Leaving
Nagising ako kinabukasan at natagpuan ko si Nyle na nakahiga ang ulo sa may gilid ng aking kama habang hawak-hawak ang aking kamay.
Dahan-dahan kong binabawi ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya pero bawat pagkalas ko ay agad naman niyang hihigpitan ang kaniyang pagkakahawak.
"Nyle, papasok na tayo." Gising ko sa kaniya.
"Sabado ngayon." Sumagot siya habang nakapikit pa rin ang mga mata nito. Dumilat siya at hindi pa rin binibitawan ang aking kamay.
"Let just stay here for a minute." Kita ko sa mga mata nito ang pagkalungkot. Hinayaan ko siya pero bakit parang mali? Parang mali na baka umasa siya? Na baka isipin niyang may pag-asa? Pero anong gagawin ko? Bakit unti-unti ng tinitibag ng dalawang lalaking bumisita sa aking mundo ang pader na nakaharang sa aking puso? Unti-unti, hindi ko namamalayan.
I need to run away before these two man will break the wall in my heart, totally.
"Sir Nyle, nakahanda na po ang almusal niyo sa baba." Pagtawag ng isang kasambahay sa labas ng aking kwarto.
"Sige po, Manang."
Lumabas kami ni Nyle sa aking kwarto at nahagip ng aking paningin si Rale na tahimik na nakaupo sa harap ng hapag-kainan. Napaangat siya ng tingin sa 'ming dalawa at ng nahagip nito ang aking mga mata ay nanatali kaming nakatangin sa isa't isa. How I hope to look at those eyes everyday. But I think it will be the last.
Bumaba kami ng hagdan pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya mula sa 'kin. His eyeing me like I'm his favorite thing to look at. How I love to be.
Nagulat ako ng ioffer sa 'kin ni Nyle ang kabiserang upuan. Tumingin ako sa kaniya gamit ang nagtatanong kong mukha.
"Just sit."
Umupo ako at agad napatingin kay Rale pero nakayuko ito na parang ayaw na niyang ilaan ang tingin niya sa 'kin. Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko. Ito na ang huling araw na masisilayan ko ang mga matang 'yan.
Tahimik kaming tatlo at hindi ko gusto na ganito ang paligid namin. I don't like this quite atmosphere between us but I don't know what to say.
Pinilit kong binilisang kumain upang matakasan ko ang nakakailang na katahimikang ito.
"Balik na ko sa taas." Pagpapaalam ko sa kanilang dalawa. Ba't gan'un?Parang may nangyayari sa pagitan nilang dalawa na hindi ko namamalayan?
Pero hindi ko na sila kailangang problemahin pa. Nakapagdesisyon na ko.
Pagkatapos kong maligo ay napagdesisyunan kong bumaba at tumulong sa mga gawaing-bahay. Napatigil ako sa paghakbang ng mahagip ng aking paningin si Vythea. Magkatabi silang dalawa ni Rale sa isang sofa habang nanonood. Agad akong napabalik sa loob ng aking kwarto at tumayo sa likod ng aking pinto.
Tangina! Ba't niya dinala dito 'yang babaeng 'yan? Hindi niya dapat malaman na nakatira ako dito sa mansyon ni Mayor. Siguradong guguluhin na naman ako ng mga magulang niya.
Kainis! Siguradong buong araw akong magkukulong dito sa loob ng kwarto.
Maghapon akong nasa loob ng aking kwarto at walang ginawa kundi magbasa ng aking notes pero ang nakakainis ay kanina pa ko nagugutom. Agad akong napatayo mula sa aking kama ng may kumatok.
"Sino yan?" Paninigurado ko.
"Want me to carry you in the dining area just so you eat?" Dinig ko ang naiiritang boses ni Rale.
"No need. I can manage my hunger. Just go back to your girlfriend." I replied bitterly.
"Open this damn door or I'll destroy it." Galit niyang sabi.
Ramdam ko ang galit niya pero hindi ko pa rin bubuksan ang pintong 'yan. Hindi niya alam ang pwedeng mangyari kapag nakita ako ng pinsan ko.
"Just go back there!" Napalakas ang boses ko. Naiinis ako! Siya naman ang dahilan kung bakit ako nagkukulong dito sa loob ng kwarto ko eh.
Pero nagulat na lang ako ng bigla bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nakakunot noong si Rale. Tangina! Bigla akong kinabahan.
"So, wala ka talagang balak kumain?" Kita ko ang galit niya sa kung paano nag-igting ang kaniyang bagang. And his eyes are damn expressing too much intensity. Ni hindi ko nga matagalang makipagtitigan sa kaniya.
"Hindi ako pwedeng bumaba dahil baka makita ako ng pinsan ko. Kaya pwede ba? Bumalik ka na lang sa kaniya." Matapang kong sabi.
Pero unti-unting natupok ang konting tapang na mayroon ako ng bigla niya kong buhatin mula sa aking pagkakaupo sa kama.
"Ba't ba ang kulit mo?" Naiinis kong sabi.
"Ba't ba ang tigas ng ulo mo?" Bawi niya at tsaka naglakad pababa ng hagdan. Agad kong inilibot ang aking paningin at nagpapasalamat ako at walang kahit anino ni Vythea.
Ibinaba niya ko sa may kabisera at tsaka siya nagsalita...
"If you don't want me to love you, then don't make me worry." Bigkas niya sabay talikod na sa 'kin.
Napahinga ako ng malalim ng mawala na siya sa aking paningin.
He is always giving me such words.
Nang marinig ko ang pagdating ng sasakyan ni Mayor ay dahan-dahan akong pumasok sa kaniyang office na hindi napapansin ng dalawa.
"Good afternoon po, Mayor." I greeted and smiled at him.
"Good afternoon din sa'yo, hija. May kailangan ka ba?"
"Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa. Sobra po akong nagpapasalamat sa pagpapatuloy niyo po sa 'kin dito sa mansyon niyo. Kaya lang po, kailangan ko na pong maghanap ng sarili ko pong tirahan. Nakakahiya naman po kung magtatagal pa po ako dito." I said with a smile on my face representing how grateful I am to this old man with a big heart for his jurisdiction.
"Kung 'yan ang desisyon mo hija ay igagalang ko. Basta kung kailangan mo ng tulong ay 'wag kang mahihiyang magsabi sa 'kin." He replied.
Sumapit ang gabi at hindi ko man lang nakita si Rale sa loob ng mansyon. Iniiwasan niya ko. At alam ko kung bakit. This is better. I need to go away and he has, too. But I need to admit it. He is my favorite visitor of my world. But him, being special is not enough for me to risk, for me to love. At the time I was broken, my heart stopped functioning as a lover.
Nagsimula akong mag-impake upang umalis mamaya. Kapag tulog na si Nyle. Kasi sigurado akong hindi niya ko papayagang umalis.
Time passed and my time of leaving came. Lumabas ako ng mansyon tsaka binuksan ang aking itim na payong. Sinulyapan ko pa ng isang beses ang kabuuan ng mansyon.
"Thank you for visiting my world." I whispered.

BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...