaman ko nalang ang sarili ko na bumagsak sa lupa, before everything went black it seems like I saw everything in slow motion. Dahan dahang nabitawan ni Gabriel ang mga buhat niya, at ang rosas na kanina ay hawak niya rin ang bumagsak rin sa mismong harap ko. The next thing I knew, he was looking at me worriedly while he's on his knees. And then everything went black.

-

"B-binibini....." I heard a familiar voice, lumingon ako, knowing that the voice came from my back.

Sana pala hindi nalang ako lumingon dahil sa nakita ko. It was...

Gabriel...

It was Gabriel, filled with blood, laying down on the ground. Holding his abdomen, while his left hand reaching for me. His eyes looking straight at mine. My heart, it felt like it was shattered to a zillion of pieces. I felt tears escaped my eyes. No! No!

-

Dali dali kong naimulat ang mga mata ko, napabangon ako sa pagkahiga. The next thing I knew I was gasping for air. Hingal na hingal ako. And my cheeks, they feel wet. Hinawakan ko ito. Traced where it came from. It ended in my eye. Did I cry? Why? It's a dream... but I can't seem to remember...

It's about....

"Gabriel!" I shouted as I remembered what my dream was about.

"Gising na siya." I heard.. Mateo.

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon