The Square
"Ano ba Rain?! Magluluto ka pa ng almusal!"
Nagising ako dahil sa sigaw ni Auntie Olivia. Bumangon ako at ang litrato ng apat na lalaking hinahangaan ko ang sumalubong sa aking pagmulat.
"The Square." Bigkas ko."Mabuti na lang talaga kayo lagi ang unang nakikita ko dahil kung hindi lagi na lang biyernes santo ang araw ko."
Tumayo ako at dumiretso na sa kusina.
"Ano po bang gusto niyong iluto ko?" Tanong ko sa mag-asawang nakaupo sa dining table habang nagkakape.
"E 'di kung anong mayroon diyan sa ref." Nakakainis na sagot ni Auntie.
Kahit kailan talaga, ang ganda ng sagot niya. Iluto ko na lang kaya lahat ng nandito sa ref. Hays!
"Hoy, Ulan! Bilis-bilisan mo nga. Mali-late na naman ako dahil sa 'yo." Dinig kong sigaw ng prinsesa ng mag-asawa.
Jusko! Akala mo kung sinong matino. E, kahit naman late 'yan, 'kala mo kung sinong modelo na walang inatupag kung hindi libutin ang buong unibersidad. Kung pwede lang talaga pumili ng pinsan e.
Habang nagluluto, sumagi sa isip ko kung bakit ganito ang buhay ko ngayon.
My life was perfect back then. I have a complete and happy family and I'm not a lonely person. Pero hindi sa lahat ng oras ay masaya ka. Minsan darating ka sa pinakamadilim na bahagi ng buhay mo. And I hate how that darkest time of my life came early. And it is still so vivid to me.
I was holding my hello kitty stuffed toy and a flower. I was crying while the rain won't stop falling. Sumasabay ito sa kalungkutan ng bata kong pag-iisip.
Namatay ang Mommy at Daddy ko sa isang aksidente. Nabangga ang sinasakyan nilang kotse ng isang pang kotse. I was so hopeless that time. 'Yong bang wala akong nagawa kung hindi umiyak lang nang umiyak. Bakit sabay pa silang kinuha? Bakit wala man lang itinira sa 'kin?
At dahil sa kawalan ng mag-aalaga sa 'kin, napadpad ako sa bahay na 'to, sa pamilyang 'to. Kinupkop nila ako pero may kapalit. Kailangan ko silang pagsilbihan. And my young mind thought, people always want in return for their good deeds. Pero maiintindihan ko pa sana kung hindi ko sila kamag-anak e.
Kaso sadyang ang mga tao ay natural nang madamot. Kung may ibinigay ka, kailangan may matatanggap ka rin. That's how life is.
Naghanda na ko para pumasok na sa parehong unibersidad na pinapasukan ng pinsan kong si Vythea. I'm in my third year in college. At ang kursong kinuha ko ay Bachelor of Science in Marketing.
Actually, hindi nila ako pinayagang mag-aral. Hindi ko raw magagawa ang trabaho ko sa kanila. Pero hindi nila ako mapipigilan. Wala naman silang ginagastos sa pag-aaral ko. I'm a scholar. And I am a working student.
Habang nakasakay sa jeep, nahagip ng paningin ko ang malaking billboard poster ng The Square. They are advertising some product but it doesn't caught my attention. What caught my attention is Rale Luther Finn, my bias.
His tousled brown hair, a perfect dimples, pointed nose, thin pink lips, angular jawline, thick eyebrows, and my favorite part of his face is his pair of hazel round eyes. I find it very mysterious. Na baka hindi ko magawang umahon kapag nahuli ako nito. And worse, baka hindi ako makalabas.
I'm a silent fan of them. Syempre, wala naman akong mapagsasabihan ng paghanga ko sa apat na lalaki. Simula noong mawala sila Mommy at Daddy, I started living my life alone. Walang kaibigan, walang pamilya. Kasi natatakot ako. That if I became fond of someone ay mawala rin siya 'gaya ng nangyari sa 'king mga magulang. And I'm afraid to have that kind of memory again. It's like a trauma that haunts me everyday.
Bumalik ang tingin ko sa litrato ng apat na lalaking hinahangaan ko.
Pryx Gylo Torres, the leader. The man behind the meaningful songs of the group.
Cole Drino Reyes, the main dancer. The man behind the amazing choreographies of the group.
Tyrus Drae Lopez, the visual. The man behind those hundreds of endorsements they're getting.
And...
Rale Luther Finn, the main vocal, my bias. The man behind the mesmerizing voice that caught millions of fans around the country. And I'm glad to say that I'm one of them.
Ni minsan hindi ko pa sila nakikita. Bakit? They're not my priority. Kulang ang paghanga ko para pagtuunan sila ng lahat ng oras ko. I'm an orphan. And my future is my priority.
Ayos na sa 'kin ang mga litrato nilang nakadikit sa loob ng kwarto ko. Ayos na sa 'kin ang mapanood sila sa tv. Ayos na sa 'kin ang maging isang tahimik na tagahanga.
Pumasok ako sa gate pero ipinagtaka ko ang kumpulan ng mga estudyante sa loob ng canteen. At agad akong natigilan dahil sa narinig kong usapan ng dalawang babaeng dumaan sa harap ko.
"Grabe! Wala na si Rale?! Hindi na kumpleto ang The Square." Dinig kong iyak ng isang babae.
Dali-dali akong tumakbo papasok sa canteen at natagpuan ko ang pinapanood nilang lahat sa tv.
"Breaking News: Rale Luther Finn ng The Square, patay matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang kotse."
No, no! It can't be. Kanina lang nakita ko pa ang litrato niya. Kanina lang iniisip ko pa siya. Hindi pwede!
He's dead. My bias is dead.

BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...