Killing me
I hurriedly wear my uniform as the time of our class is approaching. Papasok na ulit ako ngayon. Lumabas ako at natagpuan ko ang dalawang lalaking kasama ko sa mansyong ito na parehong nakahilig sa kanilang kanya-kanyang kotse. I lend a glimpse of my sight towards the unusual man wearing an unusual uniform. Hindi ko alam pero siya ang pinili ng mga mata kong tignan.
Nakapamulsa ito habang seryoso ang tingin sa baba. Sinong hinihintay nito?
Napaangat siya ng tingin na agad kong ikinabawi ng aking titig sa kaniya. Tumingin ako kay Nyle upang iwasan ang titig niya. "Tara. Sabay ka na sa 'kin." Pag-aya ni Nyle.
Humakbang ako palapit sa kaniya at aamba nang papasok sa loob ng kotse niya nang biglang magsalita si Rale. "Nyle, flat ata gulong mo."
Agad kaming napatinging pareho sa gulong ng kaniyang kotse at tama nga ang sabi nito.
"Sa 'kin na siya sasabay. And also, she's going to be my tour guide on familiarizing the areas of the university. A command from your father." Walang nagawa si Nyle kung hindi pagbigyan ang sinabi ni Rale pero...
Tangina! Makakasabay ko siya?
Heto nga at pilit ko siyang iniiwasan tapos ililibot ko pa siya sa buong unibersidad? Anong klaseng kamalasan mayroon naman ako ngayong araw?
Nakasimangot akong pumasok sa loob ng kaniyang kotse at padabog na isinara ang pinto. Kainis! Lagi na lang niyang ginagamit si Mayor.
I skipped breathing when I felt his presence just an inch away from my face. Napaharap ako pero hindi ko inaasahang gano'n kalapit ang mukha niya sa 'kin. Muntik ko pa siyang mahalikan. Shit! Ano bang ginagawa niya?
"Ayos na." He said making me feel his breath. Ibinalik ko ang aking paghinga nang inilayo niya ang kaniyang mukha mula sa 'kin. Napansin ko na maayos na nakasuot ang seatbelt ko. Bakit ba kasi nakalimutan ko pang isuot 'to?
Pinili kong humarap muli sa labas ng bintana habang nagmamaneho siya papuntang unibersidad. Gusto ko siyang iwasan. Gustong kong lumayo sa kanya. Pero paano ko gagawin 'yon kung siya na mismo ang lumalapit?
I don't want to get close to him nor to other people. But I am afraid that this stone heart of mine will suddenly turn back to its real function. Natatakot akong makadama itong muli at muling maiwan.
Bumaba ako pagkatapos niyang ipark ang kaniyang kotse. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan ko pa siyang ilibot sa buong university? Kung bakit ako pa? Pwede namang si Nyle, 'di ba? Magkaklase naman sila.
"Shit! Si Rale! Nandito na siya." Bulong ng isang babae sa kasama niya nang mapadaan sila sa harap namin.
"Ang gwapo niya!"
"May dahilan na ko para pumasok."
And this is the reason why I don't want to be with him today. Siguradong sa kaniya na naman ang lahat ng atensyon. At ang tahimik kong buhay ay madadamay na lang. Hays!
Pero ang malas kong araw ay mas lalo pang nadagdagan nang makasalubong namin ang pinsan kong puno naman ng kemikal ang mukha. Nagsama pa ng dalawang clown. Tss!
"Hi, pinsan. Mind introducing me to the man you're with?" Sabi niya gamit ang maarte niyang boses. Pero ang umiinit kong ulo ay tingin lang ang isinagot sa kaniya.
Dumaan ako sa gitna nila at hindi siya pinansin. Pansin ko naman ang pagsunod ng lalaking dahilan kung bakit ako kinausap ng pinsan ko ngayon.
Pero napatigil ako at mas lalo pang nag-init ang ulo dahil sa narinig kong bigkas niya. "Yabang! Ulila naman."
Sa mga araw na ganito kainit ang ulo ko, magagawa ko talagang patulan kahit na sino. Haharap na sana ako nang biglang nagsalita si Rale...
"She may be an orphan but she looks better than you. And take note, wala pang make-up 'yan." Bigkas niya na ikinabigla ko.
Hindi ko na nasundan ang sunod na nangyari dahil natatakpan ni Rale ang tingin ko dahil sa matikas nitong katawan. Natagpuan ko na lang siyang nakaharap sa akin at seryoso akong tinitignan.
"Ano?" Matapang kong sabi.
"Your welcome." Nakangiti nitong bigkas na mas lalong nagpabilis ng tibok ng aking puso. This is what I'm afraid of. Na bawat galaw niya ay napapabilis nito ang tibok ng puso ko.
Tumalikod ako mula sa kaniya at naglakad na. Ayokong mahuli muli ng kaniyang mga mata. Ayokong makasulyap muli sa pinakamagandang parte ng kaniyang mukha. I don't want to be fond of his eyes. But I can't help it.
"This will be your room." Maikling bigkas ko nang makarating kami sa building nila. "Alis na ko." Paalam ko sabay talikod na sa kaniya.
Pero agad akong napatigil nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Shit! Heto na naman siya.
Napaharap ako sa kaniya gamit ang nagtatanong kong mga mata. "Ano na naman?"
"Where's your room?"
"Hindi mo na kailangang malaman." Mataray kong sagot.
"But I want to know. And can you please stop looking at me like you hated me so much? 'Cause I find you attractive and I don't know why."
And again, parang may karera na namang nangyayari sa loob ng aking puso. Bakit bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig ay nagdudulot ng kakaibang sensasyon sa aking kaloob-looban? Unti-unti nitong natutupok ang batong nakapaligid sa aking puso?
"Ugh! I hate your mouth." Tuluyan akong naglakad papalayo sa kaniya upang pakalmahin ang aking loob.
Tangina! Ano bang nangyayari sa akin?
Pumasok ako sa aking klase pero kahit anong gawin kong pag-iintindi sa mga lessons ay hindi ko magawa. He keeps on invading my mind that my focus on learning is useless. Shocks! This is really bad.
Natapos ang lahat ng klase ko na wala man lang natutunan kahit isa. Mahihirapan na naman akong magreview nito.
Lumabas ako pero ang hindi ko inaasahan ay ang lalaking seryosong nakapamulsa sa railings na nasa harap ng room namin.
"Grabe! Ang gwapo niya talaga. Pero sino kayang hinihintay niya?"
"Dati sa tv ko lang siya nakikita, ngayon nasa harap ko na."
"Whaaaaa! Sobrang gwapo niya talaga."
Red cheeks are now visible to my classmates' faces. Kita ko kung gaano sila kinikilig dahil sa lalaking hindi nila inaakalang makakasama nila sa iisang syudad, ang lalaking iniidolo lang nila dati.
Nilagpasan ko siya dahil ayokong makita ng mga taong magkakilala kami. Dahil siguradong masisira ang tahimik kong buhay. Pero...
Nagawa niya kong habulin at agad hinablot ang aking braso.
"Ilang beses mo man akong iwasan, lalapit at lalapit pa rin ako sa'yo. The night I've seen you, these eyes are always searching for you, only you. And damn it! I want to know you, I want to get involve in your life, I want to invade your private life." He said.
Wala akong naisagot kung hindi ang pagtingin sa pinakamagandang parte ng kaniyang mukha. And I can say that it's my favorite part of him.
"'Cause my damn curiousity is killing me." He added.

BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...