Nagising ako dahil sa tama ng araw sa may mata ko at pagyuyog ng isang babae sa balikat ko, wait si Isay nga pala to. So it means.... NASA 19TH CENTURY PARIN AKO! Oh no.... akala ko panaginip lang ang lahat, huhubels.
"May pupuntahan daw po kayo, Señorita. Kaya pinagising ka po ng iyong Ina saakin." Sabi niya, napa-ah okay. Nalang ako at binati siya.
"Good— este magandang umaga pala sayo." Sabi ko, binati niya rin ako pagkatapos ay pinaligo na kasi pinagmamadali daw ako, kanina pa daw kasi niya ako ginigising. Sorry, tulog mantika ako eh.
Bago ako maligo ay kumatok si kuya, at ng makita niya ako ay binati niya ako sa espanyol na 'buenas tardes, kapatid' so nacurious ako kaya buti nalang gumana ang google translate, ang translation non ay: 'Magandang umaga, bunso.' Buti nadala ko tong selpon ko at buti gumagana ang google translate, malaking tulong to sa mga espanyol words na pinagsasasabi nila. Ang ganda ng suot kong baro't saya ngayon, ang ganda ng mga burda, pang rich telege hehehehe. Napansin kong lagi akong binibigyan ng 'abaniko' ni Isay, mahalaga talaga yon sa panahong to kasi maraming gamit. Napaka conservative kasi, takip ganto takip ganyan tsk. Bumaba na ako para kumain na rin, at nandoon na nga silang lahat.
"Magandang umaga po" bati ko, binati naman nila ako pabalik, mukhang masarap ang almusal!
May mga nakatayo na mga maid sa apat na corner netong dining room, nakayuko lang. Bakit sila nandito? Kumain na kaya sila?
"Kuya?" Tanong ko, lumingon naman si kuya.
"Ano iyon, bunso?" Sabi niya.
"Kumain na po ba yung mga... tagapagsilbi? Baka po nagugutom na sila." Sabi ko ng tinitingnan pa sila. Buti nalang naalala ko yung "Tagapagsilbi" kasi ang lalim eh!
"Oo naman, bunso. May mabuting kalooban si Ama, at isa siyanng magaling na tagapangasiwa. Ayaw pa nga niyang trabaho ng trabaho ang mga tauhan natin, pinagpapahinga pa nga niya ng madalas eh." Sabi ni kuya, ang bait naman talaga ng Ama ko.
Natapos na kaming kumain at umalis na rin, magkasama kami ni kuya sa kalesa habang sa isa naman ay si Ina at Ama. Meron pang isang kalsesang nakasunod saamin na sabi ni kuya ay mga guardia civil. Grabe naman pag mayaman sa panahong to, sangkatutak na bodyguards ang kasama mo tuwing umaalis ka. Sabi ni kuya pupunta kami sa plaza kasi magsisimba din sila Ina at mga tagapagsilbi na sinama niya. Grabe, napakamaka diyos ng mga tao dito. Ibang iba sa panahon ko. Namasyal kami dito sa tinatawag nilang plaza, maganda, malinis. Ibang iba talaga sa panahon ko. Lahat ng tao dito masaya, nakangiti, at parang walang problema. Parang masayang masaya silang kakuwentuhan ang isa't isa. Marami rin ngumingiti saamin at bumabati. Naglibot kami kaonti ni kuya at pumunta rin kami sa isang bilihan ng accessories pinapili niya ako ng gusto ko.
"Dali na, bunso. Kahit ano, ako ang bahala." Sabi niya pa. Ang daming kung ano ano, wala akong mapili! Sa huli ay isang butterfly na pang-ipit ang binili ni kuya para saakin. Ang cute nga eh! Pagkatapos ay bumalik na kami sa may harap ng simbahan dahil tapos na daw mag simba ang mga tagapagsilbi. Naaninag ko sa malayo ang F4 or should I say the Panganiban brothers kasama ang mga magulang nila na kausap naman ng mga magulang ni Marinella of 19th century. Para talaga silang F4! Kasi si Daoming Si ay yung bwiset na kabuteng si Diego, si Mei Zuo si Luis, si Xi Men naman ay si Xavier, tapos si Gabriel naman si Hua Ze Lei. At ako naman si Shancai, charottt! Ayoko makatuluyan yang bwiset na kabuteng yan noh! Pero ang galing noh! Kung si Daoming Si pineapple, siya kabute! HAHAHAHAHA. Tapos saktong sakto pansa personality nila yung mga characters, grabe lang.
Nagbatian sila kuya at yung F4, binati rin nila akong lahat. Wow parang nagbago ang aura ni Kabute ah, ano nakain at parang ang bait?
"Magandang umaga, Binibining Marinella" unang bati ni Gabriel, ang gwapo gwapo niya.
BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Historical FictionSa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na...