Kabanata 3

873 35 5
                                        

"Ina, Ama maari ko po bang ilibot ang kapatid ko sa ating hacienda? Baka sakaling bumalik ang kanyang mga alaala kapag naging pamilyar siya sa ating tahanan." banggit ni kuya. Talaga bang sad siya dahil nawala ang alaala ni Marinella of 19th century? Siguro close kasi sila. May sarili pa nga siyang tawag kay Marinella kanina eh.

"Oo naman, anak. Mag-iingat kayo, ingatan mo ang kapatid mo." Sabi ni Ama. Nagngitian muna kami bago ako alalayan ni kuya paalis, parang may sakit lang ah? Mas nakakaguilty tuloy kasi wala naman talaga. Tumingin ako kay Maestra Cecilia para ipahiwatig na 'help me po! Baka mamatay ako kakatanong niya huhu' pero wala siyang ginawa, sitting pretty parin habang umiinom ng tubig. Pero bahala na "wala naman akong alaala" diba? Just stick to the story, Lia!

Kumuha pa nga si kuya ng payong para payungan ako pero tumanggi ako kahit hindi naman mainit. Ang galing naman dito sa sinaunang panahon, hindi pa gaanong mainit. As in parang mga hapon lang ganon, mahangin pa nga eh. Pero sa panahon ko halos magsiksikan na ang mga tao sa mall dahil sa init, halos idikit nalang mga sarili nila sa aircon eh.

Nagsimula na kaming maglakad lakad dito sa hacienda at nakita ko ang maraming trabahador, ngumingiti sila at bumabati saamin, ngumingiti at bumabati rin naman kami pabalik.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, bunso. Kung humahalungkat ka ng alaala ay wag nalang, kapatid ko. Mali ang sinabi ko kanina. Baka sumakit pa ang iyong ulo." Nakangiting sabi ni kuya, nako ang bait bait talaga niya. Akala ko pa naman mahihirapan ako sa kakasabi ng hindi ko talaga naaalala, pero naiintindihan naman pala ni kuya. Or kuya ni Marinella of the 19th century, ayoko mang angkin. Marami na rin siyang nakwento tungkol kay Marinella dati habang naglalakad lakad kami, ang lawak pala talaga noh labas palang ng bahay to.

Biglang naging sad ang aura nang may makwento siyang tungkol sa hilig ni Marinella sa pagbabasa, lagi pa nga raw niya siya sinasamahan na bumili ng mga libro. Namiss niya daw yon nung nawala ako, pero hindi ko na nga raw pala naaalala kaya nagsorry siya. Nakayuko na siya ngayon at nakatingin lang sa anino niya, ng tumigil ako sa paglakad ay siguro napansin rin niya kaya tumigil siya.

"Kuya, wag kanang malungkot. Kahit naman hindi ko na iyon maalala at wala na iyon sa isip ko ay hindi naman mawawala yon dito sa puso ko." Tinuro ko pa yung bandang heart ko at dahil don ay he smiled na, oh diba, ako na ang best actress talaga. Lagi kasing sinasabi ni lola saakin yon na 'makakalimot ang isip ngunit hindi ang puso, apo.' 

"At saka kuya, wag kang magalala dahil gagawa tayo ng mga bago at mas marami pang-alaala." Sabi ko, at ngumiti ng malaki kaya mas lalo siyang natuwa. I am not lying at all, ako na ang bagong Marinella, at talagang gagawa kami ng mga bagong alaala. Kahit na alam ko aalis din naman ako kapag natapos ko na ang pinunta ko, susulitin ko na.

"Ang kapatid ko talaga, halika nga rito!" Inofer niya ang arms niya kaya pumunta ako doon for a hug. It was tight but very nice. Ah, yes I so feel at home here na. Maybe this is where I really belong, kumbinsihin ko nalang kaya si Maestra na dito nala ako? Magmakaawa nalang ako? Joke, so desperate.

"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni kuya." Sabi niya. Ang sarap talaga sa feeling ng may kuya ano? Ganto pala talaga yung nararamdaman ng may kuya kaya pinagmamalaki sila, pero yung iba naman hindi, ewan ko ba sakanila kung bakit.

"M-mahal na mahal din po kita." Sabi ko, why not own the moment right? Tutal ako naman si Marinella sa panahong to, minsan lang naman. Marinella, sorry ah, pagbigyan mo naman ako please? Naiinggit lang kasi ako sayo kasi ang palad palad mo.

Nagyaya na rin si kuyang pumasok para makapaghanda ako sa gaganaping "piging ko" kuno mamaya. Biruin mo yon? Ganon kahalaga si Marinella, may pa-party pa just for her return!!!

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon