Kabanata 30

219 14 4
                                        

Pagkatapos kong mag pray ay nahuli ko silang nakatingin sa isa't isa. Nag iipit ng strands ng buhok si Isay sa tenga niya. Ang cute cute! Bakit pag ginagawa niya yon cute at mukhang mahinhin ako mukhang naaabnoy?! Unfair!! HAHAHA.

Awkward akong kumain. At ng di ko na mapigilan. "Kumain ka na?" Tanong ko kay Isay ng di tumitingin, nakikita ko lang siya sa peripherals ko.

"Po?" Parang nagulat siya na nagtanong ako kaya napabaling sila ng tingin ni Xavier sakin.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko ulit at bahagyang sumulyap sakanya.

"A-ah opo." Sabi niya, nakafocus parin ako sa pagkain at tumango nalang. Nakayuko si Isay at nakita kong nakatingin naman sakin si Xavier. Tinaasan ko siya ng kilay. Problema neto? Porket pinakialaman ko moment nila, eh nagtitinginan at ngitian lang naman! Di naman nag-uusap! Tss. Parang aldub lang noh? Hmm sarap maging lola nidora. Charness! HAHAHA.

Napatingin ako sakanila ng matapos na ko pero parang di nila ako napansin, tulad parin sila nung kanina. Malakas ang pakiramdam neto ni Xavier ah?! Nawala lang dahil sa maganda kong kaibigan?! Mali yon Xavier, masumbong nga kila Donya Dulce. Char!! Charness lang po HAHAHA. Napanguso nalang ako at tumayo na, edi sila na may bebe ngayon!! Hmp! Sabay silang gulat na napatingin sakin, ay ngayon niyo lang napansin?!

"T-tapos ka na, Señorita?" Sabay nila sabi, mga nautal pa. Kaibahan nga lang ay Ellay ang tawag ni Xavier. Tinaas ko ang kilay ko na parang walang nangyari at tumango. Tumayo din naman sila. Pupunta na ko sa kusina para sana hugasan pero humarang si Isay.

"Ako na po jan, Señorita." Iniwas ko yung plato at nginitian siya.

"Ako na, sige na, jan ka nalang." Tapos kinindatan ko siya. Mabilis na kong naglakad para di niya na ko mapigilan. Oo na kahit bitter at naiinggit ako, support ko parin naman sila duh!! Team Xavsay!! Joke, kayo na mag decide ng loveteam name. Parang ang pangit eh HAHAHA.

Ako na sana maghuhugas pero ms. Mayordoma insisted to leave it. Pagbalik ko sa dining room hawak na ni Isay ang rose niya at nakangiti silang mas malaki sa isa't isa. Napangiti nalang din ako sa kilig, yiiieee Isay's dreams are coming true!! Kinikilig ako tuloy sakanila, kahit naiinggit HAHAHA.

Aakyat na sana ako ng lingunin nila ako, wow, this time napansin na. Nakikiramdam na, nuks HAHA. "Ah, akyat na ko! Salamat ulit!" Winagayway ko pa yung rose. Pipigilan pa sana ako ni Isay pero pinanlakhan ko siya ng mata na parang sinasabing chance mo na to! Hindi tinatanggihan ang grasya!!

Tapos awkward akong napangiti, "may tatapusin pa kong libro, sige na." At isinenyas na parang tinataboy sila gamit ang isang kamay. Lumingon ako sa kalagitnaan ng hagdan at nakatingin parin si Xavier. Habang nahihiya at nakayuko naman si Isay habang nilalaro ang rose sa kamay niya. Kinindatan ko si Xavier sinenyasan ng like, umakyat na ko after.

Binuksan ko nalang yung bintanang sinara ko kanina at sinalubong yung kaonting liwanag at fresh air, this is something we don't feel everyday. I looked at the trail na laging kong dinadaanan kapag tumatakas tuwing gabi. Nakita ko ang secret garden, nandon kaya siya ngayon? Nang mapatingin ako sa ilog nakita ko ang pagpatak ng mga tubig dito, hanggang sa lumakas. Umuulan...

Hinayaan ko lang na nakabukas yung bintana at umupo nalang sa kama, I felt the cold air from outside. Ano kaya magawa? Kinuha ko ang phone ko para sana magmusic, pero may kumatok sa pinto kaya agad ko yong tinago. "Señorita..." sabi nung kumakatok, boses ng mayordoma. "Pasok po." Sabi ko at kinuha yung librong nasa gilid ng kama, kunyari nagbabasa.

"May sulat po kayo." Sabi niya at inabot sakin ang isang envelope. Nasa likod non ang pangalan ng bff ko! Katarina. Cursive at maganda ang sulat na ito, pang babaeng pang babae. Sakin kasi magulo, lalo na pag may teacher na nagmamadali sa pagpapakopya ng powerpoint ehem! Azar!!

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon