Kabanata 13

431 20 35
                                    

Matagal tagal rin akong nakatingin sa bukas na bintana at sinasalubong ang malamig na hangin. Kanina pa kami tahimik at nakakabingi na talaga, nakakailang lang kase nakatingin siya sakin habang nakangiti. Mukha tuloy siyang baliw. Nang lumingon ako muli sa bintana ay napansin ko ang mga tao na nadadaanan namin ay nakatingin saakin, ang ilan ay nakangiti, ang ilan ay nagbubulungan. Sige, ganyan nga, appreciate my beauty. Char HAHAHA.

Nakita ko naman ang isang kamay mula sa gilid ko na tumungo sa bintana at sinara ito, Si Diebute. Magkatapat kasi kami dito sa kalesa. Napatingin naman ako sakanya at napataas ng kilay.

"Hindi mo dapat inilalabas ang iyong mukha sa publiko, Señorita. Maraming tao ang nakakakita saiyo." Sabi niya.

"Anong problema don? Di naman ako pangit ah tss." Bulong ko, maya maya ay natawa siya. Omg, narinig niya ba?

"Hindi nga, Señorita. Sa sobrang ganda mo nga ay gusto ko ako lang ang makakita, gusto ko ipagdamot kita para hindi ka makuha ng iba." Sabi niya, say whattt? Ano bang pinagsasasabi niya? Is he insane? My ghad cassie.

Nag takip ako ng abaniko at bahagya kong pinaypayan ang mukha ko, umiinit dito sa kalesa ha.

"Hindi mo na kailangang takpan ng abaniko ang iyong nararamdaman, alam kong natutuwa ka sa aking sinabi, Señorita." Sabi niya pa.

Napatingin naman ako sakanya. "Hoy! Para sa kaalaman mo ay hindi ako kinikilig! Hindi ka kakilig-kilig okay? Wag ka nga!" Tanggi ko, aba't assumera din tong si Kabute eh. He chuckled.

Maya maya pa ay huminto na ang kalesa. "Narito na tayo." Banggit niya. Inalalayan niya akong bumaba sa kalesa. Bumungad saakin ang mga tao, may masasayang nagkukwentuhan tulad ng unang punta ko dito, which is kahapon. Pansinin din kami ng tao kasi tingin sila ng tingin, ano ba meron? Tss.

"Ayan ba ang unica hija ng mga Abelardo? Napakagandang Binibini."

"Hindi na kataka taka na siya ang pinakamagandang dalaga dito sa ating bayan."

"Napaka guwapo din ng isa sa mga binata ng Panganiban, bagay na bagay sila."

"Nakakapanabik ang kasal, paniguradong mas gaganda ang kanilang lahi."

Blah blah blah, Salamat sa mga papuri. Pero sa pagsabi na bagay kami ni diebute and such. No thank you.

Pumunta kami ni Diebute sa isang shop, napansin kong puro libro ito.

"Mahilig ka daw sa libro, pumili ka na jan ng gusto mo, ako na ang bahala." Sabi niya, pagpasok namin, he's all smiles today.

"Madami ng libro sa silid-aklatan namin, di ko pa nga nababasa lahat." Banggit ko, nakangiti parin siya at walang nagbago.

"Ganon ba? Kung gayon ay—" tinakbo niya ako palabas ng shop na yon habang hawak parin ang kamay ko. Pumasok kami sa isang shop na may mga what do you call this again? Tinta at pluma? Kuya bought me some kahapon eh.

"Eto? Hindi ba't mahilig kang magsulat ng mga tula at kwento?" Sabi niya, tumingin naman ako sakanya.

"Ah eh, kakabili lang kasi sakin ni kuya neto kahapon." Sabi ko, napabuntong hininga siya pero patuloy paring ngumiti. Lumabas na kami ng shop.

"Mga pang-ipit ba ang gusto mo? Mga palamuti? Magsabi ka lang." sabi niya ng nasa likod ang kamay, magkatabi kaming naglalakad.

"Marami akong ganon sa bahay eh." Banggit ko, medyo nabawasan ang ngiti niya pero pinapalaki niya parin ito.

"Ah ganon ba.." sabi niya, nakangiti parin, but he looks disappointed. I feel bad about it.

"P-pero wag kanang malungkot." Sabi ko.

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon