Defeat
Pati sa trabaho ko, ang mga mata at ang mga salitang binitawan niya ang laman ng isip ko. He keeps on invading and invading my mind. And I hate it.
"Rain..." Nakabalik ako mula sa pag-iisip nang magsalita ang isa sa mga katrabaho ko. "Your time for work was bought again by that son of Mayor." Bigkas niya sabay nguso kay Nyle na nakaupo sa isa sa mga table ng fast food chain na pinagtatrabahuhan ko.
"Ah, thank you."
Hindi na ko nagpalit at agad nang umupo sa harapan niya. Ano bang ginagawa ng lalaking 'to dito?
"Bakit ba lagi mo na lang binibili ang oras ko sa trabaho? What's the use of hiring me, kung ikaw lang din naman magbabayad ng sweldo ko? Tsaka pwede naman tayo sa bahay niyo mag-usap. Wala pa ngang kalahating araw na hindi tayo nagkikita, nandito ka na agad." Paninira ko sa pagbisita niya.
Pero ang mayamang lalaking ito ay hindi man lang nagawang sumagot sa aking tanong at seryoso lang na nakatingin sa akin.
"Nyle!" Napalakas ang pagtawag ko sa kaniya. "An-"
"Is he courting you?" Pagtigil niya sa sasabihin ko sana.
"Ano?"
"Pinipormahan ka ba ng ampon na 'yon?" At do'n ko nakuha kung ano ang gusto niyang sabihin. He is pertaining to that trespasser of my mind.
Napasipsip ako sa iced-tea na inorder niya dahil sa hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Damn it! I hate this situation.
"I'll take that as a yes."
Siya na mismo ang sumagot sa sarili niyang tanong. Buti naman dahil ayokong magsalita tungkol dito. Tanga niya lang dahil hindi naman ako nililigawan ni Rale. Napakaimposible!
"Mas mabuti na rin 'yon. There's a challenge." Ramdam ko ang pagtatago niya ng totoong nararamdaman niya. I know him. Pero bakit hindi ko magawang pagaanan ang loob niya? Na parang mali na pumasok ako sitwasyong ito? Sa sitwasyong dalawa na ang lalaking bumisita sa tahimik kong mundo.
"Bakit ba kasi ako pa?" Tanong ko sa kaniya na mas lalong ikinaseryoso ng kaniyang mukha.
"Bakit hindi ikaw?"
"Kasi hindi mo naman ako kapareho ng estado. And worst, I'm an orphan. I have no family, I have no friends, I don't have everything. I am a nobody compared to what you are. Isa lang akong simpleng babaeng namumuhay sa kaniyang tahimik na mundo. And I don't want anyone to get involve in my private life." Seryoso kong sagot. Lahat ng lumabas sa bibig ko ay totoo. Ayokong umasa siya na baka dumating ang araw na sasagutin ko siya. Ayokong isipin niya na baka balang araw ay masuklian ko ang pagmamahal niya. As I am always saying, ayokong may taong manatali sa mundo ko. Kung bumisita, okay lang. Kasi alam kong aalis din siya at walang magiging epekto 'yun sa 'kin. Hindi gaya ng pag-alis ng mga magulang ko.
"Liligawan pa rin kita. It's my choice."
Pagkatapos ng usapang 'yon, umuwi na rin kami. Tahimik kaming dalawa buong biyahe pauwi ng bahay nila. Iniisip ko lang kung kailan kaya siya susuko? Ano kayang mangyayari kung tapos na siyang bumisita sa mundo ko?
Kasi alam ko lahat may hangganan. Hindi tatagal ang pag-ibig na mayroon siya sa 'kin. It will end not now, but soon. At 'do1n babalik sa normal ang buhay ko. A normal life with just myself.

BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomansaPeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...