Twenty-Fifth Memory

19 2 0
                                    

Secrets

Ilang buwan na ang lumipas matapos akong makipaghiwalay kay Rale and it is still vivid how his tears slowly fell from his beautiful eyes. Kahit anong gawin ko, I will never fit in his world.

Patuloy pa rin ang pagsikat nila sa industriya ng entablado at hindi ako nagsisisi sa naging desisyon ko. I will never let myself pull him down. And that's the last thing I want to do.

Binuhay ko ang mga bintana gamit ang paggilid ng kurtina. Ramdam ko ang pagsikat ng araw ng umaga na dumadampi sa aking mukha. The sun is shining just how I let Rale shines in his world. At nakakainis dahil hindi ko siya magawang alisin sa aking isipan.

"Rain, hija nakahanda na ang agahan. Halika na dito't tayo'y kakain na." Pagtawag ni Lola Gracia.

Si Lola Gracia ay ang mama ni mommy. Nahanap ako ni Lola, ilang linggo matapos ang pag-alis ko sa Elysian.

Napagdesisyunan kong umalis ng Elysian pagkatapos kong magpaalam kay Rale at sa iba pang taong naging parte ng mundo ko. Umalis ako dahil gusto kong magkaroon ng panibagong mundo. At ang mundo ko sa Elysian ay nagpapaalala sa akin ng lahat ng magaganda at masasakit kong memorya ni Rale. And I can't afford to move on if everything reminds me of him.

Kahit kay Brea, nagpaalam ako. Kahit siya lang ang kaisa-isang taong nakaramdam ako ng totoong pagkakaibigan. I sacrificed even if I felt like I've finally found someone I can call my friend. Even if I've found a great friendship in her.

Siguro, totoo nga. Nothing will go according to your plans. Because god has better plans for you. And you should let yourself go according to his.

"Bababa na po." Sagot ko.

Dalawa lang kami ni Lola dito sa kaniyang bahay. Sinubukan niya raw akong hanapin pagkatapos niyang nabalitaang umalis ako sa bahay nila Tita. At nakontak niya ko ilang linggo pagkatapos kong umalis ng Elysian.

Tinuloy ko ang pag-aaral ko dito sa lugar ni Lola at naghanap din ako ng part-time job para sa 'ming dalawa. Si Lola ay nagbebenta ng kaniyang mga hinahabing banig sa may bayan at ako naman ay isang waitress sa isang restaurant na malapit sa unibersidad na pinapasukan ko. I let myself busy, very busy that I will never have time to think about him. I should never have time to think about regretting.

"Apo, ako'y sasama sa'yo. Bibisitahin ko rin ang puntod ng aking anak."

"Sige po, Lola. Sigurado pong magiging masaya sina daddy at mommy sa itaas dahil kasama ko na po kayo."

Ngayon ang death anniversary ng aking mga magulang. At plano namin ni Lolang bumisita sa kanilang puntod buong araw. Nakahanda na ang mga dadalhin naming pagkain sa pagbisita.

"Lola, paano po nagkakilala sila mommy at daddy?" Tanong ko habang nasa byahe.

Matagal bago nakasagot si Lola. At pansin ko rin ang pag-iwas niya ng tingin sa 'kin. I've never heard of their love story in my entire life. Hindi nila ikinikwento sa 'kin kahit sila mommy at daddy. And I know there's something in their story na hindi nila magawang sabihin sa 'kin.

"Apo, minsan may mga pagmamahalan na nakakubli ang kwento. Hindi sa lahat ng oras, kailangan nating malaman lahat ng bagay. Nakatago dahil may dahilan. At 'yung dahilan na 'yun ay makakabuti para sa'yo. Tandaan mo, 'wag na 'wag mong hahayaang lamunin ka ng kuryosidad. Dahil may mga bagay na mas nakakabuting manatiling sekreto." Seryosong sabi ni Lola.

And from what my Lola said, I am a hundred percent sure that there's an untold story of my parents that should be kept from me.

Iniisip ko lang. Bakit kailangang hindi ko malaman? Bakit kailangang manatiling sekreto ang kwento ng mga sarili kong magulang?

But I respect that. But still...I am sure that my curiosity will soon kill me.

Nakarating kami ng Elysian pagkatapos ng ilang oras na byahe. Bumaba ako and memories began to came back one at a time.

Naglakad kami ni Lola patungong puntod ng aking mga magulang. Inalis ko ang mga tuyong dahon na tumatakip sa mga pangalan ng aking magulang na nakaukit sa lapida.

I looked at my Lola and started to think kung bakit sa puntod lang ni mommy siya naglagay ng mga bulaklak na dala namin. Agad akong kumuha ng ilan sa mga bulaklak sa puntod ni mommy at tsaka inilagay naman ito kay daddy. Hindi na dapat ako magtanong. I wouldn't get an answer anyway.

Bumalik sa 'kin lahat ng mga panahong kasama ko pa sila. At d'un ko lang napagtanto. Minsan lang bumisita si Lola sa bahay. Kaya hindi siya ang kumupkop sa 'kin ng mga oras na iniwan ako ng dalawang pinaka-importanteng tao sa 'kin ay dahil wala siya ng mga oras na 'yun. At napunta ako sa puder ng aking tiyahin.

And thoughts began to blow my mind. Maybe she has a problem with my dad. Maybe they were not in good terms. Maybe she was not in favor with the relationship of my parents. Siguro... ang daming kwentong nanatiling sekreto dahil may mga taong iniiwasang masaktan. And maybe that's me.

Secrets that are meant to be secrets and should never be unfold.

Pero ang utak ko hindi maiwasang hindi mag-isip ng mga posibilidad. Maybe that's normal. Ang utak natin ay nagsisimulang mag-isip ng mga bagay-bagay kapag nabigyan ng kahit isa man lang na ideya tungkol sa isang bagay. Our minds tend to be curious and will never stop unless that one hidden thing will be unfold, unless we get that satisfaction our minds need.

Pagkatapos naming kainin ni Lola ang mga pagkaing dinala namin ay nagpaalam na rin kami sa aking mga magulang. Sumunod ako pagkatapos maglakad ni Lola palayo sa puntod kaniyang anak.

Pansin ko ang pananahimik niya pagkatapos kong itanong ang tungkol sa pagmamahalan ng aking magulang. At ayokong basagin ang pananahimik niya. Maybe it wasn't easy for her. Kaya kahit gaano kagusto ng utak kong malaman ang ang mga bagay na gusto kong malaman, I should put my feet in her shoes. I should put myself in her situation. And that's best thing to do to understand other people.

Naglakad kami hanggang sakayan pero hindi ko inaasahan kung sino makakasalubong namin.

Mayor and Rale's father.

Pero ang ipinagtataka ko...

They were not looking at me. Nakatingin sila pareho kay Lola na agad kong binalingan.

I can see the shockness in her eyes.

"Mayor?" Pagputol ko sa titigan nilang tatlo.

At sa wakas ay nakuha ko ang atensyon nila.

"Kilala mo sila, hija?"Gulat na gulat na tanong ni Lola.

Every Raindrops Of His Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon