Napabangon ako bigla sa kama ng nanlalaki ang mata, it was just a dream...
It was supposed to be just a dream, right? Imposibleng kumanta siya non kung galing yon sa present time! Tsk! I don't know what time it is, pero mga midnight na siguro. Sumilip ako sa bintana, kita ko parin ang bilog na buwan at mga bituin, hay, ang ganda talaga. Nang tumingin ako sa baba ay nakita ko ang mga nag-iikot ikot na guardia civil, napatingin ang isa sa bintana kaya gumilid ako agad para di ako makita. Shocks. Sumilip ako kaonti, at wala na, muntik na ko don ah. Makatulog na nga ulit, baka mahuli nanaman. Tsk.
Kaya humiga na ulit ako sa kama, ipinikit ang mata.
'Hindi ako makatulogggggg!'
As in gising na gising ang diwa ko, wala man lang nararamdaman na antok. Tsk ano ba naman to! Ano tutunga ako hanggang mag umaga? Tss. Bakit ba kasi walang phone sa panahong to?! Usually kapag nangyayari sakin to sa present time, mag wawattpad lang ako, mag fefacebook, twitter, instagram, youtube, makikinig ng music, at marami pang chu chu. Ayoko rin naman mag wattpad or music sa phone ko kahit meron... wala lang, gusto ko lang makibagay sa time. Dami kong arte deba? Sorna HAHA.
Nakatitig lang ako sa kisame, as in nakatulala lang. Ang boring! Hindi talaga ako tinatablan ng antok! Hmm... ano ba magawa? Kung lumabas kaya ako? Baka mahuli ako.... pero san naman ako pupunta?
Ah..! Sa secret garden! Pupunta nga ko don para magpahangin at tingnan ang buwan at mga bituin, ganda ng view don eh! Kaso pano ako pupunta don? Yari. Takas? Pero maraming guardia civil diba?
Ilang minuto pa ako tumunga nga, pero bigla rig napabangon. Sige na nga! Tsk mamatay pa ko dito dahil sa 'boredness' tss. Ang dilim dilim dito, well hindi naman gaano dahil sa liwanag ng buwan. Binuksan ko na yung 'gasera' na nasa tabing table ng kama ko. Wow gasera, lalim ng tagalog mo Lia ah. Kinuha ko ito at tumayo na mula sa kama. Pumunta na ako sa pinto at dahan dahang lumabas don. Omg parang sa nga movies lang to ha. Ang galeng. Siguro pag pasok ko sa secret garden kamukha ko na si Taylor Swift, alam niyo yon? Yng sa mv niyang love story hshs. Kaso walang prince na lalabas at gagala ng ganto kagabi, tsk tsk. Dahan dahan naman ako sa lakad ko sa hallway. Baka kasi magising sila. Yari ako. Maingat ngunit mabilis naman akong bumaba sa hagdan, tulog naman na siguro yung mga tagasilbi diba? Tumungo ako sa kitchen pagkababa ko ng hagdan, meron kasing backdoor don. Oh, diba susyal? Yung backdoor na yon mas malapit siya sa secret garden, nakita ko yon nung pabalik na kami ni Gabriel kanina.
Nakarinig ako ng kaluskos mula sa kusina. Omg kaluskos, ang lalim talaga gosh. I'm so good at this na! Napatigil ako sa pagpuri sa sarili ko ng marinig ko ang malakas na paghikab. Omg is there a ghost? May multo ba dito? Tikbalang? Manananggal? Nandito ba si pennywise? Si Annabelle? Huhu wag po please! Lumabas galing kusina ang Mayordoma! Gosh, kakagulat ha kala ko naman kung ano. Kala ko tuloy end of the world na for me, yung sa mga horror movies na sasakalin or sasaksakin. My ghad cassie! Dali dali kong pinatay ang gasera dahilan ng pagtunog non. Kaya natigil siya sa paghihikab hikab at alertong napatingin sa paligid. Nagtago naman ako sa may wall sa gilid, sana hindi niya ako nakitaaa! Kundi yari na talaga!
"May tao ba diyan?" Tanong niya. Napapikit tuloy ako at kagat sa labi. Sumilip ako ng bahagya, after a couple of seconds tumigil na siya sa pagtingin sa paligid. Di ko masyado makita yung mukha niya dahil sa dilim, pero may nakabukas na bintana kasi kaya medyo naaaninag ko siya. Napailing siya tapos pumunta sa bintana, sinara niya yon. Shocks dumilim na talaga, parang as in zero visibility na!
"Hay nako, antok at pagod lang marahil ito kaya kung ano ano ang naririnig ko." Sabi niya and took a deep breath. I can hear her footsteps, she's walking away. How can she walk this dark? May nakikita ba siya? O nanghuhula lang ng dadaanan? Gosh. Maya maya pa ay binuksan ko na yung gasera, baka mamaya hilain na talaga ng kung anong creature yung paa ko dito noh! Like O M G! I can't die here!
BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Historical FictionSa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na...