Don't You Ever
He is kissing me under the rain and I can't seem to take back my lips from him. Nakakaakit ang mga labi nito na hindi ko magawang ilayo ang akin.
He's the only man that can make me surrender but I'm afraid that the day where I love to surrender will come.
Bumitaw siya at nagsalita...
"Your lips taste good with the rain and be ready 'cause I might be addicted."
Agad ko siyang sinampal nang matauhan ako tsaka tumakbo papalayo sa kaniya.
Ayoko na ng dulot niya. Ayoko na! Magtapat pa lang ang aming mga tingin ay bumibilis na ang tibok ng aking puso, mga labi pa kaya namin?
Pero sinundan niya ko at agad hinablot ang aking braso paharap sa kaniya. "Para saan ang pagtakbo mo?"
"Tumigil ka na Rale! Napapagod na kong lumayo. Napapagod na kong tumakbo. Wala na kong tatakbuhan kaya kung pwede lang, ikaw na ang umiwas. Stay away, please."
Pagmamakaawa ko tsaka pilit binabawi ang pagkakahawak niya sa 'kin pero mas lalo niya lang hinigpitan. Nagulat na lang ako nang bigla niya kong higitan sa aking baywang at agad pinaglapat ang aming mga labi muli.This time parang may gusto siyang patunayan sa 'kin. Parang gusto niya kong umamin sa tunay kong nararamdaman. Parang gusto niyang tigilan ko na ang pagtakbo.
Bumitaw siya at tsaka nagsalita...
"When you're tired of running, then stop running. Let me love you until you're ready." Bigkas niya na mas lalong nagpalakas ng tibok ng aking puso.
His kiss is too much. His words are overwhelming. His eyes are too beautiful. His whole presence is unbearable, so unbearable that running is my way of escaping.
Tumingala ako para magkatapat kami ng tingin pero mas lalo kong pinagsisihan ang pagtingin sa kaniyang mga mata dahil mas lalo pa kong nahulog. His eyes are too beautiful with full of sincerity.
"Stop loving me 'cause I don't want you to love me. Tumigil ka na habang maaga pa kasi hindi ako marunong magmahal, ayokong magmahal." Bigkas ko at hindi ko namalayan ang paglandas ng mainit na tubig sa aking pisngi.
"Marunong kang magmahal, takot ka lang maiwan. Tinatakbuhan mo ang totoong nararamdaman mo dahil ayaw mong sumugal. I've already read you, Rain. So, don't ask me to stop loving you 'cause everytime you run, my eagerness to make you mine is getting higher. And stop loving you is the last thing I want to do right now."
"Oo! Natatakot ako, ayokong sumugal, ayokong magmahal kasi ayokong maiwan. I just want to protect my heart 'cause I can't bear to lose someone so dear to me again." Pagsagot ko sa kaniya.
"Bakit ba pinapangunahan mo ang mangyayari?" Tanong niya sa 'kin.
"Kasi alam kong walang permanente sa mundong ito. At kasama ka do'n. Kaya mas pipiliin kong 'wag na lang makaramdam ng pagmamahal kaysa maramdaman ang panandaliang sayang dulot nito." Bigkas ko gamit ang nanghihina kong boses. Kasabay ng mga patak ng ulan sa aking pisngi ay ang paglandas ng aking sunod-sunod na luha.
"Loving requires risking, Rain."
Ramdam ko ang pagkalungkot sa kaniyang boses. At naiinis ako kung bakit hindi ko gustong marinig ang lungkot sa kaniyang boses. Nakakainis!"But I don't want to risk." Pagtatapos ko sa usapan naming dalawa at agad na tinalikuran siya pabalik sa kaniyang kotse.
Gusto ko na lang matapos ang usapan namin dahil hindi ko gusto ang sinasabi ng puso ko. Natatakot akong sundin ito at tuluyan nang sumugal. Natatakot ako!
Umuwi kami parehong basang-basa sa ulan. Walang imikan at pansinan. Hindi ko rin pansin ang pagsulyap niya dati sa 'kin. Sumuko na siya. Pero bakit ganito kasakit ang dulot na aminin mismo sa aking sarili na sumuko na ang lalaking nagmamay-ari ng pinakapaborito kong mga mata? Ang tanga ko, ito naman ang hiniling ko.
But why does it hurt here?
Agad akong pumasok sa aking kwarto na hindi man lang siya tinitignan. I should forget him.
I really should.
-------
Gumising ako para sa panibagong araw ng pag-aaral pero ramdam ko ang panghihina ng aking katawan. Ang bigat ng aking pakiramdam at mukhang sisipunin ako. But I need to study.
"Are you not feeling well?" Tanong ni Nyle pagkatapos kong sumakay sa loob ng kotse niya. Ilalapat niya na sana ang likod ng kaniyang palad sa aking noo ng bigla ko siyang pinigilan.
"I'm okay." I answered with a smile on my face.
"Ano bang nangyari sa'yo kagabi at basang-basa ka raw pagkauwi mo?"
"Nyle, malilate na tayo." Pag-iiba ko ng usapan. Agad naman na siyang nagmaneho pero sinulyapan niya muna ako. Kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata pero wala akong magawa para ipakita sa kaniyang okay lang ako dahil nanghihina talaga ang katawan ko. Uminom naman na ko ng gamot kanina kaya magiging maayos rin ako. I should be okay.
Habang naglalakad kaming dalawa papuntang room ko ay sina Rale at Vythea ang sumalubong sa 'min sa may hallway. Magkaharap kaming apat at siguradong pareho kami ng pupuntahan. Yumuko ako dahil medyo sumasakit ang ulo ko at para hindi rin mahagip ng paningin ko ang mga mata ni Rale.
Napaangat ako ng tingin kay Nyle ng maramdaman ko ang paghawak niya sa aking baywang upang suporta sa nanghihina kong katawan.
"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Tanong niya ulit.
"I should be, Nyle." Simpleng sagot ko.
Bumalik ako sa pagkakayuko habang pumapasok sa aming kwarto ng mabigla ako dahil sa paglapat ng braso ng lalaking iniidolo ko sa aking braso. Hindi ko siya pinansin pero ramdam ko ang pagsunod ng kaniyang tingin habang papunta ako sa aking upuan.
Huminga ako ng malalim at nagsimulang makinig pagkarating ng aming professor pero sadyang wala sa kaayusan ang aking nararamdaman kaya't walang pumapasok na kahit ano sa aking utak.
Dumating ang break time at pinilit kong pumunta sa canteen thinking that eating can make me feel better.
Sinimulan kong kumain pero nawalan ako ng gana. My feeling is getting worse and I don't know how can I make it better. Shit! Kailangan ko pang magtrabaho mamaya.
Pinilit kong ubusin ang inorder kong pagkain pero sadyang wala talaga akong gana kaya mas pinili ko na lang na bumalik sa aming room. Tumayo ako pero biglang humarang si Vythea at ang dalawang alalay niya sa aking dadaanan. Pinilit kong dumaan sa may gilid nila pero pilit pa rin nila akong hinarangan.
"May kailangan ka ba?" Pilit kong pinapakita ang tatag sa boses ko kahit na sobra na kong naghihina.
"Gusto ko lang naman malaman mong kami na ni Rale." Mataray niyang sabi.
Alam ko na kung anong patutunguhan nito. Nakakainis lang dahil 'yung kokonting lakas na pinagkakasya ko para mamaya ay nababawasan dahil sa walang kwentang usapan.
"Good for you." Sagot ko sabay subok ulit na makaalis sa harap ng tatlong babaeng kaharap ko ngayon pero agad niyang hinablot ang aking braso paharap sa kaniya.
"I just want you to know so that you'll stop flirting my man."
"I don't know how to flirt." Simpleng sagot ko.
"Siguraduhin mo lang dahil baka makalimutan kong pinsan kita."
"Kailan mo ba ko naging pinsan?" Matapang kong tanong sa kaniya na nagpakunot ng kaniyang noo at nagpahigpit ng hawak niya sa aking braso. Tangina! Wala akong lakas upang alisin ang kaniyang kamay pero nagulat na lang ako ng isang kamay ang walang kahirap-hirap na inalis ang mga kamay ng pinsan ko mula sa aking braso.
"Babe?" Bigkas ni Vy pero hindi ko na namalayan ang sunod na nangyari ng biglang nagdilim ang aking paningin.
Pero bago ako tuluyang tangayin ng dilim ay narinig ko pa siyang nagsalita...
"Don't you ever put that hand of yours from this lady, again." Rale said.

BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...