Bigla akong natauhan, at humiwalay sakanya. Nakatulala lang siya at hindi gumagalaw. He gulped then looked at me. "Patawarin mo ko Diego, sorry." I was looking at the bushes. Ano ba to? Ano ba tong ginawa ko? Bakit hindi ako nag iisip?
He tittered. "Nagsasalita ka nanaman ng ingles." Napatingin naman ako sakanya. Seryoso ba siya? Yan pa ang nasabi niya sa ganitong sitwasyon. Nakuha niya pang ngumiti. Nako, Diebute talaga.
"Nababaliw ka na ba?" Wika ko ng di makapaniwala. Tumawa naman siya. Is he serious?
"It was just a kiss." My eyes widened. Ang laki naman ng ngisi niya. DID HE JUST SPEAK ENGLISH? Napaatras naman ako.
"P-pano ka n-natutong mag-ingles?" Ang ngisi niya naman ay naging ngiti. Tumingin siya sa kawalan na parang may alaalang binabalikan.
"Si Gabriel." Tumindig ang tenga ko, bumilis din ang tibok ng puso ko. Goosebumps. Gabriel? Tinuruan siya ni Gabriel?
"Nagbabasa siya ng mga kung ano anong libro sa silid-aklatan araw araw simula alas kwatro ng umaga, depende naman sa gawain niya sa araw na iyon kung kelan siya matatapos. Kapag wala siya doon ay palihim kong binabasa ang mga libro, at kapag pinalad na nakaiwan siya ng nota, kinokopya ko iyon." He looked back at me. Umiwas naman ako. I can't look at him right now. Not when I just kissed him minutes ago.
"Bakit mo naman ginagawa yon?" Tanong ko at inaayos ang mga lukot na bahagi ng saya.
"Wala lang." tinignan ko siya at inirapan. Natawa naman siya.
"Syempre, para sa iyo." Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Di ko siya matingnan. I feel embarrassed. Naisip kong ibahin ang topic.
"So.... nabanggit mo na nais mo na pala ituloy ang kasal. Bakit naman?" I caught him off guard, with that, I smirked. He looked away, cleared his throat.
"Nabatid ko lang na ito ang nakakabuti. Parehong mga magulang naman natin ang may gusto nito, at saka bakit naman nila gagawin kung hindi makakabuti sa susunod na henerasyon...." he didn't look at me the whole time.
"Daming sinabi, mas madaling namang aminin na—" he cutted me off.
"Na??" Nakatatak nanaman sakanya ang kunot noong ekspresyon. Typical Diebute.
"Na nahulog kana saken." May pang-asar na ngiti na banggit ko, nakatingin sa malalaking puno sa tabi ko. Nakita ko naman sa peripherals ko na mas kumunot pa ang noo niya. May mas ikukunot pa pala pfft???
He nodded then licked his lips, stood up. Nakapamewang na siya ngayon sa harap ko. "Mahuhulog ka rin saakin, Señorita Marinella." And he just left. I just watched him, na mawala sa paningin ko. Nakatulala lang.
And so I did.
BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Tarihi KurguSa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na...