"Ay sandali, oo nga pala! Nawala ang iyong alaala kaya hindi mo na maalala!" Sabi niya, hindi parin mag sink in sa utak ko ang pinagsasabi niya.
"Sayang nga lang at nawala ito, sabi mo pa naman ay may sasabihin ka na tungkol sakanya." Sabi pa ni Katarina.
"Pero huwag mo na muna isipin yon, baka sumakit pa ang ulo mo." Sabi niya, napatango nalang ako. Posible ba? Na kay Gabriel ipapadala ni Marinella of 19th century yung sulat? Gusto ko sana itanong kay Katarina kaso sabi niya nga huwag ko na muna isipin. Iistressen ko lang ang sarili ko, magrerelax nalang siguro muna ako at susulutin ang lugar.
"Hayyy... nais ko na talaga siyang makitang muli." Sabi ni Katarina, napatingin naman ako sakanya. Nakatitig lang siya sa abaniko niya.
"Si Ginoong Mateo?" Tanong ko, napangiti narin.
"Oo, siya nga." Sabi niya ng nag frown ng bahagya.
"Nakooo pag-ibig nga naman." Pang-aasar ko, sinundot pa ang tagiliran niya.
"Kung alam mo lang ay ganito ka rin dati kay Ginoong Gabriel, gustong gusto mo siya makita kahit oras na nga pagtulog." Sabi niya pa, napatingin naman ako sakanya. So totoo nga talagaa? May gusto si Marinella of 19th century kay Gabriel? Mutual kaya ang feelings nila? May gusto din kaya si Gabriel sakanya? Ang daming tanong ang bumabangon sa isip ko, naguguluhan.
"Aaah huhu gustong gusto ko na talaga siya makita!" Sabi niya pa, bahagyang naka higa na sa upuan.
"Sino ba ang nais mong makita? Ako ba ito? Sana ako." Nagulat kami ng may magsalita sa likod ng upuan, sabay kaming napalingon at nakita namin si... MATEO! Napaupo naman ng maayos si Katarina.
"A-ah kasi.." sabi niya, tumalikod na siya kay Mateo, nakita ko namang hinawi niya ang buhok niya at ngumiti ng malaki. Tumingin naman siya saakin ng nakangiti, kaya napangiti rin akoz
"Nais mo ba akong samahan sa pamamasyal, Señorita? Hindi ko kasi kabisado ang plaza, kung nais mo ay isama natin si Señorita Marinella." Sabi ni Mateo at tumingin saakin, nagngitian naman kami. Ang gwapo naman talaga neto ni Mateo.
"Ah... eh..." sagot ni Katarina na napatingin saakin.
"Nako! Hindi na, kayo nalang ang mamasyal. Baka hinahanap na rin ako ni Diego." Sabi ko at tumayo na, hinawakan naman ni Katarina ang kamay ko na parang pinipigilan ako, pinanlakihan ako ng mata.
"Ganon ba, Señorita? Gusto mo bang samahan ka muna namin na hanapin siya bago kami gumayak?" Tanong ni Mateo.
"Ha? Nako hindi na! Kaya ko na ang sarili ko, para mas marami din kayong oras sa isa't isa." Ramdam ko ang paghigpit ni Katarina sa paghawak sa kamay ko pero mas pinanlakihan ko naman siya ng mata. This is your chance. Pinapahiwatig ko.
"Sigurado ka ba, Señorita?" Tanong niya, tumango ako, and gave him a assuring smile.
"Oo, ano ka ba. At saka Binibini nalang ang itawag mo sakin, ah? Masyado kang pormal hahaha." Sabi ko, napangiti naman siya ulit.
"Masusunod, Binibini." Sabi niya, pilit ko naman binibitaw ang mahigpit na pagkahawak saakin ni Katarina kaya ng mabitawan nito ang kamay ko ay kinuha ko ang kamay ni Mateo.
"Kaya sige na, aalis na ako. Ikaw na bahala dito sa kaibigan ko, alagaan mo ha. Pag may nangyari jan nako lagot ka talaga sakin." Sabi ko, natawa naman siya ng bahagya. Nilagay ko ang kamay ni Katarina sa ibabaw ng kamay ni Mateo.
"Opo, Binibini! Masusunod!" Sabi niya ng umayos pa ng tayo na parang sundalo. Natawa nalang ako.
"Sigeeeee, paaalamm!!" Sabi ko, tumingin pa kay Katarina at nilakihan ang mata, trip lang mang-asar bakit ba HAHAHA. Umiiling naman siya ng bahagya, nginingitian ko lang siya. Kumaway na ako kay Mateo dahil kumakaway din siya, at huling kumaway kay Katarina na pinapawisan na dahil siguro sa kaba na pinaghalong kilig.
BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Historical FictionSa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na...