Thirty-Fourth Memory

7 1 0
                                    

Gusto Kita

Here I am again.

Unti-unti na kong naniniwala na nabuhay ako sa mundong ito para maging mag-isa. Na lahat ng taong mamahalin ko ay mawawala. Am I ill-fated?

Bakit ganito? Bakit paulit-ulit na lang akong iniiwan? Why do I have such a life?

Dahan-dahan akong lumapit sa nag-aagaw buhay kong Lola. Nanginginig at nanghihina dahil sa nasasaksihan ko. Tears are making my sight blurry.

"Time of death, 6:43 pm."

Tuluyan na kong nanghina at napaupo dahil sa narinig ko. Wala akong mahanap na lakas upang puntahan si Lola. Wala akong nagawa kundi umiyak. Wala akong nagawa kundi sisihin ang sarili ko.

"Anak." Hinawakan ni Daddy ang aking mga balikat at dahan-dahan akong pinatayo upang harapin ang panibagong taong mawawala ulit sa 'kin.

Lumapit ako habang nangangalap pa rin ng lakas. I held her hand and put it to my face. Basang basa ang pisngi ko habang dinadama si Lola.

"Lola," Mahina ang boses ko dahil sa sobrang panghihina. "Alam ko po na may dahilan kung bakit nangyayari lahat ng bagay pero bakit po paulit-ulit 'yung sakit? Sabi niyo sa 'kin, nasusukat ang katapangan ng tao sa paraan niya ng pagharap sa mundo. Pero kasi Lola, hindi ako matapang eh. Kaya bakit ang dami kong dapat pagdaanan na sakit? Bakit ako?"

Umalis ako. Tinalikuran ko silang lahat. Tumakbo ako palayo sa lahat. And for the nth time, I found myself running away again.

Bakit ba hindi ako matuto? Bakit kapag may problema tinatakbuhan ko? Bakit ba ang duwag duwag ko?

Nakarating ako sa Manila Bay at tsaka doon umupo.

"Parang kailan lang noong kausap kita dito, Lola. Parang kailan lang noong sinabi mo sa 'kin lahat ng bagay na dapat kong malaman. Parang kailan lang noong tinuruan niyo ko paano harapin ang mundo. Pero Lola, alam niyo. Mahina pa rin ang apo niyo. Mahina pa rin pagdating sa pagharap ng problema. Ang dali pa ring sumuko at sisihin ang tadhana." Bigkas ko habang dinadama ang lamig ng hangin ng gabi. Kahit anong gawin ko, hindi tumitigil ang pagbagsak ng aking mga luha. Kasabay ng pagbuhos ng ulan, unti-unti akong pumikit at pinakinggan ang magkasamang tunog ng pagpatak ng ulan at ng tubig. It felt like the cold embrace of my Lola.

"Lola, sabi nila binibigyan tayo ng problema dahil sinusubukan ka bilang tao. Pero bakit parang nilulunod ako sa sobrang kalungkutan? Hindi na ko makaahon dahil bawat tangka kong pag-ahon ay ang pagbigat ng nararamdaman kong lungkot."

Naramdaman ko ang tubig sa aking paa hanggang sa tuluyan akong dalhin ng mga ito sa parteng hindi ko na kakayanin. I want this to end. I need this to end. This loneliness that's drowning me and will never let me recover.

Tuluyan akong nagpatangay sa pinakailalim na parte ng tubig habang nakapikit ang aking mga mata.

"Alam mo ba apo, nasusukat ang tapang ng isang tao sa paraan niya ng pagharap sa mundo. Ayos lang takasan ang lahat pero huwag habang-buhay. Ayos lang tumakbo pero sandali lang."

Mga salita ni Lola na paulit-ulit na bumubulong sa 'kin habang ako'y nawawalan ng pag-asa. Natatakot na kong muli. Natatakot na kong maiwan ulit. Natatakot na kong harapin ang mundo.

"Hinarap mo ang mundo mag-isa at hindi ko hahayaang mangyari ulit 'yun. I would always be here for you."

Biglang nawala ang sakit na nararamdaman ko habang paulit-ulit na bumubulong sa 'kin ang mga salitang ipinangako ni Daddy.

I still have him.

Dumilat ako sa ilalim ng tubig at natagpuan si Rale na inaabot ang aking kamay. Parang nangyari na 'to. Bakit ko ba hinayaan ang sarili kong mapunta sa sitwasyong ito ulit?

Inabot ko ang kaniyang kamay at tuluyan kaming umahon.

But everything went black after that.

Nagising ako at natagpuan ko si Nyle at Daddy na nakaupo sa gilid ng hospital bed na hinihigaan ko.

"Salamat sa diyos at gising ka na." Bigkas ni Daddy sabay hawak sa pisngi ko. "Ano bang nasa isip mo at tinangka mong magpakamatay? Anak, nandito naman kami ni Nyle para sa 'yo. Kasama mo pa kami upang harapin ang mundo." Nagulat ako sa pagtulo ng luha ni Daddy. "I thought I'm going to lose you again."

Hinawakan ko ang kamay ni Daddy.

I'm such a loser. Hindi ko naisip na may mga taong inaantay akong umuwi, inaantay akong bumalik, inaantay akong makasama. Ang dali kong tangayin ng lungkot at naiinis ako sa sarili ko dahil pangalawang beses ko na itong nagawa.

"I'm so sorry, Dad. I'm really really sorry for being weak." At tuluyan ko ng inangat ang katawan ko upang mayakap siya.

Hinagod naman ni Nyle ang aking likuran.

"You're not weak. Nalagpasan mo nga lahat ng mag-isa. And I'm so proud to have a daughter like you. Gusto ko lang sabihin sa 'yo, anak. Hindi ka nag-iisa. Gusto mo lang harapin mag-isa ang problema kasi takot kang ilabas ito. Huwag mong sarilinin lahat kasi may mga taong handang makinig at samahan ka." And it hits me. Tama lahat ng sinabi ni Daddy. Kinikimkim ko lahat. Tinatago ko lahat. Sinasarili ko lahat. Kaya siguro, may mga taong kahit sobrang lupit ng mundo sa kanila ay nagagawa pa ring pahalagahan ang kanilang buhay dahil sa mga taong nagmamahal sa kanila. And we're lucky after all.

Kasi katapat ng isang problema ay isang taong handang makinig at mahalin ka.

Lumipas ang ilang linggo matapos naming mailibing si Lola. And this heart of mine chose to be in a state where I can send her off peacefully. Sana maging masaya siya at sana mapatawad niya ko sa pagtangka kong pagtigil ng aking buhay.

Bumalik ang dati kong buhay. I worked a lot and everyday will pass is a normal day for a person like me. Pero nagbago ngayon. I may have lost my Lola pero mayroon naman akong Daddy na makakasama ko upang maging malakas sa aking haharaping mundo.

"Rain! Labas tayo." Pag-aya ni Brea pagkatapos ng trabaho namin. At gaya ng dati, magkakasama kaming apat na pumunta sa bar na pinuntahan din naman noon.

Pero napansin ko ang panay na paglapit sa 'kin ni Cullen. "Huy! Ayos ka lang? Kanina ka pa nakadikit sa 'kin." Puna ko sa kaniya.

"Bakit bawal ba? Kahit hawakan ko pa ang kamay mo ay wala namang magagalit." Nagulat ako sa agresibo niyang paghawak sa kamay ko.

Hinayaan ko na lang siya at pinili kong hilain siya papunta sa counter upang kumuha ng maiinom.

Napaharap ako sa kaniya at nahuli ko siyang nakatitig sa 'kin. "May gusto ka bang sabihin sa 'kin?" Tanong ko habang inaantay ang inorder naming drinks.

"Yes." Diretso niyang sagot habang nakatitig pa rin sa 'kin. "Can we go there?" Tanong niya sabay turo sa railings ng rooftop na walang taong nakatambay.

Hindi niya na ko hinayaang makasagot. Pagkatapos naming makuha ang inorder namin ay agad niya kong hinila patungo doon.

"What are you going to say?" I asked curiously tsaka tumingin sa kaniya.

Napainom siya at tsaka niya ko diretsong tinignan sa mata.

Nagulat na lang ako nang agad dumampi ang kaniyang labi sa aking labi.

"Gusto kita, Rain." Bigkas niya pagkatapos niyang iwanan ang aking labi.

Hindi ako nakapagsalita. Ni hindi ko magawang gumalaw dahil sa narinig ko at sa ginawa niya.

Pero bago pa ko makapagsalita ay natagpuan ko na lang si Cullen na natumba dahil sa isang suntok.

Tumingin ako sa may gawa na ito at natagpuan ko siyang nag-aalab ang mga mata sa galit.

"Rale!"

Every Raindrops Of His Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon