Amnesia
"Rale..."
Ilang minuto kaming nagtitigan sa gitna nang pagbuhos ng ulan na para bang kilalang-kilala namin ang isa't-isa. I can't seem to say anything because his eyes are making me damn speechless. And this scene is so familiar to me. Dejavu it is.
Buhay siya. Buhay ang lalaking hinahangaan ko.
"Kilala mo 'ko?" Pagputol niya sa katahimikan naming dalawa.
Pero...
What's with the confusing face?
"Rale? Is that my real name?" Dagdag pa niyang tanong.
Hindi ko magawang sumagot. Hindi ko alam kung dapat ba kong sumagot. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit parang hindi niya kilala ang sarili niya at ang pagpapaulan ang makakatulong sa kaniyang hanapin ang kaniyang pagkatao?
Marami akong tanong at mas lalo pang nadagdagan ang mga ito dahil sa kaniyang sunod-sunod na tanong. Pero isa lang ang sigurado ako, he is Rale, my idol.
"Who are you?" Ang tanong na nagpabago ng mga iniisip ko. "Why does you bring this kind of feeling to me? I just found you in the middle of the rain yet you keep invading my mind. At alam kong kilala mo ko. Sino ka ba talaga?"
At hindi ko pa rin nagawang sumagot. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa dami ng katanungang mayroon ako at dahil sa hindi ko maintindihan ang pagtatagpong ito. How would you react if you saw someone that is already dead? And worse, hindi siya multo o kaluluwa. He's breathing for pete's sake.
"Damn it! I can't seem to find an answer about my damn personality. And this rain is no help." Pagmamaktol niya. "I know what you're thinking and you're right. I have an amnesia. And I am out of here in the middle of the rain thinking that it would help me return my memories... Now, I just want to ask one question. What is my real name?" Nakikita ko kung paano niya kagustong bumalik ang kaniyang memorya. Pero ang tanga kong pag-iisip ay hindi pa rin makapaniwala sa nakikita at parang nakakita ng multo, pinakagwapong multo.
"Rale..." Tanging naisagot ko.
"And what's yours?" Nabigla ako sa tanong niya.
"R-rain."
Hindi ko alam pero masyado akong naiintimida sa paraan nang pagtitig niya. But why do I still love his eyes?
"Boyfriend mo ba si Nyle?" Ikinagulat ko rin ang pangalawang tanong niya. At ang pagtingin niya sa aking kabuuan.
"No." Hindi ko alam kung paano ako nakasagot ng ganoon kabilis sa tanong niyang 'yon.
"Good then. Now, let's go back inside. Your bra is showing." Napatakip ako sa dibdib ko dahil sa sinabi niya at napansin ang pag-init ng mga pisngi ko. Hays! Nakakahiya!
Sumunod ako sa kaniya nang pumasok na siya sa loob at napansin kong parehong nasa second floor ang kwarto naming dalawa. Shit! Katabi lang. Nasa gitna ng mga kwarto nilang dalawa ni Nyle ang kwarto ko.
"Wait." Papasok na sana ako sa loob ng kwarto ko nang magsalita siya."I won't force you to tell me about my life. But be ready. 'Cause I want to know yours." At tsaka siya pumasok sa kaniyang kwarto.
Shit! Why does my heart beats this fast? This is wrong. So wrong!
Agad na 'kong pumasok sa loob at nagbihis.

BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...