Twenty-Second Memory

9 1 0
                                    

Adorable

"Ex niya lang 'yun. You are his girlfriend." Bigkas ni Tyrus habang nakatingin ako sa kawalan. Hindi ako sumagot at nanatili pa rin akong nagpapalamig ng nararamdaman.

I feel suffocated in there. Para akong bato na napapaligiran ng mga dyamante. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano ako kaliit kumpara sa buhay na mayroon si Rale.

Nagulat ako ng biglang humarang sa tinitignan ko ang nakakunot-noong mukha ni Tyrus.

"Ano ba?" Inis kong sabi.

"Why bother to look there when my beautiful face is right here?" Mayabang niyang sabi na mas lalo ko pang ikinainis.

"And why would I look at something that's making me irritated? You're not even worth looking for." At dahil sa inis, hindi ko inaasahan ang mga lumabas sa mga labi ko. Gulat na gulat ang ekspresyon nito dahil sa sinabi ko. Agad akong tumayo at naglakad palayo sa kaniya dahil huli na ng napagtanto kong si Tyrus Drae Lopez ang kausap ko. Tangina!

Huminga ako ng malalim bago pumasok ulit sa loob ng mansyon. But then, I found no one. Saan sila?

"Aling Lourdes, nasaan po sila?" Tanong ko ng madatnan ko siya sa may kusina.

"Nandoon sa may rooftop. May inihahanda silang pagsasalo-salo." Sagot ni Aling Lourdes habang ako naman ay nagdadalawang-isip kung aakyat ba d'un o hindi.

Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Tyrus ang braso ko at isinama ako paakyat. Sa paraan ng paghawak nito sa 'kin ay hindi ko maiisip na galit siya sa 'kin. The way he holds me is so soft na para bang anumang oras ay pwede akong mabasag.

Nakarating kami sa rooftop ng hindi pa rin niya ko binibitawan.

"Luther, nandito na Ulan mo." Bigkas nito kay Rale at agad naman niya kong nilapitan.

Pati paraan ng pagbitaw ng braso ko ay sobrang dahan-dahan. Pero kita ko sa mga mata nito ang galit.

"Thanks, Drae." Bigkas ni Rale sa kaniya. "Come here." Humarap ako kay Rale at agad niya kong pinaupo sa may katabi niyang upuan. Tumingin ako sa katapat kong upuan at naabutan ko ang mga mata ni Canna na seryosong nakatitig sa 'kin.

Ano bang problema niya?

"Oh bakit banas-banas 'yang pinagmamalaki mong gwapong mukha?" Nakuha ang atensyon ko ng nag-uusap na sina Tyrus at Cole.

Agad kong inilandas ang aking tingin kay Rale ng biglang tumingin sa 'kin si Tyrus.

"There's just someone who told me that my face is not worth looking for. And I bet it was you, Ulan."

Tumingin silang lahat sa 'kin and I feel like a criminal being judged by these elite people.

"Woah! For the first time in the history. May tumanggi sa mukha mo, Drae." Malakas na sabi ni Pryx sabay halakhak.

Huli ko ang pagngisi ni Rale at tsaka niya ko tinignan.

"Sorry." Mahina kong bigkas dahil sa nasabi ko kay Tyrus.

"There's nothing that you should be sorry for. I mean, it's an achievement for us." Pagpapagaan ng loob ko ni Rale habang nakangisi pa rin.

"Luther! I hate your fucking girlfriend." Sigaw ni Tyrus na ikinahalakhak nilang lahat maliban kay Canna.

"Me too." Pagsang-ayon ni Canna na nagdulot ng pagtingin naming lahat sa kaniya.

Hinihingi ko ba opinyon niya? Well, the feeling is mutual.

"Canna, can you just leave?" Bigkas ni Rale na ikinagulat niya. Kahit ako, hindi ko inaasahang sasabihin niya 'yun sa harap naming lahat.

"I don't hate her, Canna. I actually prefer her to be in here than you." Pagtatanggol pa ni Tyrus na mas lalo kong ikinagulat. Kitang-kita ko ang pagiging seryoso nito habang nagsasalita. Parang kanina lang ay galit na galit siya sa 'kin.

"Well, I don't need your opinion Drae." Asik ni Canna.

"And so does her." Sagot ni Rale na ako ang tinutukoy.

Nagulat ako ng biglang padabog siyang tumayo at kinuha ang kaniyang bag. Tumingin pa siya sa 'kin ng masama at tsaka ako tinarayan.

What a childish act!

"What a change of mood, Drae! Kanina lang galit ka kay Rain tapos ngayon pinagtanggol mo pa." Puna ni Pryx sabay ngisi.

"That means, Tyrus Drae Lopez is crazy." Tumatawang sabi ni Clio.

"Dude, uminom ka ba ng gamot mo?" Pang-aasar pa ni Cole na agad namang sinapak ni Tyrus.

"Gago!"

And I like this atmosphere way better.

Para lang akong nakapaligid sa mga ordinaryong tao na kahit anumang oras ay pwedeng-pwede akong makipagsabayan.

"Drae, just accept it. Pwede kitang samahan sa mental hospital." Panggagatong pa ni Rale sa pang-aasar sa kaniya.

"Fuck you, Luther!" Asik nito kay Rale.

And then, I joined the laughter.

Pero napatigil ako ng mahagip ng paningin niya akong tumatawa. Bigla siyang tumayo mula sa kinauupuan niya at pumwesto siya sa may tapat ko, sa kinauupuan ni Canna kanina.

Nagulat ako ng bigla niyang isubo sa 'kin ang isang tinapay na hindi pamilyar sa aking panlasa.

"You'll love that." Bigkas niya at nagsimula na siyang maglagay ng kaniyang pagkain sa kaniyang plato.

"Let's eat." Bigkas niya ng mapansing nagsitigil kaming lahat sa pagtawa dahil sa ginawa niya at lahat ng atensyon ay nasa kaniya.

Sinimulan ni Rale ang paglagay ng carbonara sa aking plato. At hindi ko maalis ang aking tingin sa kaniya bawat kilos niya.

He knows what food he should put on my plate. Pero ang isang bagay na hindi niya alam ay kung gaano lang dapat karami ang ilagay niya. Pinuno ba naman ang plato ko?

"Oh, come on Rale! Your girlfriend is not a pig." Sa wakas ay may pumuna sa kaniya.Thanks to Clio.

Tumingin siya sa 'kin at nag-pout ako.

"Hindi ko naman kayang ubusin 'yan." Bigkas ko at tsaka ko kinuha sa kaniya ang aking plato. Pero agad niya itong binawi sa 'kin at inilapag sa gitna naming dalawa.

"Hindi lang naman ikaw ang kakain dito. We'll share." Bigkas niya sabay bigay sa 'kin ng mga kubyertos.

"Damn it, Luther! Don't do chessy things in front of me." Inis na sabi ni Tyrus na agad ikinahalakhak ng mga kasama namin.

"Sino bang nagsabing jan ka umupo?You chose that seat. You should endure it." Asik ni Rale na mas lalo pang ikinainis ni Tyrus.

Agad siyang tumayo at bumalik sa dati niyang pwesto, sa tabi ni Cole.

"Drae, wanna share?" Pang-aasar pa ni Cole gamit ang boses babae kasabay ng paglahad niya ng kaniyang plato.

Nagsihalakhakan kaming lahat dahil sa inis na inis na mukha ni Tyrus. Gayahin ba naman kami ni Rale.

"You could make a great couple." Natatawang sabi ni Clio na mas lalo pang ikinabanas ng mukha ni Tyrus.

Napatigil ako ulit sa pagtawa ng tumingin ulit siya sa 'kin. But this time, a smile was engraved in his face.

Inilibot ko ang aking paningin sa kanilang lahat at nahuli ko na silang lahat ay nakatitig sa 'kin.

Humarap ako kay Rale at tinanong ko kung anong mayroon. Kung may dumi ba ko sa mukha or what?

"Nothing. You're just adorable." He answered.

Every Raindrops Of His Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon