Agad siyang pumunta sa may harap ko kaya napatayo si Gabriel. Nilagay niya muna yung soup sa side table. Hinawakan ni Diego ang pisngi ko, mukhang alalang alala siya. Siya ba to? Parang di siya yung kabuteng nakilala ko na laging mukhang nakakatakot. Now, he looks like a fragile person. A person who's fragile for me. Charot, wag assuming. Kaya nasasaktan eh.
"Ano ba ang nangyari? Kamusta ka na? Ayos ka na ba? Ano ang nararamdaman mo?" Tanong niya, hindi ko inaasahan. Biruin mo yon, nag-aalala siya para sakin. Napangiti ako inside, bakit ako napangiti? Ba't parang natuwa ako? Tss kanina pa naman ata ako natutuwa kasi nandito si Gabriel at inaalagaan ako. Char.
Tumango lang ako sakanya, I gave her a reassuring smile. Napatingin kami kay kuya ng pumasok siya ng pinto ng kwarto, kasunod si kuya Marcos, Katarina, at Mateo.
"Marinella!" Lumapit siya sakin at hinug ako, I hugged him back. He must be worried, his hug is tight. He even kissed me in my forehead. Tinanong niya rin ako ng mga tinanong ni Diego. Pero si kuya mas nag-aalala, ang lakas lakas na ng boses niya. Nakakatakot, parang papatay. Napaka protective jusko.
"Gabriel ano na ang lagay ng kapatid ko? Kamusta na siya? Kelan siya gagaling? Ano ang gamot? Binigyan mo na ba ng gamot? Gawin mo ang lahat para gumaling ang kapatid ko pakiusap!" Nagpapanic na sabi ni kuya.
"Kuya." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya, nilingon niya naman ako at hinug. Napangiti ako, kung ano ano na nga nangyayari napapangiti pa ako. Hay nako baliw na talaga ako... sakanya. Charot sabi ko nga.
"Pasensiya na, nag-aalala lang ako." Sabi ni kuya. Maluluha na ata ako. Grabe, wala pang nag-alala ng ganto para sakin.
Kinalma muna ni kuya yung sarili niya bago niya kinausap si Gabriel. Nandito parin sila sa kwarto pero nakaupo sila habang nag uusap. Pinauwi na ni kuya Marcos si Mateo, hindi na nga nakapagpaalam kasi nanggigigil si kuya Marcos. Si Katarina naman nakaupo lang din sa gilid, nakasad face. Aww, wawa naman bff ko, nakikinig nalang din siya kay Gabriel.
"Heto na, Señorita. Kumain kana upang manumbalik ang iyong lakas." Sabi ni Diego at sinubuan ako. Hinawi niya naman yung buhok ko at inilagay ito sa likod ng tenga ko. Nakita ko sa peripherals ko ang paglingon ni Gabriel saamin. Tiningnan ko siya, pero nag iwas siya ng tingin at sinimulan na ang pakikipag-usap kay kuya.
"Ayos ka lang? Alam mo sobrang nag-alala ako." Sabi ni Diego, hinawakan niya ulit ang pisngi ko. Kita ko nga ang sobrang pag-aalala sakanya. I smiled at him.
"Ayos na ako." Sabi ko, hmm.. to think of it parang sinasabi kong nasira ako HAHA. 'Ayos na ako' I mean oo siraulo ako pero... okay, ayoko na nga.
"Ang pagkahimatay niya ay dahil sa sobrang pagkapagod, ngunit ang dahilan ng kaniyang pagsusuka at pagdudumi ay hindi ko po mawari kung saan galing. Sinabi niyang, lahat naman ng kaniyang kinain ay kinain niyo rin. Mayroon po bang pagkain na nagdudulot sakanya ng ganitong epekto, na marahil ay nawala sa isip niyo?" Mahabang sabi ni Gabriel, napatingin ako don. My ghad I kennat the tagalog it's so lalim you know. Ang professional niya pakinggan, parang pormal na pormal. Ay oo nga! Doktor nga pala siya! Lahat pala sila! My ghad, these memories.
But then, is he talking about allergies? Wala namang pagkain na allergic ako. I mean pati rin naman siguro si Marinella of 19th century diba? At saka katawan ko naman to, alam ko kung ano ang isasaksak ko HAHAHA. Ayoko mamatay dito noh, wala pa nga atang formaline sa panahong to duh.
"Wala, walang pagkain na nagpapaepekto sakanya ng ganito. Ngayon nga lang siya nagkaganito eh." Sabi ni kuya, so I made a world record? Charot.
"Ano kaya ang nangyayari sakanya, bakit siya nagkakaganito." Sabi ni kuya, jusko parang mapupunit na ang noo. Pati rin itong gwapong nilalang na nagsusubo saakin. Alam ko naman ang reason actually... should I tell? Ang tense na ng paligid eh, I think I should.
BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Fiction HistoriqueSa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na...
