Thirty-Third Memory

8 1 0
                                    

Lola

"Ano bang problema mo, Canna?" Galit na bigkas ni Tyrus.

"Nababagay 'yan sa kaniya. A flirty woman needs to be drown in the water para matauhan. Ikinakalat mo na naman ang kalandian mo sa buhay ng The Square. You're not even that attractive." Sunod-sunod niyang patama sa 'kin na para bang ang laki-laki ng kasalanang nagawa ko sa kaniya.

Napasinghap ako. Hindi dahil natamaan ako sa sinabi niya kundi naiinis ako dahil sa tingin ng mga tao pagkatapos nilang marinig ang mga sinabi niya.

"Rain!" Nakuha lahat ng atensyon ni Rale pagkatapos siyang sumigaw. Lumapit siya at aamba na sana siyang tutulungan akong umahon ng hawakan siya ni Canna sa braso. May ibinulong ito na hindi ko narinig kaya hindi niya naituloy ang pagtulong sa 'kin.

Kitang kita ko ang pagpipigil niya na mas lalo ko lang ikinainis.

"Mizzy!" Nagulat ako sa tumawag sa 'kin sa una kong pangalan at natagpuan ko na lang si Tyrus na nakalahad ang kamay para abutin ko. Napatingin ako kay Rale at pansin ko ang kamao niyang nakakuyom.

Mas lalo pa kong nainis ng mas lalong hinigpitan ni Canna ang hawak niya sa braso ni Rale. Ngayon, sino mas malandi sa 'min?

Inabot ko ang kamay ni Tyrus at tsaka sila tinalikuran lahat. May kailangan akong gawin at lahat sila ay walang tulong. Nagiging sagabal lang sila.

"Mizzy!" Pagtawag ni Tyrus pero hindi ko siya pinansin. Naiinis ako! Naiinis ako sa lahat. Naiinis ako kay Rale, kay Canna, sa lahat ng mga taong ang galing humusga gamit ang kanilang mga mata.

"Ba't mo ba ko sinusundan?" Naiinis kong tanong sa kaniya habang hinahanap si Lola sa labas. "At tsaka, 'wag mo nga ko matawag-tawag na Mizzy. Magsama-sama kayo!"

Pero imbes na sundin ang sinabi ko ay nagawa niya pang hawakan ang kamay ko upang pigilan ako. He's topless in front of me that my anger boils much higher.

"Sa'n ka ba pupunta? Pwede bang magpalit ka muna. Kitang-kita na kaluluwa mo!" Galit niyang bigkas na halatang umiiwas ng tingin sa 'kin.

Napatingin ako sa suot ko at naging see through nga.

"Ba't ngayon mo lang sinabi? Dumaan pa ko sa maraming bisita d'un." Inis kong bigkas sa kaniya habang umiiwas pa rin siya ng tingin.

Hindi makapaniwalang tumingin siya sa 'kin dahil sa binigkas ko. "Aba't! Ikaw kaya 'yung takbo ng takbo."

"Pwede ba bitawan mo na ko! Ikaw nga hubad may sinabi ba ko?" Pilit akong kumakalas sa pagkakahawak niya pero mas lalo niya lang itong hinihigpitan. Nagulat na lang ako ng bigla niya kong buhatin at nasa likod niya ang ulo ko.

"Ano ba?! Tangina, Tyrus! May kailangan akong puntahan!" Pagsisigaw ko habang nagpupumilit na ibaba niya. Hanggang sa nakuha ulit namin ang atensyon ng mga tao.

Bakit ba problema ang mga The Square na ito sa buhay ko?

"Huwag kang malikot. Baka kapag nahulog ka, eh sumabog pa 'yang Luther na 'yan." Bigkas niya at tsaka ko nahagip ng tingin si Rale habang kasama pa rin si Canna.

"Eh bakit naman sasabog 'yan? Pasabugin ko pa mukha nila ni Canna." Galit kong sabi at tsaka tuluyan ng sumuko. Wala na kong magagawa. Nakarating na kami ulit sa bahay na 'to.

"Ang tapang tapang mo. Kaya 'di ka magawang bitawan ni Luther eh." Mas lalo pa kong nainis dahil sa mga binigkas ng walang'yang Tyrus na 'to.

"Bumitaw na nga eh. You think maniniwala pa rin ako? Tsaka alam ko na ang dahilan bakit siya bumitaw." Bigkas ko habang dahan-dahan niya kong ibinababa sa loob ng bahay ng mga Finn.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Makinig ka sa 'kin. Hindi marunong bumitaw ang isang Rale Luther Finn. He has his reasons. And that is to protect you." Kita ko sa mga mata niya kung gaano katotoo ang mga sinasabi niya.

"Hindi kami pwede, Tyrus. Everytime na nakikita ko ang daddy niya ay naaalala ko lahat ng paghihirap ko habang hindi ko nakakasama ang mga magulang ko. Kung gaano ako kalungkot habang nag-iisa at nangungulila. Para kaming pinaglalaruan ng tadhana. And I can't play with the fate, anymore. Gusto ko na lang umiwas." Hindi ko na naiwasan ang pagtulo ng aking luha habang binibigkas ko lahat ng ito sa kaniya.

At tuluyan na kong nagpatianod sa damdaming pinapakita niya nang yakapin niya ko. "Pero hindi mo rin kayang takasan ang nararamdaman mo. Mahirap takbuhan ang laman ng puso mo. Kahit gaano kahirap, you always have the power to decide what will make you happy. Always choose your happiness, Rain because you deserve it." Pagpapagaan niya sa loob ko.

Napatingin ako sa labas ng bintana at nahagip ng paningin ko si Rale na nakatingin sa 'min. Ramdam ko sa mga mata niya ang sakit. The way his eyes gave me the pain he's holding inside was such a torture for me. Bakit ba siya ganyan? Bakit parang kasalanan ko? Bakit nagi-guilty ako?

Diretso ang tingin ko sa mga mata niya hanggang sa lumapit sa kaniya si Canna at tsaka siya tinawag. And for the last time, tumingin siya sa 'kin at tsaka tumalikod.

Bumitaw ako sa yakap ni Tyrus. "Akala ko ba magpapalit ako?" Tanong ko.

"Wait! Kukuha ako. Just stay here."

Habang inaantay siya ay inilibot ko ang aking paningin para hanapin sila Daddy.

"Nyle!" Sigaw ko ng makita ko siya sa gitna sayawan kasama ang mga kaibigan niya.

Lumapit siya sa 'kin at nagulat ako nang bigla siyang tumalikod.

"Ano ba, Ulan! Ba't ganiyan suot mo?" Pagtaas ng boses niya.

Bigla niyang hinarangan ang mga kaibigan niyang lalapit sana sa 'min.

"Nyle! Nasaan si Daddy? Umalis si Lola at hindi ko siya nasundan." Pero imbes na pakinggan ako ay busy siyang iniiba ang atensyon ng kaniyang mga kaibigan.

"Sinundan ni Daddy si Lola mo. Kaya pwede ba ayusin mo muna 'yang sarili mo." Bigkas niya habang nakatalikod pa rin sa 'kin at isa-isang pinapaalis ang mga kaibigan niya.

"Mizzy!" Nakuha ni Tyrus ang atensyon ko ng tawagin niya ako. Agad niyang inabot sa 'kin ang isang tuwalya at damit.

"Thank you." Bigkas ko.

Narinig namin ang pagtunog ng phone ni Nyle.

"Hello, Dad." Bigkas niya. Pero hindi niya marinig dahil sa ingay ng music kaya lumabas ito ng bahay.

"Tanong mo si Lola, Nyle." Pahabol ko bago ako pumunta ng banyo.

Pagkatapos kong magpalit ay naabutan ko si Nyle at Tyrus na balisang-balisa habang inaantay ako sa labas ng banyo.

"Rain," Bigkas ni Nyle habang inaayos ko ang buhok kong basa.

"Bakit? Nahanap na ba ni Daddy si Lola?" Tanong ko.

Pero huli na ng makita ko ang luhang lumandas sa kaniyang mata.

"Nabangga ang Lola mo."

Every Raindrops Of His Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon