Thirteenth Memory

16 1 0
                                    

His Words

Bumalik ako sa library pagkatapos kung makipag-usap kay Vythea at naabutan kong wala na si Rale sa pwesto namin kanina.

He just left a small paper on top of my notebook.

'Nyle is going to class tomorrow. He will be your new partner.'

I felt a sudden pain that I know I shouldn't feel. Ako nagpalayo sa kaniya dahil iniisip kong pinaglalaruan niya lang kaming dalawa ni Vy. Pero nasabi ko lang naman ang mga salitang 'yun dahil nagulat ako sa pagtulo ng luha ng pinsan ko. At nagsisisi akong lumambot ang puso ko sa isang maling tao.

But this is good. Maiiwasan ko na siya.

Tumunog ang bell for break time at pinalabas na kami ng aming prof. Naglalakad ako mag-isa papuntang canteen ng mahagip ng paningin ko ang kumpulan ng mga estudyante sa may open field.

"God! Bakit ba nakikipag-away si Rale?"

Rinig kong sigaw ng isang babae.

Agad akong lumapit sa kumpulan ng marinig ko ang pangalan niya. I silently push anyone who is covering my sight. Huminto ako nang sa wakas ay nakikita na ng mga mata ko ang kasalukuyang nangyayari. Agad akong napatakbo upang pigilan si Rale sa pag-ambang pagsuntok niya sa isang lalaki na napahiga na sa damuhan.

Napayakap ako sa baywang niya sa sobrang takot. Ang kaniyang magagandang mata ay nag-aalab sa galit at hindi ko kayang makitang ganito ang pinakapaborito kong mga mata.

"Please." Ang tanging salita na lumabas sa aking bibig habang walang tigil ang pagpatak ng aking luha.

Nakita ko kung paano bumaba ang kaniyang kamao sa kaniyang tagiliran at dahan-dahan itong bumukas. Lumipas ang ilang minuto ay agad niyang kinalas ang mga braso ko sa kaniyang baywang at tsaka niya ko tinalikuran. Iniwan niya kong mag-isa habang napapalibutan ng maraming estudyante. I am silently looking at his back getting away from my sight.

Dapat na kong masanay. Pero ang makitang papalayo siya sa akin ay hindi ko inaakalang magdudulot ng sobrang sakit sa aking puso. Hindi ko inaasahan na ang pinaka-inaasam-asam kong mangyari ay sobra ang dulot na kirot.

Umalis ako mula sa kumpulan ng mga tao ng marinig ko ang mga bulong-bulungan nila. Hindi ko sila masisisi. I just came out of nowhere and then I suddenly hugged the most popular student in our university.

Pumunta akong canteen upang ituloy ang naudlot kong break time. And as usual, umupo ako sa may dulong bahagi na wala masyadong estudyante. I was about to eat my lasagna when my roommate sitted in  front of me.

"Hi." Nakangiti nitong bati sabay lapag ng mga inorder niya sa mesa. Hindi ko siya pinansin at tinuloy ko na lang ang pagkain.

"Tss. You didn't even bother to say hello. You cold-hearted girl!" Sabi niya sabay irap. "By the way, nagpapart time job ka ba?"

Sumipsip muna ako sa iced tea na inorder ko tsaka siya hinarap. "Yes." I simply answered.

"Kayo ba ni Rale Luther Finn?" Muntikan ko ng maibuga ang iniinom ko dahil sa sinabi niya. Tinignan ko siya at parang walang epekto sa kaniya ang pagkasamid ko.

"No." May diin kong sabi.

"I don't believe you." Mapanuri niyang sabi. Itinuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi siya pinansin.

"Sa paraan ng pagyakap mo sa kaniya para lang mapahinahon siya, I can say that there's something going on between the two of you. Pero bakit kaya hindi ka man lang pinansin ni papa Rale kanina? LQ?" Dire-diretso niyang sabi.

Tinignan ko siya ng masama pero ang mapanuksong ngiti ang isinagot niya sa 'kin.

"Walang namamagitan sa 'min ni Rale." Simpleng sagot ko.

"I still don't believe you. But let me tell you something. Alam ko na isa kang taong ayaw ng atensyon. Pero sa ginawa mo, siguradong usap-usapan ka na ngayon ng mga estudyante. But there's nothing wrong with following your heart. Let them talk behind you, but never let them rule your life." Seryosong niyang sabi. And from what she said, sincerity is what I found. Ganito nga siguro ang feeling kapag naramdaman mo sa isang tao ang totoong pag-aalala. Kahit anong pilit kong ilayo ang sarili ko sa babaeng ito, unti-unti akong lumalambot at naghahangad na makilala pa siyang lubusan.

"Pwede ba kitang maging kaibigan?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. That question came out of nowhere. It just came out naturally.

A smile was suddenly curved at her lips.

"It's my pleasure. Oh my god!" Napatayo siya sa sobrang tuwa at agad akong niyakap. "Tangina! Bakit parang maiiyak ako?"

Niyakap ko siya pabalik at hindi ko alam kung bakit parang ang gaan-gaan ng nasa loob ko. Na para bang nawala ang bigat dito sa puso ko.

Bumitaw siya sa aming yakapan at tsaka ako hinarap. "Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kitang maging kaibigan. Na sa unang kita ko pa lang sa mga mata mo ay parang gustong-gusto kong malaman kung anong kalungkutan ang nakatago sa likod nito. I want to know the story behind the loneliness of your eyes."

"At sana naman 'wag mo kong pagkikwentuhin dito. We're roommates after all."

Natapos ang klase namin at tsaka na ako dumiretso siya sa pinagtatrabahuhan ko. I am tieing my hair in a bun when my eyes suddenly saw Rale sitting in one of our circular tables. Seryoso siyang sumisimsim sa kaniyang inorder na blue lemonade habang nakatingin sa labas. Kita ko ang pasa niya sa kanang bahagi ng kaniyang labi at mga sugat sa kaniyang kamay.

Nagsimula akong maging busy sa pagkuha ng mga orders ng mga customers pero bawat minuto ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniyang pwesto. Hindi niya pa rin niya ako ginagawaran ng tingin simula kanina. Seryoso pa rin ang titig nito sa labas na para bang may malalim na iniisip. How I miss his stares.

Pero bakit kaya siya nakipag-away kanina?

"Miss, hindi ito ang inorder ko!" Nagulat ako sa sigaw ng babaeng nasa harapan ko. "Tignan mo nga, mali-mali ang mga nailagay mo sa resibo ko! Can't you do your job properly?!"

"Sorry po, Ma'am. Uulitin ko na lang po. Pwede ko bang malaman kung ano po ulit yung orders ninyo?" Natataranta kong sabi.

"'Wag na! Nawalan na ko ng gana. Pakibalik na lang ang pera ko."

Napilitan akong ibalik ang kaniyang bayad. "Sorry po talaga, Ma'am. Pasensya na po kayo."

"Sa susunod, 'wag kang tatanga-tanga!" Pahabol niya pang galit. Biglang napalitan ng inis ang aking pag-aalala dahil sa sinabi ng babae. Pero hindi ko na nagawang sabihin ang gusto kong sabihin ng tumayo sa harap ng babae si Rale.

His presence attracts too much attention. And I am so impressed of how can he stand so confidently like that unbothered with the eyes of the people around him.

"That word doesn't suit her. Everyone commits mistakes and so does her. Now, all you need to do is to accept what happened. You don't need to speak to her like that unless you are not an educated person."

And from that, his words became a beautiful song in my ears.

Every Raindrops Of His Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon