Thirtieth Memory

15 1 0
                                    

Tonight

Umalis ako sa kinatatayuan ko at mabilis tumungo sa elevator. I won't ever be captivated by the power of his eyes again. Ayoko na. I need to control myself. Hindi pwedeng lumambot muli ang puso ko sa isang taong kagaya niya.

Nagulat ako ng nakahabol siya sa loob ng elevator bago ito tuluyang sumara. Nakaharap siya sa 'kin at mariin akong tinitignan. But my eyes are just giving their most destructive look that they can ever give.

But then, my heart is resisting.

"Anong ginagawa mo dito?" Matapang kong tanong.

Hindi ako pwedeng maging malambot sa harap ng mga mata niya. Hindi pwedeng manghihina lang ako dahil sa malungkot nitong mga mata. I have to fight back this softness I have for him.

Pero mas lalo lang akong nainis dahil hindi niya ko nagawang sagutin. Nakatingin lang siya sa mga mata ko at wala siyang balak magsalita.

"Ano ba, Rale?" Inis kong bigkas pero nagulat ako ng bigla niya kong yakapin.

At tuluyan na kong lumambot nang maramdaman ko ang pagpatak ng kaniyang mga luha sa aking balikat.

Bakit ba siya ganito? Bakit ba niya ko pinapahirapan? Bakit ba niya ko pinapalambot ng pinapalambot?

Bakit sa kabila ng lahat, heto pa rin ang puso ko't siya pa rin ang laman?

"Come on, Rale. Let me forg-"

"I miss you." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang sabihin niya ang mga katagang ito. Natigilan ako. I am at the peak of my holding back pero bigla akong nanlambot sa mga sinabi niya. Just by his words, longing for him began to soften me.

Why do people tend to forget everything when they love?

"Parang awa mo na, Rale. Sinaktan mo na ko, tama na." I begged.

"Let just stay here for a minute. Kahit ngayon lang, Rain. Gusto lang kitang mayakap. I just want to forget everything and stay with you."

At hinayaan na siya ng puso ko.

Kasi kahit anong gawin ko, kahit sinaktan niya ko, kahit hindi niya ko pinili, I know, in my heart, this man is what I've been missing all this time. Minahal ko siya at minamahal ko pa rin siya. And maybe, we all tend to be stupid and soft in terms of love.

Bumalik kami sa itaas at piniling kalimutan ang lahat ngayong gabi.

"Rale?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Brea pagkatapos makita kaming magkasama ni Rale. "How are you? Kumusta na?"

"I'm fine." Seryosong sagot ni Rale habang tinitignan si Cullen. Ni hindi man lang niya binalingan ng tingin ang taong nangungumusta sa kaniya.

"Cullen, this is Rale. And Rale, this is Cullen."

"Your boyfriend?" Agad singit ni Rale habang ipinapakilala ko sila sa isa't-isa.

"Whoa! I can feel the tension firing up." Rinig kong bulong ni Sir Hyler sa kaibigan ko.

"No."

"Yes."

Sabay naming sagot ni Cullen na ikinagulat ko. Tinignan ko siya gamit ang nagtatanong kong mga mata pero ang pag-akbay ang isinagot nito sa akin.

"I'm her boyfriend." Siniko ko siya na agad naman niyang ininda. "Ano, magpapakatanga ka na naman, Rain? Niloko ka na niyan, oh. Ano ba?" Galit na bigkas niya sa 'kin.

Nagulat ako nang hawakan ni Rale ang aking kamay at inilayo ako sa mga kaibigan ko. Tumingin ako kay Brea na agad naman niyang nakuha ang gusto kong sabihin.

"'Lika na, Cullen. Leave them alone for now." Rinig kong bigkas ng kaibigan ko kay Cullen.

Dinala ako ni Rale sa kinatatayuan namin kanina. Umorder siya ng drinks at tsaka namin tahimik na pinanood ang mundo sa ibaba habang hindi iniinda ang ingay sa aming paligid.

"I'm sorry." Napatingin ako sa kaniya dahil sa binigkas niya.

Tinignan ko lang siya at tahimik na pinanood habang nakatingin siya sa kawalan. How I love to look at his eyes because they speak his emotions at this moment.

Nagulat ako ng tumingin siya pabalik sa akin at hindi ko na namalayan ang mabilis na pagdampi ng kaniyang mga labi sa akin. Iniwan niya ang aking mga labi na hindi pa rin ako nakakabalik sa nangyari. Napangisi siya habang sobrang lapit pa rin ng kaniyang mga mukha.

Inilayo ko ang kaniyang mukha gamit ang kamay ko sa kaniyang pisngi. Nanlalambot ako sa kaniyang mga tingin samahan pa ng kaniyang mga labi.

Napainom ako sa glass wine na hawak ko at iniwas ang tingin sa kaniya.

"Boyfriend mo ba talaga siya?" Tanong niya. Napatawa ako at nakaisip ng pang-ganti sa panggugulat niya.

"Paano kong oo?" Sagot ko habang pinapanood ang reaksyon niya. Kita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin na agad nagbigay ngiti sa aking mga labi. Napainom siya at pansin ko ang nag-aalab niyang tingin sa kawalan.

"Ayos ka lang?" Natatawa kong sabi.

"No. I will never be okay knowing that there's someone in your life. I'm just controlling myself, Rain." Bigkas niya na naging dahilan upang ako'y tumingkayad at halikan siya sa pisngi.

Nagulat siya sa ginawa ko.

"'Wag mo kong akitin, Ulan. Baka tuluyan ko ng kalimutan lahat at ilayo ka sa komplikadong mundong ginagalawan natin." Hindi ko inaasahan ang mga binigkas niya. There's something in it. Alam ko, may hindi siya sinasabi sa 'kin.

"Hindi mo ko pwedeng ilayo, Rale. Hindi ako pwedeng sumama sa'yo hanggat alam kong may isang babaeng nanjan sa puso mo."

"Let's forget everything, tonight. Come on." Bigkas niya tsaka hawak sa 'king kamay.

Umalis kami sa bar at dumiretso sa isang live performance ng isang sikat na banda. We ended up in the middle of people enjoying the night and getting lost by the music. Hawak-hawak ni Rale ang aking kamay habang pareho kaming tinatangay ng lalim ng gabi at kantang bumabalot sa amin.

I remember the days we spent together

Were not enough

And it used to feel like dreamin'

Except we always woke up

Never thought not having you

Here now would hurt so much

Gusto ko na lang kalimutan lahat at makasama siya. Gusto ko na lang huwag matapos ang gabing ito at hawakan ang kaniyang kamay. Gusto ko na lang manatili dito at tumingin sa kaniyang mga mata.

Nakatayo kami sa gitna ng maraming tao habang magkahawak ang aming mga kamay sa ilalim ng mga bituin at ng buwan.

Tonight I've fallen and I can't get up

I need your loving hands to come and pick me up

And every night I miss you

I can just look up

And know the stars are

Holdin' you, holdin' you, holdin' you tonight

Humarap siya sa 'kin at tsaka niya hinawakan ang aking magkabilang pisngi. Hindi ko na namalayan ang paglapat ng kaniyang labi sa aking noo.

"If only we could escape our reality, hahawakan ko ang kamay mo at sabay nating tatakbuhan ang mundo. I'll hold you and will never let you go."

Every Raindrops Of His Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon