Kabanata 28

343 15 8
                                    

Lumawak ang ngiti niya, yung labas na ang ngipin at kita ang dimples. Napayuko ako, yung puso ko.... natutunaw, ah ang ibig kong sabihin ay nakakabaliw! Kasi mabilis yung tibok!

Nagulat ako ng tawirin niya ang ilog ng walang kahirap hirap, pagkatapos ay umayos ng tayo pagkarating sa harap ko. Nagpagpag pa siya pagkatapos ay tumingin saakin and gave me his usual heart melting smile. Umupo siya sa tabi ko, pero may distansiya. Napaka conservative talaga. Nakaharap siya sa direksiyon ko habang nasa harap naman ng ilog ang upo ko, kaya gumaya ako sakanya ng upo. Humarap din ako sa direksiyon niya.

"Para sayo, Binibini." Sabi niya ng nakangiti, tiningnan ko lang ito. Teka parang ito yung pambalot nung mga binibili sa plaza ah! Ito kasi yung pambalot nung ipit o alahas at palamuti na binili sakin ni kuya, yung binili ni Mateo para sa dalawa kong bff, yung binili ni Xavier, yung binili para sakin ni Diego, yung binili din ni Gabriel..... naiisip niyo ba ang naiisip ko? Yan ka nanaman self eh, sige assume para masaktan.

Lumunok ako at nag-angat ng tingin sakanya. "S-sakin? Sakin talaga yan?" Tanong ko, natawa naman siya ng bahagya at malawak ang ngiting tumango.

"Para saan naman?" Tanong ko, natawa nanaman siya. Bakit ba siya tawa ng tawa? Do I have bed hair? Gosh! O baka may milk mustache pa ko? Huhu.

"Tawa ka ng tawa jan, di na nga ko magtatanong, bubuksan ko na. Salamat!" Nakanguso at nakakunot ang noo kong sabi, lumakas naman ang tawa niya. Hinablot ko sakanya yung "regalo" tss, at kunyaring naiinis ko itong binuksan. Pero nawala ang pag-iinarte ko at napalitan ng paghanga at pagkagulat. Ang laman ng panbalot..... isang pin na cresent moon, may katabi itong tatlong stars. Na kuminang dahil sa sinag ng buwan. I couldn't believe it, it's beautiful. Napangiti ako ng malaki, I love the moon, and stars as well. I love it so so much. Napatingin ako sakanya ng nakangiti, at ganon din naman ang tingin niya saakin. "Salamat!" Sabi ko ng hinihigpitan ang hawak sa pin, baka mahug ko siya mahirap na.

"Huwag muna, Binibini. Mayroon pang isa." Sabi niya, tiningnan ko naman ang pambalot at mayroon pa nga. Isa itong necklace, wow! It's round and made of wood. Something's carved on it, it's Maria! My name! I mean that's what he calls me, he shortened my name so it's still my name! It has like little diamonds? On it's corners, na kapag tinapat ko sa sinag ng buwan ay kumikinang. Oh gosh! Ang ganda, it's perfect. Tumingin ako sakanya ng nakangiting nakangiti, he's so nice, what's all this for?

"Baliktarin mo, Binibini." Sabi niya na mukhang excited. What's with him? Tumingin ako sa necklace at ginalaw ito one last time para kuminang sa liwanag ng buwan. At binaliktad ko na ito...

OMG! Pag ka baliktad ko..... may isang cresent moon dito! Napatingin ako sa buwan ngayong gabi, magkatulad na magkatulad. It's a mirror, a cresent shaped mirror. At sa palibot nitong pabilog, ay may mga maliliit din na diamonds. For me it symbolizes stars, kumikinang din ito sa liwanag ng buwan. I giggled in joy. This is so wonderful, it's amazing, this is a dream. This is exaggerated but I could just cry. I looked at Gabriel and I couldn't help myself but hug him. And that's what I did. We both laughed. It was tight, he hugged me back. This is literally just so perfect.

Kumawala kami at nakangiti parin ng malaki. "Nagustuhan mo, Binibini?" Tanong niya.

"What do you mean?! I didn't like it! 'Cause I love it!!! Omggggg!!" Sabi ko, napalingon naman ako sakanya ng ngiting ngiti habang bahagya siyang nakanganga at nakataas ang kilay, nagtataka. OMG NAGSIMULA NANAMAN ANG ENGLISH KO.

"Ang ibig kong sabihin ay gustong gustong gustong gustong gustong gusto koooo!!!" Sigaw ko ng tuwang tuwa, natawa naman siya.

"Kulang pa yon, mga walang katapusang beses pa!" Sabi ko, natatawa lang naman siya sakin. I can see his ultimate white teeth, the moon's light is making it shine. Nagcocolgate ka ba, sis? Gusto mo magtoothpaste commercial? Huhu. And his brown eyes, I couldn't help but stare because the moon's light is letting it shine it's color brighter.

Nanlaki ang mata ko sa naiisip ko at napailing, ngumiti nalang ako sakanya muli. "Maraming maraming salamat talaga! Walang salita ang makakapagsabi kung gaano ako ka mapagpasalamat." Sabi ko at natawa sa sarili ko, nababaliw na talaga ako... sakanya. Charot!

"Walang anuman, Binibini. Basta't para sayo." Malaki ang ngiting sabi niya, isn't he just so nice? Napayuko ako at tiningnan ulit ang mga hawak ko, kumikinang. I looked at him we smiled at each other again.

"Walang salita ang makakapagpahayag ng kasiyahang nadarama ko ngayon dahil napasaya kita. Wala na akong ibang gustong makita kundi ang iyong matatamis na ngiti sa ilalim ng mga bituin, pati na rin ng iyong paboritong buwan." Nakangiti niya paring sabi, my heart, I felt like it tripled it's fast beating. Napalunok ako. Our eyes locked, his was really so deep. I feel like drowning in those brown eyes.

Hindi ko na kinakaya, napaiwas ako ng tingin at napahingang malalim. I felt like gasping for air, he made me feel breathless. He's breathtaking, for pete's sake. "Nako! I-ikaw talaga! Haha. Para san nga ba kasi to ha? Nako ikaw ha, may kailangan ka ba sakin? May nagawa ka bang kasalanan?!" Tanong ko at lumapit sakanya, dinuro pa siya, napaatras at nagulat siya sa ginawa ko. Napalunok siya, nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya. Napakurap din siya ng ilang beses. Pero bigla siyang tumawa, napaiwas ako ng tingin at natawa din, nanatili kami sa ganong sitwasyon. Napakalapit ng mukha sa isa't isa.

"Ikaw talaga, Binibini. Syempre, gusto ko lang na bigyan ka ng mga bagay na pag nakita mo ay maaalala mo ako, lalo na't nalalapit na ang pag-alis ko." His laugh turned into a sad smile, what did he just say? Nawala din ang tawa ko, pakiramdam ko nanghihina ako, kumikirot ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Tila nanlulumo ako, what's with me? At saka teka.... aalis? Aalis siya? San naman siya pupunta?

Tuluyan na akong nanghina, I lost control of my arms. Nakatukod kasi ang mga palad ko sa magkabilang gilid niya. Ang resulta ay naglanding ang ulo ko sa may dibdib niya, oo, nasa ibabaw niya ako. Napabukas ako ng mata at dapat ay tatayo na pero ang mga tenga ko ay nasa kaliwang parte dibdib niya kaya naririnig ko ang tibok ng puso niya. It's fast, just like mine. At parang.... pareho pa sila ng way at bilis ng pagtibok. Bigla akong natauhan at nag-angat ng ulo, tinukod ko ulit ang palad ko sa magkabilang gilid niya. Our eyes met, his shocked face that's still so handsome and perfect. The way his adam's apple move everytime he gulps, his red rosy lips that looks so soft, his long eyelashes and thick slightly surrowed eyebrows, his perfect jawline, his pointed nose, and of course, the hypnotizing brown eyes that makes me feel so lost everytime. Naramdaman ko muli ang panghihina, bago pa ako bumagsak sakanya ay nahawakan niya na ako. I was breathing heavily, kinakabahan na kapag nabitawan niya ang pagkahawak saakin ay landing ako sa mukha niya. Our lips would crash, sabay pa kaming napalunok. He let out a deep sigh and I felt him slowly raising me up. Gusto ko tuloy siya kantahan ng "you raise me upppp!! So I could—" char di tayo songerist. Ay oo nga pala seryoso ang moment ano bang ginagawa ko tsk. Nababaliw na talaga ako.

Nang tula makaupo na ako ay itinukod ko na muli ang kamay ko sa grass, nag indian sit na ulit ako at nag clear ng throat. Nakita ko sa peripherals ko na nag-ayos na rin siya ng upo at humihinga ng malalim, siguro nailang siya. Tsk kasalanan ko to eh. Kinuha ko nalang ang pin at necklace sa tabi ko at tiningnan at hinimas himas ito. Sinusulyap sulyapan ko naman siya at ganon din siya sakin, pero nag-iiwasan kami ng tingin.

Agos nalang ng ilog sa harap namin ang talagang maririnig, it's been minutes of silence. Nabibingi na ako sa katahimikan. I decided to talk...

"Paumanhin, Binibini."

"Sorry, Gabriel." Sabay kaming nagsalita pero napatakip ako ng bibig dahil sa english word. Jusko self ano bang gagawin ko sayo.

"A-ah ang ibig k-kong sabihin ay p-patawad." Kinakabahan at nauutal pang sabi ko, naaplunok ako at nilaro nalang ulit ang mga regalo niya sakin.

I saw in my peripherals that he half smiled, napatikom ako ng bibig at napapikit. Ang awkward na tuloy huhu ikaw kasi self eh. Napapakagat ako ng labi dahil ilang minuto na ulit ang nakakalipas, at nabibingi nanaman ako sa katahimikan. I decided to speak again, but this time I made sure it's not english.

"Aalis ka?"

"Kalimutan mo ang sinabi ko kanina, Binibini."

Pareho naming mabilis na sinabi, nanlaki ang mata ko at napalingon sa taliwas na direksiyon. Bakit sabay?! Tsk.

"Wala iyon, Binibini. Ayaw mo pa ba bumalik at matulog?" Tanong niya bigla at yumuko, iniiwasan ang topic. Aish, sana lang di talaga siya aalis or something.

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon