Task
I started walking away from the house that made me feel like I am not alone for a short time. Kahit sa sandaling panahon, naranasan kong muli ang magkaroon ng mga taong totoong may malasakit. But as what I've said, there's nothing permanent in this world, and so those men.
Hila-hila ko ang aking maleta habang hawak ko ang payong na nagiging dahilan upang hindi ako mabasa ng ulan. I was about to step outside the main gate of the mansion when someone called my name.
"Mizzy..."
My heart started beating fast. The way he called my first name brings so much impact in my insides that making me change my decision.
Siya ang pangalawang taong tumawag sa 'king unang pangalan. At hindi ko alam kung paanong pagbigkas pa lang niya ay nakakapanghina na.
Pero kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Hahakbang na sana ako ng bigla ulit siya nagsalita...
"Mizzy, a name that suited well under the rain."
Bakit alam niya kung anong ibig sabihin ng pangalan ko?
"A name that suits you well." Dagdag pa niya.
Hindi ko alam pero bakit hindi ko magawang ihakbang papalabas ang aking mga paa. Bakit gusto kong marinig ang mga salitang bibigkasin niya?
"Calm and cold."
And there he said my name's full meaning. Pero bakit may kirot ng marinig ko mismo sa kaniya ang ibig sabihin ng aking pangalan?
"Ang babaeng kalmado pero may lamig na dulot. But why can't I forget you even if you're cold? Even if you keeps on pushing me away? Bakit sa lahat ng alaala ko ikaw pa ang bago? Ikaw pa ang sariwa? Ba't hindi ka na lang isinama sa mga alaala kong nawala? Bakit kung kailan nagka-amnesia ako, tsaka pa kita nakilala?Why can't you be my faded memory?"
Parang mga patalim ang kaniyang mga salita na sunod-sunod na nagbibigay kirot dito sa aking puso. At kailangan ko ng aminin sa sarili ko. Nagiba na ang pader na nakapalibot dito. He broke the wall. He broke my stoned-heart.
Humarap ako sa kaniya at natagpuan ko si Rale na basang-basa dahil sa ulan. And then I found my tears slowly falling from my eyes.
Humakbang ako papalapit sa kaniya at tsaka ako tumingkayad upang abutin ang kaniyang labi.
"Let me be in your faded memories. Forget me, Rale." Bigkas ko pagkabitaw ko sa kaniyang labi at tsaka siya tinalikuran ng tuluyan.
This is where it should end. This is when it should end. This is how it should end.
Dumaan ako panandalian sa fast food chain na pinagtatrabahuhan ko at baka sakaling nasa loob pa si Manager. Kailangan ko ng lugar na matutuluyan pansamantala ngayong gabi at ito lang ang lugar na alam kong pwedeng makatulong sa 'kin.
Natagpuan ko ang kotse ni Sir na nakaparada sa may harap ng fast food chain at sobra akong nagpapasalamat at nandito pa siya ngayon. Buti na lang.
Agad ko siyang tinawagan at pinagbuksan naman niya ko.
"Oh, bakit dala-dala mo lahat ng gamit mo? Lumayas ka ba sa bahay niyo?" Tanong niya pero wala akong balak ikwento sa kaniya ang mga nangyari. He doesn't need to know.
"Pasensya na po kayo Sir pero pwede po ba akong magpalipas ng gabi dito? Kailangan ko lang po ng matutuluyan ngayong gabi. Naghahanap po kasi ako ng mapagrerentahan." Pakiusap ko.
"Sige, para naman may titingin dito sa chain wala kasi yung guard na magbabantay sana dito. Kailangan ko na rin kasing umuwi." Sagot ni Manager.
"Thank you po, Sir."
Pagkatapos ng ilang minuto ay umalis na rin si Manager tsaka ako nagsimulang magpalit ng damit. Humiga ako sa isang sofa sa loob ng staffs' room ng makatanggap ako ng text galing kay Nyle.
Nyle:
Where are you? Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. God! Rain, pinag-aalala mo ko.
Pinatay ko na lang ang aking phone dahil ayoko munang maalala ang dalawang lalaking 'yun. This should be the right decision. I should get away from them.
Ipinikit ko ang aking mga mata tsaka ako tuluyang hinila ng antok.
--------
Kinabukasan ay agad akong naghanda upang maghanap na ng mapagrerentahan. Kailangan kong makahanap ngayong araw dahil may pasok na bukas.
Umabot ako ng dalawang oras upang makahanap. It's a ladies' boarding house. At inaasahan ko nang may roommate ako.
"Hi, ako nga pala si Brea. Buti naman at may makakasama na ko ngayon. By the way, what's your name?" Nakangiti niyang bati sa 'kin. Ugh! Why so friendly?
Nginitian ko siya pabalik pero pilit. It's so obvious that I'm not a friendly person.
"Rain." I simply replied. Tinalikuran ko siya at tsaka nagsimulang ayusin ang aking mga gamit.
Pero hindi ko inaasahang susundan niya bawat galaw ko. "Sa'n ka nga pala nag-aaral?"
"University of Elysian."
Hayst! Hindi niya ba nararamdamang ayokong makipagkaibigan? Ba't 'di siya marunong makiramdam?
"Omo! Schoolmates pala tayo? What department?"
"Marketing." Hinayaan ko na lang ang sarili kong sumagot sa mga tanong niya. Mapapagod din ang babaeng 'to.
"Bakit ka nga pala nagboard? Taga-ibang syudad ka rin ba?" Now, she's getting into my private life. I should stop her.
Hinarap ko siya gamit ang kalmado kong mukha. "I'm sorry but I don't do get to know talks. Live as what you used you to. 'Wag na lang natin pakialaman ang isa't-isa."
Kita ko sa reaksyon niya kung paano siya nagulat at nalungkot sa mga sinabi ko. Siguro 'di siya sanay na may taong ayaw ng kaibigan. Well, I exist.
Umupo siya sa kaniyang kama at tahimik na itinuloy ang kaniyang ginagawa kanina. Ako naman ay tuloy pa rin sa pag-aayos ng mga gamit ko pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nakokonsensya ako sa naging reaksyon niya.
Sumapit ang lunes at agad akong naghanda upang pumasok. Naglalakad ako papuntang sakayan ng biglang sumulpot si Brea.
"Pwede ba kong sumabay?" Pagpapacute niya.
"Do what you want." Malamig kong sagot. Pero nagulat na lang ako ng lumapat ang kaniyang mga daliri sa aking mga pisngi at tsaka ito pinisil.
"Aigoo! Why so cold? But I'll take the challenge. Tignan natin kung sinong matibay sa 'ting dalawa." Bigkas niya sabay bitaw sa aking nga pisngi.
Hindi ko siya pinansin at tinuloy ko na lang ang pagsakay ng jeep.
Hayst! Feeling ko pulang-pula itong mga pisngi ko.
Nagsimula ang klase namin at nakinig lang ako gaya ng araw-araw kong ginagawa. My mind is free from any thoughts right now. Pero may isang klase kami na walang prof kaya napagpasyahan kong ihiga ang aking ulo sa may armchair. I was thinking if I can sustain my needs with just part-timing when a group of seniors entered our room. Hindi ko inangat ang aking ulo dahil wala akong balak pakinggan ang sasabihin nila.
"It's a task for us seniors of management department to teach you about what we have learned and each of us will be having one junior to be our student. Now, choose your partner, my fellow seniors."
Naramdaman kong may tumayo sa aking tagiliran na naging dahilan upang iangat ko ang aking paningin pero hindi ko inaasahan na ang kaniyang mga mata ang aking matatagpuan.
"Rale..."
BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomantizmPeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...