Rain
Laman ng balita ngayon ang pagkamatay ni Rale. Kahit saan, 'yon ang pinag-uusapan. Kahit saan man ako dumaan, ang balitang 'yon ang aking naririnig.
At parang walang epekto sa 'kin lahat. Kasi hindi ko hinayaang makuha niya ang puso ko. I'd stayed just a fan. Dahil alam kong darating ang araw na 'to. At ayaw kong magkaroon siya ng epekto sa 'kin. Kasi alam kong masasaktan lang ako.
Lumipas ang ilang linggo at ang buhay ng mga natirang miyembro ng the Square ay patuloy pa rin sa mundo ng pagpeperform. While I am here in my lonely world, continuing my life still fangirling to them, silently.
Pagkatapos ng lahat ng klase ay dumiretso ako sa fast food chain na pinagtatrabahuhan ko.
Nagbibihis ako ng uniform ko nang may inabot na bouquet ng flower ang isa sa mga katrabaho ko.
"May nagpapabigay sa 'yo. And I bet it's your long time suitor."
"Thank you." Sagot ko.
Hindi ko na tinignan ang pangalan dahil alam ko na kung sino. Inilapag ko na lang ito katabi ng bag ko at tsaka tumayo na sa counter.
"Good afternoon, may I take your order, Sir?" Ngiting tanong ko sa customer habang hindi pa siya tinitignan dahil inaayos ko pa ang aking apron.
Pero agad akong napaangat ng tingin dahil sa pamilyar na boses.
"I want 30 minutes of your time, please."
Hindi nga ako nagkamali. Alam ko na agad ang kasunod ng bulaklak na ipinadala niya.
"I'm sorry, Nyle. I'm on my work." Pagtanggi ko sa kanya sabay senyas ng 'excuse me'.
Pero hindi man lang niya pinakinggan ang sinenyas ko at nagawa pa niyang pumangalumbaba sa harap ko.
"Nyle, pwede ba?! Ang daming customer. Pagagalitan ako nito e." Naiinis kong sabi.
Tangina! Baka mawalan pa ko ng trabaho.
"Wala kayang nakapila sa likod ko." Sabi niya sabay tingin sa likuran.
Wala nga. Mukhang alam ko na naman kung anong ginawa ng lalaking 'to.
"Thank you for buying my time for work. Sobrang laking tulong. Marami pa akong requirements na gagawin e." Bigkas ko sabay talikod na sa kanya at kuha sa bag ko. Agad akong nagpalit ng damit at lumabas.
Pero alam kong hindi niya ko hahayaan dahil nagawa niya kong harangan sa exit door. Nakataas ang isa niyang paa upang pigilan akong umalis habang ang dalawa niyang braso ay nakahalukipkip.
"Sa tingin mo hahayaan kitang umalis ng ganoon ganoon lang? I need you right now. Gusto ko lang magkwento sa 'yo." He said while sadness is visible in his face.
Ano na naman kayang problema ng lalaking 'to?
"Oo na. Ang galing mong umarte e. Mukha kang asong walang mahanap na buto." Sagot ko.
Si Nyle ay mag-iisang taon ko ng manliligaw. Pero para sa kanya lang. Para sa 'kin, isa lang siyang lalaking ilang beses nang napadpad sa tahimik kong mundo. Para lang siyang bisita. Isang guwapo at mayamang bisita.
Anak siya ng Mayor ng syudad namin. At ipinagtataka ko talaga kung bakit ako ang nililigawan niya sa dami ng mayayamang babae na kapareho niya ng estado. In short, he can't earn my trust.
BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...