Thirty-First Memory

14 1 0
                                    

The Untold Story

At sa pagtakbo ng oras ng gabi, our time will now come to an end.

Bumitaw ako sa kaniyang kamay kasabay ng pagbigay ko sa kaniya ng mabilis na halik sa kaniyang labi.

Alam namin pareho na matatapos ang gabing ito, babalik kami sa dati at magiging isang alaala na lamang ito.

"I enjoyed this night, I really do." Bigkas ko kasabay ng tuluyan kong pagbitaw sa kaniyang kamay pero agad niyang binawi ito at nauwi ako sa kaniyang mga bisig. He hugged me tight as my tears began to fall from my eyes.

"Kung pwede ko lang hawakan ang kamay mo habang-buhay, but I might end up selfish. Selfish for wanting you, for liking you, for loving you. Hindi kita pwedeng mahalin, Rain. And the idea of it is killing me. Gustong-gusto kita pero wala akong magawa. Mahal na mahal kita pero hindi pwede." At sa bawat pagbigkas niya ng mga ito ay parang patalim na isa-isang pumapatay sa aking puso, mga tanong na mas lalong nagpagulo ng aking isip, mga sana na mananatiling hanggang sana na lang.

Alam kong may tinatago siya sa 'kin. Alam kong may mali. Alam kong may dahilan lahat ng sinasabi niya at nakakainis dahil kahit gusto kong alamin, wala akong magawa.

Why does loving someone so complicated?

Umalis ako at umuwi na sa bahay. Nadatnan ko si Lola na balisang-balisa at ikot ng ikot sa loob habang inaabangan ako sa may pinto.

Simula noong magtrabaho ako dito sa Maynila ay dito na namin napagdesisyunan ni Lola na tumira. Luma na rin 'yung bahay niya sa probinsiya kaya kapag nakapag-ipon ako ay ipaparenovate ko ito.

Nagmano ako sa kaniya pero nagulat ako ng agad niya kong hinila papasok sa loob. "Ano pong problema, Lola? Tsaka gabi na po, bakit 'di pa po kayo nagpapahinga?" Pansin ko sa mga mata ni Lola ang sobrang pag-aalala na hindi ko maintindihan kung bakit.

"Apo, maupo ka sandali. May gusto akong sabihin sa'yo." Bigkas ni Lola na agad kong sinunod dahil sa tono pa lang niya ay alam kong sobrang seryoso ng gustong niyang sabihin.

"Ano po 'yun?"

"Apo, makinig kang mabuti sa 'kin. May gusto akong ipagtapa-" Hindi na naituloy ni Lola ang sasabihin niya nang nagulat kaming pareho sa kung sino ang pumasok sa bahay.

"Mayor?" Napatayo ako sa aking kinauupuan sa sobrang pagtataka kung anong ginagawa ni Mayor sa bahay namin at sa ngayong oras.

"Felix! Ako magsasabi sa ap-" Hindi na naituloy ni Lola ang sasabihin niya ng bigla akong niyakap ni Mayor kasabay ng pagpasok ng daddy ni Rale.

"Anak." Natigilan ako sa binigkas niya. What the hell is happening? Wala akong maintindihan. "Kung alam ko lang noon na anak kita, hindi kita hinayaang umalis sa bahay ko, hindi kita hinayaang mawala sa puder ko. Patawarin mo ko. Hinding-hindi na kita hahayaang malayo pa sa 'kin."

Kumalas ako sa yakap ni Mayor kasabay ng pagtakbo ko palabas ng bahay. Hindi ko alam kung anong nangyayari, kung ano ang sinasabi nila, kung bakit niya ko tinatawag na anak. Everything is fucking making me confused.

Pumunta ako sa may Manila Bay at umupo. I need to clear my mind just for an hour. Gusto ko lang ng katahimikan mula sa lahat bagay.

Pero lumipas ang ilang minuto ay nasundan ako ni Lola dito. Umupo siya sa tabi ko at tsaka hinawakan ang aking kamay. Napatingin ako sa kaniya at binigyan niya ko ng isang ngiti.

"Apo, makinig ka sa 'kin. Ayos lang takasan lahat pero huwag habang buhay. Ayos lang tumakbo pero dapat sandali lang. Kasi kahit anong mangyari, hinding-hindi mo matatakbuhan ang isang bagay hanggat hindi mo pa nahaharap. Kasi alam mo, ang katapangan ng isang tao ay nasusukat sa paraan niya ng pagharap sa mundo. At alam mo ba, ang mama mo, ang pinakamatapang na taong nakilala ko."

At natagpuan ko na lang ang sarili kong umiiyak. Umiiyak dahil alam kong napakaduwag kong harapin ang lahat. Harapin ang katotohanan, harapin ang nararamdaman, harapin ang mundo. At siguro nga, hindi ko namana ang pagiging matapang ni mama.

"Apo, gusto mo ba malaman lahat?" Tanong sa 'kin ni Lola at agad akong tumango.

Minsan natatakot tayong harapin ang katotohanan dahil inaasahan natin ang isang bagay na ayaw nating malaman. We tend to run, not knowing the truth, not facing the truth because we're afraid of that hint about that truth.

"Anak ka ni Felix. Siya ang tatay mo." Panimula ni Lola.

"Paano po nangyari? Si daddy po?"

"Ang totoo niyan, kasal ang mama at daddy mo. But your mom fell out of love. Kumalas siya sa pagmamahalan nila. Una, hindi ko maintindihan kung anong dahilan ng anak ko. Kung bakit siya nakipaghiwalay sa daddy mo. Pero, hindi natin mapipigilan ang isang puso kung hanggang saan lang ito magmamahal. At siguro, hindi itinadhana ang mama mong mahalin ang daddy mo. And I thought, maybe they're not meant for each other." Pagkikwento ni Lola at pansin ko na rin ang pagpatak ng luha mula sa kaniyang mata.

"At nalaman ko na lang, nahulog na pala ang mama mo kay Felix. Isang taon ng patay ang asawa niya at doon ko nalaman na nagkikita na pala silang dalawa ng mama mo. Nagalit ako kay Astherain kasi wala pang isang buwan simula n'ung maghiwalay sila ni Luis. Pero, ramdam ko ang pagmamahal ng mama mo kay Felix kaya't hinayaan ko sila. At isang araw nalaman ko na lang na buntis na ang anak ko. And you were that child. Pero hindi ka pa ipinapanganak ay dumating si Luis para kunin ang mama mo. He was so obssessed with your mother kaya nagawa niyang dukutin ang anak ko. Walang kaalam-alam si Felix na buntis ang anak ko at ginawa niya ang lahat para hanapin ang mama mo. Habang lumalaki ka, nagawa kong mahanap kayo pero ayaw ng mama mong ipaalam kay Felix kung nasaan kayo dahil pinagbantaan siya ni Luis. Pero isang araw, hindi ko na natiis, sinabi ko kay Felix at nalaman ni Luis na nagsumbong ako. Tumakas si Luis kasama ang mama mo at nasa school ka n'ung mga oras na 'yun kaya hindi ka nila kasama at nagpapasalamat ako dahil wala ka sa bahay n'ung oras na 'yun dahil kung hindi baka hindi na kita kasama ngayon. At ang alam ko na lang na nangyari ay ang pagkabangga ng sinasakyang kotse ng mga magulang mo." At doon na sunod-sunod na nagsipatakan ang mga luha ni Lola. Alam kong masakit para sa kaniya ang lahat, hindi lang sa 'kin.

"Bakit ngayon niyo lang po sinabi sa 'kin na ang tatay ko po ay si Mayor?" Tanong ko habang hawak-hawak ang kamay ni Lola.

"Kasi apo, natatakot akong mawala ka rin sa 'kin. Nawala na ang isa kong anak at gusto kong kasama lang kita. Hindi kita nagawang kunin pagkatapos mamatay ng mga magulang mo dahil sobra akong nagdalamhati sa pagkawala ng anak ko. Patawarin mo ko." Niyakap ko si Lola kasabay ng paghagod ko sa kaniyang likod. Now, I understand her. Kasi alam ko sa likod ng mga nangyayari, may kwento. At ngayong nasabi na ni Lola, naiintindihan ko na siya.

"Mayroon pa kong hindi nasasabi sa 'yo." Seryosong tumingin sa 'kin si Lola.

"Ano po 'yun?" Tanong ko.

"Alam mo ba kung sino ang bumangga sa sinasakyan ng mga magulang mo," Ramdam ko sa mga mata ni Lola ang galit. Pero, aksidente naman siguro ang nangyari, 'di ba?

"Sino po?" My curiosity asked.

"Ang daddy ni Rale."

Every Raindrops Of His Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon