Kabanata 25

403 20 14
                                    


I sighed, hindi parin kasi ako nakakaramdam ng antok. Nakaupo ako sa grass at nakasandal sa puno, rinig na rinig ko dito ang rumaragasang tubig mula sa ilog sa harap ko. Nasa tabi ko naman ang gasera na nagbibigay liwanag. Nakatingala ako at nakatingin sa mga stars, pati na rin sa full moon. I was in the secret garden again. Na master ko na ata ang pagtakas? At mukhang ito na ang tambayan ko sa panahon na to. 

"🎶Fly me to the moon and let me play among the stars~🎶" panimula ko sa pagkanta habang nakatingin sa pangit.

"🎶Let me see what spring is like, on Jupiter and Mars~🎶" napailing ako, sa sobrang pagkaboring naging singer na ko dito.

I sighed. Minutes after may narinig ako, it's a familiar instrument. The music it's playing is.....the song I just sang.

"Ano ang ginagawa ng isang Binibini rito ng ganitong oras?" Sabi ng isang pamilyar na tinig. Natanaw ko ang shadow niya sa kabilang dulo ng ilog. It's him.

Lumabas siya mula sa dilim, ang buwan ang nagsisilbing light para makita ko ang mukha niya, and his smile. I felt my heart skipped a beat, I know it's him pero hindi ko maintindihan kung bakit ganto ang naramdaman ko. Napayuko ako.

"Hindi ba't.... dapat ay nagpapahinga ka ngayon?" Tanong niya pa. Napatingin ako sa mga mata niya, nag-aalala at seryoso bagama't nakangiti ang kaniyang mga labi.

Ngumiti din ako. "Magaling na ako." Umupo din siya sa katapat na puno ng inuupuan ko.

He laughed a bit. "Kahit na." Napakamot ako, nakakaguilty tuloy. I pouted.

He laughed. "Hmm... sige na nga. Basta't ituro mo muna saakin ang iyong awitin." Sabi niya, napangiti ako.

"Bakit ko pa kailangang ituro saiyo? Eh, nakuha mo na nga at natugtog sa iyong biyulin." Banggit ko. Mas lumawak ang ngiti niya.

'Hay nako, Gabriel. Nagpapakilig ka ba?'

"Iba parin kung galing ito sayo, Binibini." Sabi niya, I felt my heart again. Bakit ba lagi nalang tong kakaiba kapag nanjan siya. Baka naiiinggit kasi napakagwapo ni Gabriel HAHAHA. Kalma self, babae ka okay, wag ka mainggit HAHAHA. Charot lang baka seryosohin niyo eh HAHAHA.

"Eh, di naman ako marunong tumugtog ng biyulin remember?" Napatakip ako sa bibig ko ng marealize ang sinabi.

'Ayan, Marinella Aurelia, remember ka pa ha.'

Natawa siya at nagsimulang tumawid sa ilog, wow mukhang sanay na sanay na siya ah. Di tulad ko na kala mo mamamatay tatawid lang ng ilog. Joke lang, wag niyo alalahanin HAHAHA. Pagkatapos non ay umupo siya sa tabi ko, di man lang hiningal, parang wala lang.

Mga ilang minutes na ang nakalipas nang tumawa siya ulit, nakatitig na pala ako sakanya tsk nakakahiya. "Ayos lang naman mag-Ingles kapag kasama mo ako, Binibini. Basta't tuturuan mo ako, sasabihin mo saakin kung ano ang kahulugan." Isang ngiti nanaman ang pinakawalan niya.

'Mah hart'

Tumango ako. Lumingon sa ilog na nagbibigay ingay sa tahimik na athmosphere between samin ni Gabriel.

"Binibini?" Parang nagulat ako ng bahagya, kasabay ng kakaibang pakiramdam sa puso ko.

'The Binibini gets me everytime'

"Hmm?" Lingon ko na parang balewala lang. Nakita ko nanaman ang ngiti niya. Matagal kaming nakatingin sa mata ng isa't isa, it was like a staring contest, his eyes.... they were so deep.

"Wala ka pa rin bang naaalala?" Tanong niya maya maya. Dahil don ay nag iwas ako ng tingin. I badly want to tell him the truth. Paano ako makakaalala, Gabriel? Kung hindi naman ako ang totoong Marinella Aurelia sa panahong to. Nakakainis, parang di ko kaya magsinungaling sakanya, kasi umaasa siya eh. Ayoko siya paasahin, ayoko magsinungaling sakanya. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman to.

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon