Thirty-Seventh Memory

10 1 0
                                    

Canna

Ngayon ko lang napagtanto. May mga iba't ibang tao ang nabubuhay sa paraan na ginusto nilang mabuhay. Ganoon pala kahalaga ang magkaroon ng mga taong gagabay sa 'yo upang mabuhay ka sa isang desisyong hindi mo pagsisisihan. Kaya pala mayroon tayong mga pamilya, mga magulang na magtuturo sa 'tin ng tamang landas na tatahakin.

Dahan-dahan kong ibinaba ang puting rosas sa kabaong ni Cullen. Isa siya sa mga taong pinagkaitan ng magulang kaya nauwi sa paghihiganti ang kaniyang buhay. Sobra akong naaawa sa kaniya kasi hindi man lang niya naranasan ang pagmamahal ng isang magulang. Kaya ang kaniyang buhay ay naging isang maling desisyon dahil sa puso niyang puno ng galit.

Napakaswerte ko pa pala kasi nagawa ko pang makilala ang tatay ko bago masayang ang buhay ko. I have met a lot of people that have given the greatest contribution in my every choice.

"You shouldn't have waste your life planning for revenge. I hoped I was there when you need someone in your lonely world. Sana noong nag-iisa ako at nag-iisa ka ay pinagtagpo na lang tayo para naging sandalan natin ang isa't-isa sa pagharap ng mundo." Hindi ko na namalayan ang unti-unting pagbagsak ng ulan na nagdulot ng pagsitakbuhan ng mga tao sa loob ng open tent.

"Rain! Anak!" Pagtawag sa 'kin ni Daddy. Pero hindi ko siya nagawang pansinin at tuluyang nagpaalam kay Cullen kasabay ng pagpatak ng aking mga luha.

Tumalikod pero nagulat ako ng madatnan ko si Tito Alejandro na nakatingin sa hukay ni Cullen habang nababasa ng ulan.

"Kung pwede ko lang ibalik ang nangyari, hindi ko sana nasira ang buhay niyong dalawa. Alam ko kung gaano kahirap mawalan ng magulang at ramdam ko ang paghihirap niyong dalawa. Patawarin mo ko. Patawarin niyo ko." And from his words, gumaan ang dinadala ng aking puso. Niyakap ko siya kahit na pareho kaming basa ng ulan.

"Alam ko po. Everything happens for a reason. Siguro po, kinailangan lang po naming maunawaan lahat. At ibukas ang puso sa pagpapatawad." Bigkas ko.

Pagkatapos ng araw na 'yun ay napagpasyahan kong magpahinga. I am physically and emotionally tired. Parang ang buhay ko ay isang malaking teleserye na punong-puno ng ganap. Gusto ko lang muna magpahinga mula sa lahat.

Nagising ako sa isang madilim na silid. Umuulan habang hawak-hawak ko ang kamay ni Rale.

"Nakakapagod kang mahalin, Rain. Punong-puno ng sakit ang aking puso tuwing naaalala kita. Gusto ko na lang lumayo at kalimutan ka. Ang hirap mo mahalin eh. Siguro, tama ka nga. Hindi tayo itinadhana para sa isa't isa.  I guess this is where it gonna end. Hanggang dito na lang tayo. Paalam, Rain." Bigkas ni Rale habang dahan-dahang binibitawan ang aking kamay.

"No, Rale! No! Don't leave me, please! Rale!" Nagising ako na habol-habol ang hininga dahil sa aking panaginip. Napahawak ako sa aking dibdib na baba at taas habang mabilis ang pangangalap nito ng hininga.

Tumingin ako sa salamin sa aking kwarto at tinignan ang aking sarili. Tiredness is very visible in my eyes.

"Am I ready to love?" Tanong ko sa sarili ko. At tila ba nangangalap ako ng kasagutan sa aking pusong puno ng paghihinagpis. And my heart seems lost. Lost in the middle of sorrows and pains.

"Kailan ba dapat magmahal ang isang puso? Kapag masaya? Kapag malungkot? Kapag buo? Kapag wasak? Kapag naguguluhan? Kapag kampante? O kahit kailan?" I can't seem to find an answer.

Tumayo ako at nagsimulang ayusin ang aking sarili. I should find an answer. At hindi ko mahahanap ang sagot na kinakailangan ko kapag nagkulong ako sa sobrang lungkot.

"Oh, hija. Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Panimula na Daddy habang naghahanda siya ng agahan namin kasama ang mga kasambahay.

"Magiging maayos din po ako." I smiled at tsaka lumapit sa 'kin si Daddy upang yakapin ako.

"Magiging maayos rin lahat." Bigkas niya na nagpagaan ng aking kalooban.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta ako kay Brea dahil sabi niya ay makipagkita raw ako sa kaniya.

Pagkarating ko sa kanilang restaurant ay agad niya kong niyakap ng mahigpit. Hinarap ko siya at nahuli ko ang kaniyang mga luha. Agad ko itong pinunasan gamit ang aking daliri.

"Ang galing galing naman ng kaibigan ko. Alam mo, kung gusto mong umiyak at sabihin sa 'kin lahat, nandito lang ako para makinig. Habang-buhay akong magiging kaibigan mo. And I'm so proud to have a bestfriend like you." Pagpapagaan niya ng loob ko.

See? Maraming mga tao ang magpapalakas at magpapalakas ng loob mo kahit sobrang pagod ka na. And in every battle you will face, they will serve as your weapon.

"Bakit mo pala ako pinapunta dito?" Tanong ko sa kaniya pagkatapos ng yakapan namin.

Biglang nagbago ang nakangiti niyang mukha. "May gusto daw kumausap sa 'yo." Bigkas niya tsaka ako hinatid sa isang table na may naghihintay na isang babae. Nang makita ko siya ay agad ding nagbago ang nakangiti kong mukha.

"Anong kailangan mo sa 'kin? Bakit ka nandito?" Panimula ko. Agad siyang tumayo ng makita niya ko at lumapit siya sa 'kin.

"Pwede ba kitang kausapin?" Pagmamakaawa niya. Napilitan akong maupo sa kaniyang tapat habang ang mukha nito'y puno ng pagmamakaawa.

"Kung hindi mahalaga ang sasabihin mo ay huwag mo na ituloy, Canna." Babala ko sa kaniya pero kita ko sa kaniyang mga mata na gustong-gusto niya kong makausap.

"Rain, nandito ako para sabihin sa 'yo lahat. Hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa. Hindi kami kinasal ni Rale. Nagawa niyang layuan ka dahil gusto ka niyang iligtas mula sa mga taong gustong manakit sa kaniya at lumabas na si Cullen pala 'yun. Isa pang dahilan ay nang malaman niya mismo sa Lola mo na ang Daddy niya ang nakabangga sa mga magulang mo. Nagawa ka niyang iwan at plano lang naming palabasin sa 'yo na magpapakasal kami para mas madali para sa 'yong iwan siya. Ikaw lang ang mahal niya at tanggap ko na ngayon 'yun. Patawarin mo ko sa lahat." Pagpapaliwanag niya habang hawak-hawak niya ang palad ko. Hindi ko inaasahan ang pagpatak ng kaniyang luha.

"Eh bakit mo 'to sinasabi sa 'kin ngayon?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim at tsaka ako sinagot. "Gusto kong hindi masayang ang pagmamahalan niyo sa isa't isa dahil lang sa mga nangyayari sa buhay niyo. Alam kong mahal na mahal niyo ang isa't isa. Kaya patawarin mo ko kung nagawa kong sirain 'yun. Everytime, I look at his eyes, they scream of your name, they scream of how he loves you so much. Mahal ko si Rale pero sobrang sakit tuwing nakikita ko ang kaniyang mga mata. Hindi pa huli ang lahat. Rain, aalis na si Rale. Papunta siya ngayong South Korea para doon ituloy ang career niya. I wish you could fix everything. I need you to fix everything. Please, Rain." Pagmamakaawa niya sa 'kin.

"Nasaan siya ngayon?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.

Kailangan ko na 'tong harapin.

Agad akong pumuntang airport. My heart is beating faster. Natatakot ako. Natatakot ako na baka huli na ko. Na baka hindi ko na siya maabutan.

Agad akong bumaba at tumakbo patungo sa loob. Pero hindi ako pinapapasok. Iniikot ko ang aking mga mata para hanapin siya pero walang Rale akong mahanap. Kahit saan ako tumingin, wala. Sobra na kong nagpapanic. Hindi ako makapasok sa loob.

Tangina! Anong gagawin ko?

Wala akong maisip na pwedeng gawin. Hindi gumagana ang utak sa sobrang takot, sa sobrang kaba.

"Ma'am, nakaalis na po ang papuntang South Korea." Bigkas ni Manong Guard nang tinanong ko siya.

Napaupo na lang ako at sunod-sunod na nagsipatakan ang aking mga luha. Nahuli ako. Hindi ako nakaabot. Hindi ko siya naabutan. Tuluyan na kong nanghina at nawalan ng pag-asa.  Wala na kong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak.

"Miss, ako ba hinahanap mo?"

Inangat ko ang aking paningin at mas lalong napaiyak.

"Rale."

Every Raindrops Of His Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon