Kabanata 35

231 12 40
                                        

"Gabriel?" I called, he smiled. The usual labas white teeth na napaka perfect.






"Ano ang ginagawa ng isang Binibini sa gitna ng ulan?" Tanong niya, hindi naman ako makasagot. His hazel brown eyes.... it hits diff.







"Gusto mo bang ika'y magkasakit?" Napabalik ako sa realidad sa tanong niya, I gulped then shook my head.









"Maraming nagtatanong kung bakit nagpapaulan ang pinakamagandang dalaga sa bayan ng San Pablo. Bakit nga ba?" He just looked at me, and I looked at him. I couldn't keep my eyes away, his eyes are so beautiful.







It's the pair that I wanted, now that I see na it looks so breath taking on him. Parang mas naiisip kong mabuti't di ganon ang kulay ng akin kasi baka mapapangit ko lang yung kulay lol. I guess ang makita lang siyang owning a pair is enough, it's perfect. Too perfect.







"Ang pagpapaulan ay magdadala saiyo ng lagnat, at ang alimuom naman ay magdadala sayo ng iba't ibang sakit. Nakalimutan mo na ba ang nangyari saiyo nung nakaraan lang?" He's serious but concerned. Parang nakalimutan ko na tuloy yung nangyari kagabi lang. Ay teka, kagabi!! Oo ngaa!! Bakit ba may mukha pa kong hinaharap sakanya ngayon?! Oh my god. Hiyang hiya ako.







"K-kasi si Katarina tumakbo sa gitna ng kalsada para puntahan ang kalesa, hinabol ko lang naman siya...." explain ko ng nakayuko, hindi na ako makatingin sakanya ng maalala ang kagabi. How could I forget?! Oh my god this is so embarrassing. Sana hindi niya na iniisip, sana nakalimutan niya na huhu.





Kaso sa bigat kong yon, trauma na siguro sis! Baka di niya na makalimutan huhu. Nagulat ako ng bumuntong hininga siya, naramdaman ko ang paggalaw ng baby hair ko. Kasi nga nakayuko ako at nakababa naman ang tingin niya sakin kasi mas matangkad siya.






"Dapat ay naghintay ka nalang kung sinabi niyang siya na ang hahanap nito. Kaya naman na iyon ng Señorita dahil malakas siya." Explain niya. Umirap ako, ganon? Tsh.





"Ah, so mahina pala ako ha? Ganon?" Pagtataray ko, iniangat na ang tingin sakanya. Well, sa pagdedefend sa sarili ko at pagtataray walang hiyaan mga sis!! Porket gwapo to nakoooo.









"Hindi ganon ang ibig kong sabihin, ikaw lang kasi ang mas sakitin sainyong dalawa. Lalo na ang ulan hindi ba? Iba ang epekto sayo. Ganon lang ang nais kong sabihin." Explain niya. Galing, mahinahon. Pwede na mag asawa. Charness. Why do I keep saying that? Lol





"K, ikaw ang doktor wala akong laban." Nag cross fingers ako at natawa siya, pinipigilan ko naman ang ngiti ko kaya nag iwas ako ng tingin.






"Oh ayan na pala ang kalesa, Binibini." Turo niya, naririnig ko na nga ang yapak ng mga kabayo. Tumitila na ng kaonti ang ulan kaya wala ng masyadong tao. Probably minding their own business as they should be! Hmp! Ano ba to movie ganon? Scene sa kdrama? Tss sa pagkakaaalam ko sa kdrama nagkikiss sa ilalim ng ulan habang nakapayong pero wala namang nangyari—





Hindi po ako maharot, charot lang po iyon. Kakapray ko lang kanina duh HAHA. Bumaba agad si Katarina at tumakbo papunta sakin. Pero napansin niya agad si Gabriel.




"S-Señorito Gabriel? Ikaw pala hehe." Sabi niya at umakbay sakin.




"Ah, oo Señorita. Ako nga ito, nakita ko sa gitna ng kalsada ang Binibini kaya pinayungan ko lang siya. Ikaw? Ayos ka lang ba? Basang basa ka, naku, baka magkasakit ka niyan." Sabi ni Gabriel, kinurot pa ako ni Katarina ng isumbong ako ni Gabriel tungkol sa paghabol ko sakanya.




A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon