"Kamusta? Bakit ka nga pala naparito—" naputol ang sasabihin niya ng makita niya sa likod ko si Diego. Dali dali kasi siyang pumunta saakin at hinug ako kaya baka di niya napansin na katabi ko ito.
"Ah, pumasyal pala kayo." Sabi niya.
"Magandang umaga sayo, Señorita Katarina." Sabi ni Diego at nagbow.
"Magandang umaga!" Bati niya ng masigla, aba, taas ng energy ni beshie ngayorn. I mean oo mataas naman energy niya nung una naming pagkikita pero grabe ang energy niya ngayon talaga. Ngiting ngiti siya at parang ang blooming blooming niya ngayon. Parang nag sparkle pa nga ang mga mata niya eh.
"Ituloy niyo lang ang pamamasyal, isipin niyo na lang na wala ako rito hehe." Sabi niya at naglakad na kami. Nasa gitna nila ako ni Diego. Narinig ko pa siyang nag-giggle ng kaonti. Omg, may mental na ba sa panahong to? Baka pwede kong ipamental tong si— ay wait! Wala na akong friend pag ginawa ko yon! Nevermind na nga!
"Sino nga pala ang kasama mo pumunta dito? Mag-isa ka lang?" Tanong ko ng makatagal na kami sa paglalakad, nakakabingi ang silence eh.
Pangiti ngiti pa siya habang nakatingin sa dinadaanan, at parang nagitla ng napatingin saakin, pero bumalik nanaman ang ngiti niya. What's with her? "Kasama ko si kuya, humiwalay lang ako kasi nakita kita hehe." Sabi niya, mas linalawak niya pa ang ngiti niya.
Tumango naman ako, gusto ko talaga magtanong kung anong nangyayari, like, katarina, talagang nababaliw kana ba? Char, este, ano ba meron at ang happy mo? Maya maya pa ay hindi ko na napigilan ang bibig ko. "Sabihin mo nga saakin may—"
"May sasabihin ako sa—" pareho kaming napatigil sa pagsasalita ng marealize namin sabay kami. Natawa naman ako ng bahagya at siya naman ay tawang tawa, napatigil tuloy ako sa pagtawa at napatingin sakanya. Nakita kong pati si Diego ay napatingin sakanya. Unti unti naman siyang napatigil sa pagtawa ng marealize niya na pinagtitinginan na siya. Tumikhim pa.
"Ayos ka lang ba, Señorita Katarina?" Tanong ni Diego sa tabi ko.
"Ah, ehem! Ayos lang ako, Señorito. Pasensiya na." Sabi niya ng tumikhim pa ng ilang beses, pero napangiti nanaman after a few seconds. What is going on? Napatango tango naman si Diego.
"Ano ba kasi ang meron?—"
"Ganito kasi yon Marinella—" napatigil nanaman kami sa pagsasalita ng magsabay kami. Napalagay ako ng kamay sa noo ko, nakita ko naman sa gilid ko na nagpipigil nanaman siya ng tawa. Pero lumabas nanaman ng malakas ito. Tumikhim naman si Diego ng malakas ng mapansin niyang marami nanamang tumitinging tao. At unti unti nanamang tumigil sa pagtawa si Katarina. Omy, what on earth is happening?
"Ehem! Sabi ko nga tama na hehe." Banggit niya at nauna na sa paglakad. Pero maya maya ay umatras at sumukbit sa braso ko.
"Kasiii! Marinella, alam mo bang—" napatingin naman siya sa direksiyon ni Diego ng mapansing nakatingin ito saamin.
"Ah, Señorito Diego, mawalang galang na, maaari bang kami lang muna ni Marinella ang makapag-usap? Maari bang siya lang ang makapakinig ng aking mga sasabihin? Hehehe." Sabi ni Katarina, aba, ayaw niyang may makarinig. Baka big secret ito mga besh! Baka may nakuha siyang kayamanan tas gusto niya i share saakin! Char.
"Oo naman, Señorita. Mauuna nalang ako sa paglalakad." Sabi ni Diego at ngumiti pa, aba good mood ata talaga itong lalaking to ngayon. Maya maya pa ay may humila kay Katarina mula saakin, gulat naman akong napatingin dito. Nabitaw na ang sukbit ni Katarina sa braso ko, at nandoon na siya sa harap ng lalaking humila sa wrist niya. Nakita ko naman na nasasaktan si Katarina sa higpit ng hawak nung lalaki.
BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Fiksi SejarahSa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na...
