Twenty-Fourth Memory

11 1 0
                                    

Distinct Worlds

"You're not allowed to watch."

Para akong sinampal ng katotohanan na matagal ko ng tinatakbuhan. Kahit anong gawin ko, hinding-hindi ako nababagay sa mundo ng lalaking minamahal ko. And I'm so ambitious to think that I can be with him regardless of how different our worlds are.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon pabalik ng boarding house namin ni Brea. Bumalik ako ng Elysian pagkatapos akong ipagtabuyan ng Manager nila Rale at kasama pa si Canna. Wala akong nagawa dahil sa mga masasakit na salitang ibinabato nila sa 'kin. At mas lalo pa itong nagdulot ng kirot dahil sa kadahilanang lahat ng mga sinasabi nila ay totoo.

"Umalis ka na lang Rain. Kapag nakita ka ng mga fans ni Rale, siguradong hindi sila makakapayag sa relasyon niyong dalawa. Sagabal ka lang sa career niya. Bumalik ka na lang sa Elysian, tutal d'un ka lang naman nababagay." Bigkas ni Canna pagkatapos nila akong palabasin ng venue.

"Isinama ako ni Rale dito. Siya mismo ang nagsama sa 'kin kaya wala kang karapatang paalisin ako." Asik ko.

"Kung mahal mo siya Ms.Rain, iisipin mo ang makakabuti sa kaniya. Sa tingin mo ba kapag nalaman ng mga fans ni Rale na ikaw ang girlfriend niya ay papayag sila? Hinding-hindi sila papayag at d'un magsisimula ang pagkasira ng career niya. And I bet you don't want that to happen." Bigkas ni Yno na mas lalo pang nagbigay kirot sa akin.

How ironic! Bakit sa maling tao pa ko nahulog? Bakit sa taong hindi para sa akin pa ko umibig? Bakit kay Rale pa?

I am here, again. Walking alone with the rain in my own little world. Unti-unti na kong napapaniwala ng tadhana na hanggang dito na lang ako. Maybe this is really where I belong.

"Rain! What happened? Basang-basa ka." Salubong sa 'kin ni Brea.

Hindi ko siya pinansin at dumiretso na lang ako sa kwarto namin at tsaka napagpasyahan kong maligo.

Alam kong hindi ko dapat idamay si Brea dito pero hindi ko maiiwasan. I need to get back at my old life and that's my decision. Kahit anong gawin ko, being alone is my real life.

"Ulan, kanina pa tumatawag sa'yo si Rale. Ano bang nangyari? Nandito lang ako, pwede mong ikwento sa 'kin lahat. Makikinig ako." Tahimik na bigkas ni Brea habang patagilid akong nakahiga sa kama patalikod sa kaniya. My tears started to fall again. Bakit ba hindi ako matapos-tapos sa pag-iyak? Am I born to just cry?

Pinili ko pa ring manahimik kahit gustong-gusto ko ng ikwento at iiyak na lang sa kaniya lahat. Parte ito ng desisyon ko. I will stop being associated with people.

"Rain! Open this door. Talk to me, please. I need you to talk to me. Parang awa mo na, kausapin mo ko." Bigla akong napabangon dahil sa sigaw ni Rale mula sa labas.

Napatingin ako kay Brea at pareho kaming nagulat sa nangyayari.

"Bubuksan ko ba?" Tanong sa 'kin ni Brea habang ramdam ko ang pagiging concern niya.

"I'll open it." Sagot ko.

Hindi ko matatakbuhan ang buhay na ito hanggat hindi ko siya nakakausap. Gusto kong ipaintindi sa kaniya lahat kaya kailangan ko siyang kausapin.

"Mag-usap tayo." I coldly say pagkatapos kong buksan ang pinto. Agad ko siyang hinila palabas at dinala sa may isang malaking puno. Nagpapasalamat ako dahil huminto na ang ulan kanina.

"Rain..." Bigkas niya sabay hawak ng aking kamay. "Bakit ka umalis kanina? Is there a problem? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Why did you fucking leave without saying a word?! Damn it, Rain! I'm going crazy." Sunod-sunod niyang tanong.

Hinayaan ko siyang ilabas lahat ng gusto niyang sabihin.

"Umasa akong makikita ko 'yung mga mata mong nanonood habang nakatayo ako sa stage. Umasa akong makikita ko 'yung mga mata mong pinagmamalaki ako. I want to see you watching me perform for you. I have prepared that performance kasi pinlano kong dalhin ka, but then... I expected for nothing. And you just did was to make me worry. Can you tell me what's happening?" Sa pangalawang pagbigkas niya ng lahat ng kaniyang saloobin ay ramdam ko ang kirot. He's in pain and I can feel it.

Pero kahit anong gawin ko, we're not meant for each other.

"We need to stop, Rale." Kita ko ang pagkatakot sa kaniyang mga mata at nakakainis dahil kailangan kong gawin 'to. Tumalikod ako mula sa kaniya dahil hindi ko magawang makita ang mga mata niyang unti-unting gumuguho.

And then, rain started to fall. Kasabay ng luha kong hindi ko mapigilang pumatak.

"Rain please...." He whispered while backhugging me.

He's crying. And I can't afford to look at his tears.

Hindi kami pwede. Magkaiba kami ng mundo. And I don't want him to leave his world just because of me, a mere fan of him.

"Hindi ako nababagay sa mundo mo. At mas lalong hindi ka nababagay sa mundo ko. Rale, tanggapin na natin. You belong in a public world while I belong in a private one." I said while trying to clasp his hug.

Pero imbes na hayaan ako, mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya.

"Rale, mas lalo mo lang akong pinapahirapan."

"Damn these memories! Hindi na sana sila nagbalik pa." Paninisi niya. "Baby please... I badly want to go to your world. Please,let me."

God! Rale,kung pwede lang. Pero hindi eh.

He's an idol. He's an artist. He's a performer. And he belongs to the stage.

At ayokong ipagkait sa kaniya ang buhay na nakasanayan niya. Ang buhay na nararapat sa kaniya. Kahit anong gawin ko, we're really living in a different worlds. And I hate how can't our worlds collide.

"Rale, ayokong masira lahat ng pinaghirapan mo. Bumalik ka na sa dati mong mundo." Pagmamakaawa ko.

"Pero ito ang mas gusto kong mundo. Ang mundong kasama ka. Baby please, let me stay."

Minsan mapapatanong ka na lang talaga. Bakit hindi ako pwedeng magmahal ng kagaya niya? Buong buhay ko,ngayon lang ako nakaramdam ng kasama. Ngayon lang ako nakaramdam ng totoong saya. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagmamahal. Bakit ipinagkakait pa sa 'kin ito ng tadhana?

Why can't I love him?

"Tama na, Rale. Ayokong maging sagabal sa mga taong naghihintay sa'yong bumalik. Alam kong pansamantala lang ang panahong makakasama kita. Please, umalis ka na sa mundo ko ng magawa na kitang kalimutan." I begged.

Nagsipatakan pa ulit ang aking mga luha kasabay ng patak ng ulan ng dahan-dahan niyang kinalas ang kaniyang yakap. Naramdaman ko ang lamig na dulot ng pagkakabasa namin dahil sa pagbitaw ng mainit niyang katawan.

"Sa oras na makita kita sa mundo ko, hinding-hindi na kita pababalikin sa mundo mo. Once I caught you, I'll tie you with me forever." Huling bigkas niya sabay talikod na.

Mas lalong lumakas ang pagpatak ng ulan kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng aking mga luha. Sumasabay ang ulan sa emosyon na ipinapakita ko.

"I love you, Rale Luther Finn."

Every Raindrops Of His Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon