The Man
I woke up with a different smile on my face, a day of something new.
Bago yung pakiramdam, bago yung saya, new from my usual day. Siguro ganito nga yung pakiramdam kapag natuto kang sumugal sa mga bagong bagay. But I can't hide the fact that there's a bit of unsureness.
"Iba ata gising natin ngayon." Nagulat ako ng biglang tumabi sa 'kin si Brea sa kama ko. "Care to share it with me? Dami mo ng utang sa 'king kwento."
Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan ang sasabihin ko sa kaniya. Hindi ako sanay na ibahagi ang buhay ko. I lived sharing my story only to myself. At ito siguro ang kauna-unahang ikikwento ko sa iba ang buhay ko.
Humarap ako sa kaniya at tsaka nagsimulang magsalita. "My parents died in a car accident. Sabay silang kinuha sa 'kin. 'Yun yung araw na nagsimula akong kamuhian ang mundo. The darkest time of my life." Ayaw kong makita ang mga mata niya dahil ramdam ko ang lungkot nito dahil sa buhay ko. Nagulat ako ng hinaplos niya ang aking mga mata imbes na yakapin ako.
"These beautiful eyes deserve to be seen happy. Kasi tuwing nakikita ko ang mga mata mo, sobrang lungkot. Malupit man ang tadhana, kailangan mo pa ring sumaya. And that's the greatest revenge that you can give." Payo niya. And by her words, mas lalong nadagdagan ang pagkagusto kong maging kaibigan siya.
I smiled at her.
"Look at you. Ang babae mas gumaganda kapag nakangiti pero wala ng papantay sa ganda nito kapag ang ngiti ay kitang-kita pati sa mga mata. Be happy and win against destiny." Dagdag pa niya. "Oh 'di ba ang ganda ng mga sinabi ko. Nagulat lang din ako sa mga lumabas sa bibig ko."Napatawa na lang ako.
Maybe this is the reason why people tend to have a bestfriend. Isang taong hindi mo inaasahang pagbibigyan mo ng tiwala mo. Isang taong pagsasabihan mo ng kwento ng buhay mo. Isang taong makikinig sa mga drama mo. A bestfriend that you're comfortable with and will give you sincere concerns. And maybe I have found that one bestfriend that have known my story not because I told her but because she listened.
"What about the story behind that glow in your face? Anong tsismis?" Halatang-halata na gustong-gusto niyang malaman ang tungkol sa 'kin. Para siyang isang bata na sabik na sabik sa isang lollipop. Hindi ko rin naman maitago ang ngiting dala ng ibabahagi ko sa kaniyang kwento.
"Sinagot ko na si Rale." Nakangiti kong sabi sa kaniya. At mula sa narinig niya, nagtitili siya na parang ewan. May patalon-talon pa siya sa kama ko habang tuloy pa rin ang pagtitili.
"Hoy, manahimik ka nga. Ang dami pang tulog. Ang aga-aga pa kaya. Jusmiyo!" Saway ko sa kaniya dahil masyado ng napapalakas ang boses niya.
Agad siyang huminto at bumalik sa pagkakaupo niya sa tabi ko.
"Tangina, Rain! Kinikilig ako. I'm so happy for you. Alam mo simula ng makilala kita, ngayon ko lang nakita ang ganiyang saya sa mga mata mo. And for this memorable day, let's capture it." Sabi niya sabay labas ng kaniyang cellphone at ngumiti kaming dalawa kahit halatang-halata na kakagising lang namin.
"Magluluto ako ng almusal natin dahil espesyal ang araw na 'to. It will be the first time na matitikman mo ang pinakamasarap na luto ko. Baka makalimutan mo ang pangalan ng lalaking nandiyan sa puso mo. Ay! Oo nga pala. The heart can remember what mind forgets." Pabiro niyang sabi. May pakindat-kindat pa siyang nalalaman bago dumiretso sa may kusina.
"Siguraduhin mo lang na masarap yan, huh." Pagbabanta ko.
"Just wait and see, darlin'." Sigaw niya pabalik.
I am happy, very much happy. Sa pagiging takot kong maging malapit sa mga tao, natutunan ko kung paano sumugal at harapin ang aking kinatatakutan. And I'm glad to say, I'm starting to love risking.
At sa parteng ito ng buhay ko, isang bagay ang napagtanto ko.
The greater the risk, the greater the return.
Sabay kaming pumasok ni Brea sa Elysian at sa bawat minutong dumadaan, hindi ko namamalayan ang oras dahil sobra akong naaaliw sa mga kinikwento niya. Pero napatigil kami saglit ng nagvibrate ang phone ko.
Unknown:
Good morning, are you in school already? Gusto sana kitang ihatid. By the way, it's Rale.
Nagulat ako ng biglang sinundot ni Brea ang tagiliran ko sabay ang mapanlokong ngiti nito.
"Sana all!" Sigaw nito.
"Wuy! Ang ingay mo. Ayan pinagtitinginan na tuloy tayo ng mga tao." Agad naman siyang tumahimik at ibinalik ang atensyon sa text ni Rale.
Me:
Good morning din. Nakaalis na ko eh kasama ko si Brea, 'yung roommate ko. Kita na lang tayo sa school.
Ibubulsa ko na sana ang cellphone ko pagkatapos kong magreply ng nagvibrate ulit agad ito.
Rale:
I love you.
Pansin ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa nabasa kong sinabi niya. Kahit hindi ko nakikita, alam kong pumupula na ang mga pisngi ko dahil sa sobrang kilig. Taena! Text pa lang 'yun, paano pa kaya kapag sa mismong labi niya lumabas ang mga salitang 'to.
Tumingin ako kay Brea at buti na lang ay hindi siya nakatingin sa message ni Rale. Baka makarinig na naman ako ng tunog ng sirena ng wala sa oras.
Me:
I love you.
I simply replied. And I must say, I'm very much happy, sayang hindi ko inaasahan. Na kahit sa simpleng bagay eh, ganito ang dulot sa aking buhay. I have Brea and ofcourse, the man that completed the euphoric feeling inside of me, the man I've been fangirling to ever since, the man that made my life blooms again, he is Rale Luther Finn.
My Rale Luther Finn.

BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...