Facing Fears
Pagkatapos magsalita ni Rale ay agad ring lumabas ang babae. Bumalik naman siya sa pwesto niya kanina.
"Mizzy, ako muna jan. Pahinga ka muna." Sabi sa 'kin ng isa sa mga katrabaho ko.
"Thank you."
Tinanggal ko ang apron na suot ko at tsaka lumapit kay Rale. Umupo ako sa tapat niya at hinarap siya.
"Thank you." I sincerely said.
"For what?" Tanong niya pero ang tingin nito'y bumalik sa labas. Kahit alam niyang nandito ako ay hindi pa rin niya ako nilalapatan ng tingin.
"Thank you for defensing me using those words. At sorry na rin sa mga nasabi ko sa'yo kanina. Nagulat lang ako dahil nakita kong umiyak ang pinsan ko."
I am not comfortable at the way he treat me. Para bang sobra niya kong kinamumuhian na simpleng pagtingin man lang ay hindi niya maibigay.
He totally changed in just a short time. Ito naman yung ginusto ko 'di ba? Pero bakit may kirot?
Nagulat ako ng biglang lumipat ang tingin niya papunta sa akin. His eyes are different. It's as if I'm looking at a snow, beautiful but so cold.
"I didn't do that to defend you. Ayoko lang makarinig at makakita ng mga ganoong pangyayari. And why would I defend you? You're not even worth it." Hindi ko namalayang isa-isang naglabasan ang mga luha sa aking mata. Hearing him say those words, make my heart aches too much. Parang mga patalim ang kaniyang mga salita na sunod-sunod na tumutusok sa aking puso.
Hindi ko nakayanan at agad akong umalis sa harap niya. Kinuha ko ang aking gamit at agad na umuwi.
His cold stares plus his dagger-like words are unbearable. The way he treat me is so unbearable.
At naiinis ako dahil sobrang sakit ang dulot nito sa 'kin. Na kahit ganun ang nais kong mangyari ay hindi matanggap ng kalooban ko. I wanted him to be like that yet my heart can't bear it. I'm in love with him and I know it 'cause it hurts too much.
Gusto kong lumayo mula sa kaniya, tumakbo papalayo sa kaniya, kalimutan siya dahil sobra ang sakit na dulot niya.
Nagulat na lang ako ng biglang may humablot sa aking braso at hindi ko na namalayan ang sunod-sunod na pagpatak ng aking mga luha ang kaniyang mga mata ang aking natagpuan.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Pumiglas ako mula sa kaniyang pagkakahawak dahil ayokong makita niya kong ganito.
"Bitawan mo ko!"
"Answer me first! Why are you crying?!" Galit niyang sabi.
"Kasi mahal kita!" Pasigaw kong sabi.
Kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. Na kahit ako ay hindi ko inaasahan ang lalabas sa bibig ko.
Hindi ko alam pero tuloy-tuloy pa rin ang pagpatak ng aking mga luha. Na kahit nasabi ko ang isang bagay na nagpapabigat sa aking kalooban ay parang mas lalong bumigat pa ito.
Ibinaba ko ang paningin ko dahil hindi ko alam kung paano siya titignan sa sobrang saya ng kaniyang mga mata subalit heto ako at natatakot sa pwedeng mangyari.
Can I really risk?
Hinawakan niya ang aking baba at itinaas ang aking mukha. "Look at me and I want you to say it again." Pagmamakaawa niya.
Tuluyan ng nagsilabasan lahat ng aking luha dahil sa hindi ko kayang hawakan ang sobra-sobra kong nararamdaman.
Mahal ko siya pero natatakot ako.
"I love you." Mahinang sabi ko habang diretso ang titig sa kaniyang magagandang mata. "Susugal na ko kasi mahal kita."
Agad lumapat ang kaniyang mga labi sa aking mga labi. He's kissing me slowly but I can feel how passionate it is. Para bang pareho naming dinadama ang sandaling ito.
The moment when I finally admit my feelings and decided to take the risk and face my fears.
Bumitaw siya at tsaka hinawakan ang aking magkabilang pisngi. "I love you, and I'll make sure that I'm worth risking for."
Hinalikan niya ang aking noo at tsaka ako niyakap ng mahigpit. Kahit anong pilit kong takbuhan ang nararamdaman ko, darating at darating ang araw na kailangan ko 'tong harapin. And I guess that day has come.
Kailangan kong sumugal. Kailangan kong harapin kung anuman ang nararamdaman ko. Mahal ko siya at kailangan kong tanggapin yun.
"Pero bakit ka nakipagsuntukan kanina?" Tanong ko ng maalala ko ang nangyari sa unibersidad kanina.
"Sumabay siya sa inis ko kanina kaya 'yun nasuntok ko. I was so frustrated at that time. I was hurt at what you said. But damn it, I can't stand seeing your tears."
"Pero paanong nandito ka pa rin kahit ilang beses ko nang tinanggihan ang pagmamahal mo? Ano bang mayroon sa 'kin at nananatili ka pa rin? What made you love me this much?" I was looking at his eyes while I was saying those questions. Mga tanong na hindi ko inaasahang masasabi ko sa harap niya.
Bakit nagmamahal tayo ng taong hindi karapat-dapat?
Aaminin ko. Hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal niya. I am not worth loving for. Takot akong sumugal, takot akong masaktan, takot akong maiwan. Mga bagay na kailangan mong harapin kapag nagmamahal ka.
Mga bagay na mahirap kong gawin.
Hinawakan niya ang aking mga kamay at hindi ko alam kung paanong ang mga mata niya ay kumikinang sa tuwing tumatapat ito sa aking mga mata.
"How can your eyes express so many emotions right now?" Tanong niya imbes na sumagot sa aking mga tanong.
"Answer me." Utos ko.
"You look happy yet afraid. Masyado na kong nahuhulog sa mga ipinapakitang emosyon ng mga mata mo. Gusto kong malaman kung anong istorya ang nasa likod ng mata mong pinapaligiran ng iba't-ibang emosyon. Pero paano ko kaya 'yun malalaman?" Nagulat ako sa mga sinabi niya. Hindi ko inaasahang ganyan kalalim ang mga iniisip niya. I didn't expect that he is giving too much attention to every little part of me.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung paanong ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay nagbibigay sa 'kin ng pagmamahal na hindi ko inaasam. I didn't expect how a man could fall in love with me and accept my fears.
Hinawakan niya ang baba ko at tsaka ito itinaas upang magkatapat kami uli ng tingin.
"I am not deserving of your love. I am not the woman worth loving for. I don't deserve you." Sunod-sunod na nagsipatakan ang aking mga luha. Ang sakit pala na manggaling ang mga salitang ito sa akin. Ang sakit na aminin ko mismo sa sarili ko.
"Hush, baby. You're very much deserving and facing your fears just to love me is so much to prove that. And for your questions a while ago, I love you. Walang ibang dahilan, walang ibang sagot. Mahal kita."
BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...