Lies
Sabi nila, kahit kailan hinding-hindi magiging solusyon sa problema ang pagpapakamatay. Problems are meant to be solve not to be run by to.
"Mizzy, anak. Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng pangalan mo?" Tanong ni mommy habang hinahaplos ang aking mahabang buhok upang ako'y makatulog.
"It's rain, mom. 'Cause you love rain too much, am I right?" Sagot ng mura kong pag-iisip sabay ngiti na para bang ang saya-saya ko dahil nakuha ko ang sagot.
"Mizzy Rain, calm yet cold. It means a good thing will come after a bad time. Marami mang bumabagabag jan sa puso mo, darating at darating ang araw na magiging ayos din ang lahat. Hindi mo man ako maintindihan sa ngayon pero nais kong manatili ang mga ito hindi lang sa alaala mo kundi pati na rin jan sa puso mo. Hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi mo ako. Kaya gusto kong matutunan mo kung paano lumaban mag-isa gaya ng ulan. Be brave even if you feel hopeless. Be strong even if you feel alone. Kahit anong lupit ng mundo, hanggat kaya mong labanan lahat ng ibinabato sa 'yong problema, huwag na huwag kang matakot lumaban. At huwag mong hahayaang tangayin ka ng mga ito hanggat sa hindi mo na kilala ang sarili mo. And I want you to remember this, open your heart and find your happiness even if its temporary."
Napabukas ako ng aking mga mata dahil sa alaalang itinatago ko sa aking puso. At natagpuan ko ang aking sariling nasa pinakailalim na parte ng tubig.
What am I doing here?
Agad akong lumangoy upang umahon pero hindi ko inaasahan ang kamay na matatagpuan kong pinipilit akong abutin. I reached for his hand at sabay kaming umahon.
Nagulat ako ng agad niya kong niyakap ng sobrang higpit na para bang anumang oras ay pwede kong ulitin ang ginawa ko. I hugged him tightly at hindi ko na namalayan na sunod-sunod ng nagsisipatakan ang aking mga luha.
"Don't ever give up, please." Hindi ko inaasahan ang mga salitang binigkas niya habang ramdam ko ang paghikbi niya.
Bumitaw siya mula sa pagkakayakap niya sa 'kin at tsaka ako hinarap. At ngayon, huling-huli ko ang mga mata niyang takot na takot. Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at tsaka niya ko binigyan ng isang halik sa aking noo.
And for the second time, he hugged me tightly like I'm going to leave again.
Naghahanap ako ng lakas sa kaniya. Sa mga yakap niya, sa halik niya, at nang magsimula na siyang kumanta na hindi ko inaasahan.
"She would not show that she was afraid. But being and feeling alone was too much to face. Though everyone said that she was so strong. What they didn't know is that she could barely carry on." Napahagulgol ako sa mga lirikong tumatama sa aking puso. Sa sobrang lungkot nito, hindi ko na namalayan na unti-unti na kong nanghihina, na muntik ko ng tigilan ang buhay ko.
"Sometimes it all gets a little too much. But you gotta realize that soon the fog will clear up. And you don't have to be afraid, because we're all the same. And we know that sometimes it all gets a little too much." He's singing. At sa pagkanta niya alam kong ito ang mga salitang gusto niyang sabihin sa akin, kasama ng tinig niyang nagbibigay kapayapaan dito sa isip at puso ko.
"She would always tell herself she could do this. She would use no help it would be just fine. But when it got hard she would lose her focus. So take my hand and we'll be alright."
Kasama ng mga patak ng ulan, ilang beses man akong balutin ng lamig, alam kong nandito siya.
"You'll be alright. Just take my hand, again." Bigkas niya na nagawa kong sang-ayunan.
Sa pangalawang pagkakataon, susundin ko ang puso ko.
Hinatid ako ni Rale sa bahay ni Lola.
"Naku, apo. Anong nangyari? Basang-basa ka. Sa'n ka ba nanggaling? Naku, awa ng diyos at ligtas ka. Sobra-sobra akong nag-aalala." Kitang-kita ko sa mga mata ni Lola ang sobrang pag-aalala kasabay ng mga luha niya. Agad niya kong niyakap at hinagod ang aking buhok gaya ng ginawa ni mommy sa alaala ko. "Sige na, magpahinga ka na. Umakyat ka na sa kwarto mo."
Pagkatapos ng gabing 'yun ay hindi ko na namalayan ang pagtangay sa 'kin ng pagod.
Hindi ko na namalayan na kasama ko pala si Rale kagabi at hindi man lang ako nakapagpaalam bago ako umakyat sa kwarto ko.
Kinabukasan ay bumalik sa 'kin ang malungkot na gabing 'yun. How I ended up killing myself. Hindi ko pwedeng sabihin kay Lola ang nangyari. Siguradong mag-aalala lang siya.
"Apo, halika na. Kumain na tayo. Ikaw ba'y papasok ngayon?" Panimula ni Lola habang pababa ako ng hagdan.
"Opo. Hindi po akong pwedeng lumiban sa klase. Malapit na po ang finals." Sagot ko sabay upo sa tapat na upuan ni Lola.
"Oo nga pala, gagraduate ka na. Pero maayos na ba ang pakiramdam mo?"
"Ayos na po ako. Huwag na ho kayong mag-alala."
Pagkatapos kong kumain ay naghanda na ko para pumasok. Pagkalabas ko ng bahay ay nagulat ako ng matagpuan ko si Rale na nakahilig sa kaniyang kotse habang pinagmamasdan akong papalapit aa kaniya.
"Good morning, maayos na ba ang pakiramdam mo?" Panimula niya ngunit mas pinili kong batiin siya ng isang yakap.
"Wala bang naka-schedule na gagawin mo ngayon?" Tanong ko dahil ang aga-aga niyang nandito ngayon.
"I cleared my schedule today. Masyado mo kong pinag-alala kagabi. And guess what, I didn't even get to sleep at all thinking of you." Bulong niya.
Hinarap ko siya. Tumingkayad ako at tsaka inabot ang pisngi niya upang bigyan siya ng isang halik. Sinundan ng mga mata niya ang ginawa ko.
"Thank you." Bigkas ko.
"Don't ever do it again. Promise me, Rain." Bigkas niya kasabay ng mga mata niyang nagsusumamo.
Minsan sa buhay natin, nakakalimutan natin na may mga taong nagmamahal at nag-aalala sa atin dahil lang masyado tayong nagpapadala sa kalungkutang dulot ng mga pagsubok. We tend to forget the love we have just because we feel miserable.
"I promise." And he sealed my promise with a soft kiss on my lips.
Nakuha ni Lola ang atensyon naming pareho ni Rale ng lumabas siya ng bahay. Galit na galit niya kong inilayo kay Rale.
"Isang maling kahibangan ang ginagawa niyo. Anak ka ni Alejandro Finn! At hindi kayo pwede ng aking apo!" Sigaw niya kay Rale na sobra kong ikinagulat.
"Ano pong ibig niyong sabihin, Lola?" Nagtataka kong tanong.
"Lumayo ka na, habang maaga pa. Huwag niyo ng palalimin ang pagmamahalang namamagitan sa inyong dalawa dahil pinaglalaruan kayo ng tadhana. Masasaktan lang kayo pareho. Kinausap na kita kagabi. Kung mahal mo ang apo ko, lalayo ka." Bigkas ni Lola kay Rale na mas lalo pang nagpagulo sa aking isipan.
"Ano po bang pinagsasabi niyo, Lola? Rale? Ano bang sinasabi ni Lola?" Naguguluhan kong tanong sa kanila pareho.
"Kakausapin ko lang po siya. Parang awa niyo na, kahit ngayon lang po, kahit sa huling pagkakataon. Kailangan ko lang po magpaalam." Pakiusap ni Rale kay Lola. And from what I heard from him, pumiglas ako sa pagkakahawak ni Lola at tsaka lumapit kay Rale.
"What are you talking about? Anong pagpapaalam? Can you please explain it to me?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya habang sunod-sunod na tumutulo ang aking mga luha.
"Hush. I want you to be strong, Rain." Pagpapatahan niya sa 'kin at tsaka niya hinawakan ang aking kamay.
Bakit ganito ang ipinaparating ng kaniyang mga mata? Natatakot ako sa sobrang lungkot ng mga ito.
"We can't be together. Sisirain ko lang ang buhay mo. I can't hold your hand but I assure you, everything will be alright. Remember your promise, Rain." At habang binibigkas niya ang mga salitang ito ay mas lalo lang bumigat ang aking pakiramdam dahil sa mga luha niyang tumutulo mula sa kaniyang mga mata.
"No, Rale. Sabihin mo sa 'kin mali lahat ng naririnig ko. Sabihin mo sa 'kin nagsisinungaling ka lang." Pagmamakaawa ko habang umiiyak.
"Hindi kayo pwede, Rain. Magpapakasal na kaming dalawa for the sake of our careers." Mas lalo nadagdagan ang sakit ng lumabas sa kotse ni Rale si Canna.
Gulat na gulat akong napatingin kay Rale at hinihintay ang sasabihin niya.
"We're getting married, Rain. I'm sorry." Pagkumpirma niya na agad kong ikinahina.
Agad akong bumitaw mula sa pagkakahawak niya tsaka siya sinampal.
"You shouldn't have saved me."
Song: A Little Too Much by Shawn Mendes

BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...