His Father
"I am Rale Luther Finn."
His memories came back. I can see it in his eyes. Alam ko na bumalik na ang kaniyang mga alaala. Ang kaniyang buhay bago ako.
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo sa kaniya. My tears started falling rapidly. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Dapat maging masaya ako dahil sa wakas ay bumalik na ang kaniyang mga alaala pero bakit gan'to?
Bakit sunod-sunod na nagbibigay kirot ang mga bagay na kinatatakutan ko?
"Rain!" Sigaw niya at alam kong sinusundan niya ko ngayon. Pero hindi ko magawang utusan ang mga paa kong huminto.
Hinablot niya ang braso ko tsaka niya ko pinaharap sa kaniya. Ramdam ko ang lamig na dala ng kaniyang basang palad sa aking balat.
"What's wrong?" Nagtataka niyang tanong.
Hindi ko magawang tapatan ang kaniyang tingin dahil ayokong makita niya kong umiiyak. I should be happy for him and crying in front of him is such a selfish move.
Pero huli na ng iangat niya ang aking mukha. Nahuli niya ang aking mga luha.
"Bumalik na ang alaala mo. And you probably know that this is not your life. You have your life before me and I'm afraid that I would lose you." Pagpapaliwanag ko sa dahilan ng aking mga luha.
Hinawakan niya ang aking pisngi at tsaka siya nagsalita...
"Bumalik man ang alaala ko pero hindi ibig sabihin n'un ay kakalimutan ko na ang kasalukuyan. May dahilan kung bakit nakalimutan ko ang nakaraan. Nakatadhana akong mawalan ng alaala upang makilala ka. You are my present, and my present is more important than my past that I'm destined to lost."
I hugged him.
Kahit anong sakit ang maramdaman ko ay sa mga bisig pa rin niya ko kukuha ng lakas. Naiinis ako sarili ko dahil ang dami-dami kong kinatatakutan. Mga bagay na ang lalaking ito lang ang makakapagbigay sa 'kin ng kasiguraduhan. And I love the way how he can make me let go of my fears.
Dumiretso kami ni Rale sa mansyon kung saan sigurado akong naghihintay pa rin si Mayor. Tinext ko na rin si Brea para sabihing nakita ko na siya at uuwi rin ako mamaya.
"Rale..." Pagkuha ko ng atensyon niya habang nagmamaneho ako.
"Hmm..."
"Bakit ka nga pala pumunta sa libingan ng mga magulang ko?" Tanong ko.
Ilang minuto siyang hindi sumagot kaya napatingin ako sa kaniya at kita ko ang seryoso niyang pag-iisip.
"I just want to be found by you. At 'yun ang alam kong lugar na ikaw lang ang makakaisip na pwede kong puntahan." Pagpapaliwanag niya.
Kahit gusto ko pa siyang tanungin ng mga tanong na bumabagabag sa isip ko ay pinili ko na lang na manahimik. Alam kong kakabalik pa lang ng mga alaala niya at sinusubukan niya pang isa-isahin ang mga ito.
Nakarating kami sa mansyon at naabutan namin si Mayor kasama ang mga hindi pamilyar na mukha sa 'kin. I looked at the man beside Mayor and I can tell, he's Rale's father. Ang mga mata, labi ay parehong-pareho ng kay Rale.
"My god, son! Where have you been?Sobra-sobra kaming nag-aalala sa'yo." Pambungad sa 'min ng kaniyang ama.
Nagpakuha si Mayor sa kaniyang kasambahay ng mga tuwalya para sa 'ming dalawa.
"Maraming salamat, hija. Sa'n mo nga pala siya nakita?" Tanong sa 'kin ni Mayor pagkatapos niyang iaabot sa 'kin ang tuwalya. Ramdam ko ang tingin ng mga hindi pamilyar na mukha sa 'kin. Napatingin ako saglit kay Rale at tsaka sinagot ang tanong niya.
"Sa libingan po ng mga magulang ko."
"Ninong, can you give her clothes? She needs to get change first." Bigkas ni Rale.
"Sige, hija. Sumama ka muna kay Lourdes." Utos sa 'kin ni Mayor.
Tumingin ako kay Rale at nahuli ko siyang nakatingin sa 'kin.
"Get change first. I'll wait for you." Sabi niya bago ako sumama kay Aling Lourdes.
Nakarating kami sa isang kwarto na hindi ko pa napapasukan noong dito pa ko tumutuloy. Inilibot ko ang aking paningin at iba't-ibang mga paintings ang nakasabit sa dingding.
"Kaninong kwarto po 'to?" Tanong ko kay Aling Lourdes.
Habang nililibot ko ang buong kwarto ay hinahanapan naman niya ko ng damit.
"Sa asawa ni Mayor."
Ang alam ko patay na ang asawa ni Mayor. Bata pa lang ako ay wala na siya kaya hindi ko alam kung anong ikinamatay nito.
"Heto, hija. Mga dating damit yan ni Señora." Sabay abot sa 'kin ng damit na napili niya. "Ikaw ba ang nobya ni Señorito Rale?"
Tumango ako bilang sagot. "Excuse me po. Magbibihis lang po ako." Pagpapaalam ko pagkatapos kong sumagot sa kaniyang tanong.
Bumaba na ako agad kung saan ko iniwan sila Rale pagkatapos kong magbihis. Si Rale, Mayor, at ang daddy niya na lang ang natira na tahimik na nag-uusap. Nang mahagip ng paningin nila na pababa na ko ay agad silang huminto sa pag-uusap na para bang hindi ko dapat ito marinig.
Tumayo si Rale at tsaka niya ko inabangan sa may dulo ng hagdan. Nakapagpalit na rin siya.
Agad niyang ipinulupot ang kaniyang kamay sa aking baywang ng makababa ako.
"Dad, this is my girlfriend, Mizzy Rain Iqo." Pagpapakilala niya sa 'kin sa kaniyang daddy. "Rain,he's my dad."
Inabot sa 'kin ng daddy ni Rale ang kaniyang kamay at tsaka ko ito tinanggap. "Nice to meet you,hija."
"Nice to meet you po." I answered back.
Mariin kong tinitignan ang mga mata nito na parehong-pareho ng kay Rale. The way they brings shiver in the insides of your body when you get attached to them. Para bang nalalaman nila lahat ng tungkol sa 'yo tuwing tumatapat ang mga ito sa 'yong mga mata.
"You look great in that dress, hija. And you remind me of my wife." Nakuha ang atensyon ko ni Mayor ng magsalita siya.
"Lalabhan ko na lang po ito bukas tsaka ko po ibabalik." Bigkas ko.
"Hindi na kailangan, hija. Regalo ko na sa'yo 'yan. And you need to take care of that. Tara na, kumain muna kayo bago ka ihatid ni Rale pauwi."
"Thank you po."
Umupo ako sa tabi ni Rale na nasa tapat naman ng kaniyang daddy.
"Hija, maraming salamat nga pala at nahanap mo ang anak ko. Nilibot na namin ang buong Elysian pero hindi pa rin namin siya nakita. Sa'yo lang pala niya gustong magpahanap." Nakangiting pagkikwento ng kaniyang daddy.
Ngumiti ako pabalik at tsaka nagsalita. "Hindi ko nga rin po inaasahang doon ko pa siya makikita."
"Ewan ko nga ba jan sa anak ko at bakit sa'yo lang gusto magpahanap. Ngayon ko lang 'yan nakitang ganiyan ka-inlab sa isang babae." Napatingin ako kay Rale dahil sa sinabi ng kaniyang ama.
"Don't look at me like that. You've already know that." Bigkas niya habang seryosong kumakain.
Napangiti ako at itinuloy ko na ang aking pagkain. Pagkatapos namin ay agad na rin akong nagpaalam sa kanila.
Nagulat ako ng maramdaman ko ulit ang kaniyang kamay na humawak sa aking baywang habang papunta kaming kotse niya. "Hindi ako mawawala. You're being so clingy, today." Puna ko sa kaniya.
"So? I just want to hold you. Damn it! I look so madly in love."
Napatawa ako dahil sa sinabi niya sa sarili niya. And he's cute, by the way.
Nagulat na lang ako ng biglang dumampi ng mabilis ang kaniyang labi sa aking labi.
"Iuuwi na kita. Masyado na akong nababaliw." He said.

BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...