Worlds
"Rain please...." He whispered while backhugging me.
He's crying. And I can't afford to look at his tears.
Hindi kami pwede. Magkaiba kami ng mundo. And I don't want him to leave his world just because of me, a mere fan of him.
"Hindi ako nababagay sa mundo mo. At mas lalong hindi ka nababagay sa mundo ko. Rale, tanggapin na natin. You belong in a public world while I belong in a private one." I said while trying to clasp his hug.
Pero imbes na hayaan ako, mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya.
"Rale, mas lalo mo lang akong pinapahirapan."
"Damn these memories! Hindi na sana sila nagbalik pa." Paninisi niya. "Baby please... I badly want to go to your world. Please, let me."
Damn it! Rale, kung pwede lang. Pero hindi e.
He's an idol. He's an artist. He's a performer. And he belongs to the stage.
At ayaw kong ipagkait sa kaniya ang buhay na nakasanayan niya. Ang buhay na nararapat sa kaniya. Kahit anong gawin ko, we're really living in a different worlds. And I hate how can't our worlds collide.
"Rale, ayokong masira lahat ng pinaghirapan mo. Bumalik ka na sa dati mong mundo." Pagmamakaawa ko.
"Pero ito ang mas gusto kong mundo. Ang mundong kasama ka. Baby please, let me stay."
Minsan mapapatanong ka na lang talaga. Bakit hindi ako pwedeng magmahal ng kagaya niya? Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng kasama. Ngayon lang ako nakaramdam ng totoong saya. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagmamahal. Bakit ipinagkakait pa sa 'kin ito ng tadhana?
"Tama na, Rale. Ayokong maging sagabal sa mga taong naghihintay sa 'yong bumalik. Alam kong pansamantala lang ang panahong makakasama kita. Please, umalis ka na sa mundo ko nang magawa na kitang kalimutan." I begged.
Nagsipatakan pa ulit ang aking mga luha kasabay ng patak ng ulan nang dahan-dahan niyang kinalas ang kaniyang yakap. Naramdaman ko ang lamig na dulot ng pagkakabasa namin dahil sa pagbitaw ng mainit niyang katawan.
"Sa oras na makita kita sa mundo ko, hinding-hindi na kita pababalikin sa mundo mo. Once I caught you again, I'll tie you with me forever." Huling bigkas niya sabay talikod na.
Mas lalong lumakas ang pagpatak ng ulan kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng aking mga luha. Sumasabay ang ulan sa emosyon na ipinapakita ko.
"I love you, my Rale Luther Finn." Bulong ko.
BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...