Sixteenth Memory

9 1 0
                                    

Visitor

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway ng Marketing Building papunta sa room namin. Si Brea ay pumunta na rin sa kaniyang room.

Habang naglalakad ay pansin ko ang mariing tingin ng mga estudyante na nadadaanan ko sa aking likuran at pabalik sa akin. With my curiosity, I looked at my back but found nothing. Bakit ba kasi nasa akin ang mga tingin nila?

Hindi ko na lang sila pinansin at patuloy pa rin ako sa paglalakad papunta sa room ko ng bigla kong maramdaman ang pag-ikot ng isang braso sa aking baywang. Inilapat niya ang kaniyang daliri sa aking labi at tsaka nagsalita...

"Don't try to move or say anything. I just want you to eat with me. I just need your 20 minutes." The man behind me whispered.

Hindi pa man din ako nakakapagsalita ay agad niya na kong binuhat sa kaniyang balikat. Nasa likod niya ang ulo ko pero alam na alam ko na kung sino ang lalaking 'to.

"Hindi mo na kailangang gawin 'to. Sasama naman ako sa'yo." Sabi ko.

"Baka kasi 'di ka pumayag kasi baka malate ka sa klase mo. Mag-isa akong kakain kung sakali. Ayaw ko namang mangyari 'yun."

"Oo na, ibaba mo na ko." Utos ko sa kaniya.

"Ibaba kita kapag nasa canteen na tayo."

"Nahihirapan ako."

Pagkarinig niya ng huling sinabi ko ay agad niya kong ibinaba at agad hinawakan ang aking kamay. Sinamaan ko siya ng tingin dahil may nalalaman pa siyang buhat-buhat, eh pwede namang sabay kaming maglakad.

"What?" Pansin niya sa titig ko. "I just didn't expect that this way is better." Sagot niya ng maintindihan niya ang kahulugan ng titig ko.

Inirapan ko siya pagkarating naman sa canteen. Umupo ako sa bakanteng upuan at si Rale naman ay pumuntang counter para mag-order.

Akala ko siya lang kakain dahil hindi niya ko tinanong kung anong gusto kong kainin pero nagulat na lang ako ng may dala-dala siyang chicken sandwich at iced-tea. Nagulat ako dahil alam niya kung anong gusto ko.

"I'm good at investigating." Sagot niya ng mabasa niya ang nasa isip ko sabay kindat. Inirapan ko na lang siya at nagsimula na kong kumain.

"You didn't take your breakfast?" Tanong niya habang pinapanood akong kumain.

"I did. Bakit?" Simpleng sagot ko.

Kumuha siya ng tissue sabay punas sa gilid ng aking labi. "You look so hungry. Tumataba ka na." Sagot niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at tsaka ako tumigil kumain. "Hindi na ko kakain. Bahala ka kumain mag-isa." Pagbabanta ko.

Inilipat niya ang upuan niya sa may tabi ko at tsaka niya hinawakan ang baba ko upang iharap ang mukha ko sa kaniya. Sobrang lapit ng mukha naming dalawa at ramdam ko ang hininga nito. It smells so fresh. "Kakain ka o kakain ka?" Pagbabanta niya

"Wala naman akong pagpipi-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng lumapit ng mabilis ang kaniyang labi sa aking labi.

"Umagang-uma-" Lumapat muli ang kaniyang labi at napilitan akong sumagot ng maayos.

He's making me surrender for the nth time.

"Fine! I will eat." Sagot ko sabay irap. "I don't like the truth that I have surrendered to you a countless times already. But damn it! I can't help it." Pag-amin ko sa kaniya.

"But I love your surrenders. And I won't get tired witnessing all of it." Bigkas niya kasabay ng mapang-akit niyang mga mata. And I love how he glows before the sunlight.

"Akala ko ba nandito tayo para kumain? May klase pa ko." Pag-iiba ko ng usapan dahil unti-unti akong nahuhulog sa mga mata niya at natatakot ako na baka hindi na ako makaahon.

"Sabi ko nga kakain na tayo."

Hinatid ako ni Rale papuntang room ko at tsaka na rin siya pumasok. At alam ko sa oras na 'to, laman na kami ng tsismis dito sa loob ng Elysian. Hindi rin ako bulag para hindi mapansin ang minu-minutong pagtingin sa 'kin ng aking mga kaklase. I expected this. Para pumasok sa isang relasyon na ang involve ay isang Rale Luther Finn, attentions are very much expected.

Nahagip ng paningin ko ang upuan ng pinsan ko and it's empty. Hindi ko alam pero kahit anong pilit ko sa sarili kong huwag magkaroon ng pakialam sa kaniya ay mas lalong tumitibay ang pagkakaroon ng malasakit ng lumalambot kong puso.

I guess blood is really thicker than water.

Balak ko sanang magself-study sa oras ng break pero napilitan akong lumabas ng tinawag ako ni Brea mula sa bintana.

"Naghihintay si Rale sa canteen. Gusto ka raw makasabay kumain. At syempre, sasabay din ako. Libre niya eh." Bigkas niya pagkalabas ko ng room habang bakas na bakas ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Syempre, libre eh.

Nakarating kaming dalawa sa canteen at nakita namin si Rale na sa may dulong bahagi tahimik na sumisimsim sa kaniyang inorder na blue lemonade. Nilibot ko ang paningin ko sa buong canteen upang hanapin si Nyle dahil ilang araw ko na siyang hindi nakikita ng napahinto ito sa isang lalaking hindi pamilyar na nakatago sa may likod ng puno sa tabi ng library. Para siyang spy na may iniimbestigahan. Sinundan ko ang tingin nito at nagulat ako ng malaman ko kung sino ang minamatyagan niya.

"Rale..." Bigkas ko ng pabulong.

Bumalik ang tingin ko sa pwesto ng lalaki but found no one behind the tree.

Naalala ko ang kwento sa 'kin ni Mayor tungkol sa pagkakadala dito kay Rale. Dinala siya rito para protektahan dahil may gustong pumatay sa kaniya. Tauhan ba ang lalaking 'yun ng taong gustong pumatay sa kaniya?

Did they find him?

Bakit gusto nilang patayin si Rale?

"Ulan!" Napatigil ako sa kakaisip ng biglang sumigaw si Brea. Kanina pa pala siya nakalapit sa may pwesto ni Rale.

"Are you okay?" Salubong sa 'kin ni Rale. Tumango ako bilang sagot. Kahit na alam kong binabagabag pa rin ako ng mga bagay na tungkol sa kaniya.

I know he's not safe.

Sa mga nakaraang araw, nakalimutan kong isa siyang maimpluwensiyang tao na nawala ang alaala kaya't napadpad dito sa probinsiya namin. Nakalimutan kong hindi ito ang tunay niyang mundo. Nakalimutan kong hindi siya katulad naming ordinaryong tao. Nakalimutan kong bisita lang siya sa mundo ko at sa oras na bumalik ang alaala niya, babalik na rin siya sa mundong kinalalagyan niya.

He is Rale Luther Finn, an idol who visited my world.

Every Raindrops Of His Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon