Girlfriend
Simula ng araw na 'yun ay hindi na nagparamdam si Nyle sa 'kin. Nakikita ko siya sa loob ng Elysian pero hindi hindi man lang kami nagkakausap. I know, he's avoiding me and I should accept it.
Kakatapos ng klase ngayon at handa na kong pumunta sa trabaho ng hablutin ni Rale ang bag ko mula sa akin at agad na nagtungo sa kaniyang kotse.
"Rale!" Sigaw ko sa kaniya na nakakuha ng atensyon ng mga estudyante.
"Come on, you're not going to work today. I have plans." Sigaw niya habang nakahilig patalikod sa kaniyang kotse at inaantay akong lumapit sa kaniya.
"And may I know your plans?" Hamon ko sa kaniya.
"Sikretong malupet, Miss Ulan."
"Hindi ako lalapit jan hanggat hindi mo sinasabi sa 'kin. Kailangan kong malaman kung worth it ba 'yang mga plano mo para isakripisyo ko ang trabaho ko." Mataray kong sabi.
Agad-agad siyang naglakad patungo sa 'kin at binuhat ako in a bridal way.
"Ang daya mo. Pwersahan na 'to eh." Nakakunot noo kong sabi pagkatapos niya kong ipasok sa loob ng kaniyang kotse.
"Pwersahan is a must for you."
"Sa'n ba tayo pupunta? May sweldo ba jan?" Biro kong sabi habang nagmamaneho siya.
"Money is not a problem. Live with me." Sagot niya sa 'kin na ikinagulat ko. Alam kong nagbibiro lang siya pero ang mukha nito'y walang bahid ng kahit anong pagbibiro.
Tinignan ko siya ng masama at agad naman niya kong binalingan ng tingin.
"You have deadful stares. I'm just kidding." Bawi niya.
Nakarating kami sa isang tourist spot sa labas ng syudad ng Elysian. It's a place where you can do a lot of outdoor activities. Sports, biking, fishing, picnic, and lot of stuffs.
"We'll do what a couple should do. Trust me, it's much way better than money."
Hinawakan niya ang aking kamay at dumiretso kami sa pagrerentahan ng bike. He rented two bicycles at agad akong kinabahan dahil hindi ako marunong magbike.
"Hindi ako marunong." Nahihiya kong pag-amin na naging dahilan ng pagpisil niya ng aking pisngi.
"Why do I find it cute when you're being honest and telling me that you aren't good at something?"
"Tsk." Tinarayan ko siya gamit ang aking mata.
"Don't worry, I'm a good teacher." Sabi niya sabay kindat.
Inalalayan niya kong sumakay at siya mismo ang nagbabalanse sa bisikleta habang itinuturo niya sa 'kin ang pagpepedal.
"Kapag ako nahulog, iiwan kita dito Rale." Pagbabanta ko na nginisian niya lang.
"Falling doesn't always mean disaster. Sometimes, falling means you have learned. So don't be afraid to fall, I'm a great catcher."
Tumingin ako sa kaniya pagkatapos niyang bigkasin ang mga salitang 'yun. And I found him very serious at his words.
"You're a great catcher at napatunayan ko na 'yun. I fell in love and you have caught me smoothly." Diretso akong nakatingin sa kaniya habang binibitawan ang mga salitang 'yun. "Sige, banat pa Rale. Ngayon mo ko subukan." Paghahamon ko.
Nagulat na lang ako ng biglang dumampi ang labi niya sa 'kin ng mabilis.
"That's what you get after a banat." Bulong niya na nagpabilis ng tibok ng aking puso. He's good at this. Masyado akong nalalasing.
Lumipas ang ilang oras at natutunan ko rin ang pagbibisikleta. Hinayaan niya ko mag-isa kung paano ito ibalanse at gamitin. Kasunod ko siya na nagbibisikleta rin at alam kong nakaalalay siya sa 'kin.
"Now, I want you to let go of the controller." Bigkas niya mula sa likuran ko.
"Huh?"
Inunahan niya ko at dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang mga kamay.
"Lift your hand, slowly. Come on, you can do it." Utos niya.
"Hindi ko kaya." Pag-aalinlangan ko.
"Naniniwala ako, kaya mo 'yan."
And from his words, dahan-dahan kong binitawan ang manubela at itinaas ang aking mga kamay.
"Rale, nagawa ko." Sigaw ko sa saya.
Ang sarap sa pakiramdam. Ang hangin ay humahampas sa aking katawan at dinadama ko lang ito na para bang I'm free from everything. This must be the reason why he want me to let go of the controller.
Tama nga sabi niya. May mga bagay na mas mahalaga sa pera especially when you're with someone you love. It's true that we only live once so make sure that you have live your only life full of moments. 'Cause moments are the greatest sweldo you can ever have.
Pagkatapos naming magbisikleta ay niyaya niya ko sa may badminton field. I smiled 'cause I'm good at it.
"Wanna bet?" Paghahamon ko sa kaniya.
"Game." Sagot niya sabay ngiting 'di papatalo.
"Kapag nanalo ako, gagawan mo ko ng report sa Marketing." Pagbigkas ko sa naisip kong consequence.
Tumingin siya sa 'kin ng diretso at tsaka siya nagsalita. "Kapag ako nanalo, babalik ka na sa mansyon."
I nod. Alam kong hindi pwede ang gustong mangyari ni Rale. Hindi pwedeng nasa iisang bahay kaming tatlo nila Nyle lalo na't masama pa rin ang loob niya sa 'kin. Pero tumango na lang ako dahil sigurado ako sa sarili kong mananalo ako.
And true enough, I won. Kaya napayuko na lang siya dahil sa pagkatalo.
"Oh, ba't parang down na down tayo jan?" Puna ko dahil sa sobrang seryoso niya.
"Don't talk to me. Natapakan ang pagkalalaki ko."
Napatawa ako dahil sa sinabi niya na naging dahilan naman ng pagkainis niya pa lalo.
"You're such a tease. Come here,I'll teach you a lesson." Dahil sa sinabi niya ay agad akong napatakbo papalayo sa kaniya.
I am running around the field while he's trying his best to catch up with me.
Pero nagulat na lang ako ng biglang may yumakap sa 'kin patalikod. Ramdam ko ang mabilis niyang paghinga mula sa aking likuran.
"Pinagod mo ko. Now, it's payback time." Bulong niya sa 'kin at tsaka niya ko kiniliti.
Nakahiga na kami pareho sa damuhan at hindi pa rin niya ko tinitigilang kilitiin.
"Rale Luther Finn?"
Napahinto kami at sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses.
"Is that you? Oh my god!" Hindi makapaniwala ang babaeng nakatayo sa harapan namin ngayon.
Agad kaming napatayo ni Rale at hinarap namin siyang pareho.
Hindi ko maiwasang hindi siya titigan. Ang ganda niya at matangkad. She has a nice body with a clear skin.
"Uhm... Do I know you?" Tanong ni Rale.
Kitang-kita ang gulat sa mukha ng babae habang tinitignan niya si Rale.
"Ofcourse. I am your girlfriend."

BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...